Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 651 - Ang Presidente… ay Mamamatay na

Chapter 651 - Ang Presidente… ay Mamamatay na

Ang lahat ng pagbabagong ito ay mabuting balita para sa Lin family. Sunud-sunod ang magagandang bagay na dumadating sa kanila. Kuntento na si Elder Lin; ang set-up na ginawa niya maraming taon na ang nakakaraan ay maganda na ang ibinubunga sa wakas.

Matapos na mapanalunan ng Lin family ang pagkapresidente, makakahanap ng dahilan si Shen Ru para kanselahin ang engagement nina Tong Yan at Lin Xuan. Sa panahong iyon, mawawala na sa kanyang posisyon si Tong Yan, kaya naman hindi na nila kakailanganin pa ang isang babaeng walang silbi na katulad nito para mahaluan ang kanilang lahi.

Siyempre, wala naman talagang nangyari sa pagitan nina Tong Yan at Lin Xuan, isa lamang palabas ang lahat ng ito. Sobra ang pagkahumaling ni Tong Yan kay Lin Xuan, kaya balewala sa kanya kung ano ang mga tsismis na sumisira ng kanyang pangalan basta ba kasama niya ito. Wala ding pakialam si Lin Xuan sa pekeng engagement dahil hindi naman talaga sila ikakasal.

Ang kanilang relasyon ay nalalapit sa pagiging malaswa sapagkat sila ay magpinsan, pero hindi ito mabubunyag. Ang lahat ng ito ay para sa kinabukasan ng Lin family.

Ang katawan ng presidente ay lumulubha na, at nag-aalala na naghihintay ang Lin family. Ang tagumpay ay nalalapit na. Desperado na silang hinihiling na sana ay i-anunsiyo na ang presidente ang kanyang pagreretiro at simulan na ang susunod na eleksiyon…

Gayunpaman, sa huling minuto kung saan ang lahat ay halos abot-kamay na nila, biglang ipinahayag ni Lu Qi na ang pananaliksik sa mekanikal na puso ay kumpleto na!

Maililigtas na ang presidente!

Ang balitang ito ay parang isang pisikal na sampal sa Lin family. Mabilis na dumating sa kanila ang balitang ito mula kay Shen Ru.

"Talaga bang natapos ni Lu Qi na buuin ang puso?" Hindi makapaniwalang tanong ni Elder Lin. "Hindi ba't sinabi nila na hindi sila makahanap ng tamang materyales?"

"Nakita na nila ito. Ayon kay Lu Qi, ang Xi family ang tumulong sa kanya na mahanap ang materyales at matapos nito ay si Xia Xinghe ang bumuo ng makinarya!" Sambit ni Shen Ru ng may pagkasuklam at pandidiri. "Bakit ba patuloy na gumagawa ng mga bagay sa dilim ang p*tang iyon?"

Ito ay katulad din ng disenyo sa mekanikal na puso. Patuloy na gumagawa ito ng mga bagay sa likod ng eksena, na hindi nagbibigay ng impormasyon sa kasalukuyan niyang progreso.

Sumeryoso ang mukha ni Elder Lin. "Kailangang mawala ng babaeng iyan! Patuloy niyang sinisira ang plano natin!"

Mapanganib na naningkit ang mga mata ni Lin Xuan, hindi niya inaasahan na masyadong mahusay ang babaeng ito. Nang kainin nila ang Bao Hwa, inisip niya na isa lamang itong tusong negosyante, hindi niya inisip na makakagawa ito ng isang bagay na tulad ng mekanikal na puso…

Talagang minaliit nila ito ng husto.

"Tama si lolo, hahanap ako ng paraan para mapalabas siya at wasakin na din sa pagkakataong iyon ang mekanikal na puso," tumayo si Lin Xuan at ipinahayag ito na tila isang anghel na mula sa impiyerno.

Gayunpaman, sa sandaling iyon, biglang tumunog ang telepono ni Elder Lin. Mula ito sa Madam Presidente…

Sinagot ni Elder Lin ang telepono nang may nagtatakang puso, "Hello, Madam, bakit po kayo napatawag?"

"Elder Lin, mayroon akong importanteng bagay na dapat ay pag-usapan nating lahat, maaari bang lahat kayo ay pumunta ngayon sa bahay ng presidente? Dalhin mo na din sina Mayor Lin at ang iba pa," sagot ni Madam Presidente sa isang natatarantang tono.

Naalerto si Elder Lin. "Madam, ano ba itong gusto mong ipakausap sa aming lahat?"

"May kinalaman ito sa kalusugan ng presidente. Pumunta na kayo ngayon at sasabihin ko na sa inyong lahat." Matapos nito ay ibinaba na nito ang tawag.

Isinara ni Elder Lin ang kanyang telepono at sinabi sa mga nasa silid, "Gusto ng Madam na magpunta tayong lahat sa bahay ng presidente, sinabi niya na may gusto siyang pag-usapan natin tungkol sa kalusugan ng presidente."

Naguluhan si Lin Kang. "Gusto niyang lahat tayo ay naroroon?"

Tumango si Elder Lin at noon din, ay nakatanggap na naman siya ng panibagong tawag. Mula ito kay Shen Ru. Tinawagan din siya ng Madam Presidente at hiniling na pumunta din siya sa bahay ng presidente.

Ibinaba ni Shen Ru ang telepono at sinabi sa kanyang sarili, "Hindi kaya ang presidente… ay mamamatay na?"

Related Books

Popular novel hashtag