Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 652 - Ang Kalangitan Ay Nagbabago

Chapter 652 - Ang Kalangitan Ay Nagbabago

Ang kaisipang ito ang nagpasabik sa lahat ng mula sa Lin family.

"Hindi ito imposible." Ang kasabikan sa mga mata ni Elder Lin ay hindi na mapipigilan. "Hindi niya ipapatawag tayong lahat na pumunta dun kung hindi."

"Tatawag ako sa bahay para magtanog!" Para makumpirma ang kanilang pagdududa, tinawagan ni Shen Ru sina Elder Shen at ang Tong family. Lahat sila ay imbitado din.

Kahit si Elder Shen ay naghihinala na mamamatay na ang presidente. Ito ang tanging dahilan na lahat sila ay imbitado, sila ang pinakamalalapit sa presidente. Kung biglang mamatay ang presidente, magiging isa itong pambansang krisis!

Baka ipinatawag sila ng Madam Presidente para hingin ang kanilang tulong. Matapos ang kumpirmasyon, hindi na mapigilan ng Lin family ang kanilang katuwaan at nagmamadali na silang nagmaneho patungo sa bahay ng presidente ng magkakasunod. Kahit ang Shen family at Tong family ay kumpletong nandoon.

Inaasahan na nila na ang istruktura ng kapangyarihan sa Hwa Xia ay magbabago kinabukasan. Ang kanilang nararamdaman ay kumplikado, ang iba ay kinakabahan, ang iba ay malungkot.

Nang makita ni Elder Lin sina Elder Tong at Elder Shen, nagpakunwari pa ito, umaakto na tila may malasakit talaga ito sa kalusugan ng presidente. Sinabi ni Elder Shen na, "Kahit ano pa, huwag tayong manatili dito at manghula. Pumasok na tayo, baka may iba pang nangyari."

"Tama ka," may kaunting kasabikan na sambit ni Elder Lin. Sino ang makakapanisi sa kanya?

Kung ang presidente ay mamamatay na, ang bansa ay magkakaroon ng panibagong eleksiyon at ang Lin family ang may pinakamalaking tsansa na manalo, kaya naman, hindi na makahitay ang Lin family na matapakan ang patay na katawan ng presidente patungo sa kanilang magandang kinabukasan.

Gayunpaman, nang tumapak na sila sa meeting hall, napagtanto nila na ang Xi family ay nandoon din!

Hindi lamang sina Elder Xi at Mubai ang nandoon, kahit sina Jiangnian at Munan ay nandoon din sa nakakasindak nilang damit-militar. Ang suspetsa ng madla ay nakumpirma noong ang mga ito ay napansin.

Noon din, si Madam Presidente ay iginiya sa silid nina Lu Qi at Xinghe.

Si TOng Yan ang unang nagmamadaling nagtanong, "Auntie, kaya mo ba kami ipinatawag lahat dito ay dahil sa mamamatay na ang presidente? Ano ang nangyari, paano ito agad na nangyari?"

"Little Yan, tingnan mo ang ugali mo," mahinang sawata sa kanya ni Shen Ru pero ito din ay may pag-aalalang nagtanong, "Sis, bakit mo ipinatawag kaming lahat dito?"

Tumingin si Madam Presidente sa pares ng mag-ina, at sa ibang kadahilanan, nakikita ni Shen Ru ang pagkabigo at iba pang emosyon sa likuran nito. Gayunpaman, mukhang pilit na itinatago ito ng kanyang kapatid.

Napabuntung-hininga na si Madam Presidente. "Hindi magtatagal ay malalaman din ninyo."

"Mamamatay na ang presidente, tama?" Bastos na bulalas muli ni Tong Yan. "Pero hindi ba't sinabi nila na natapos na buuin ni Xia Xinghe ang mekanikal na puso at ang presidente ay ligtas na? Kaya bakit ito nangyayari…"

Sa puntong ito, nagalit na naman si Tong Yan at hinarap si Xinghe. "Xia Xinghe, kung anuman ang mangyari sa presidente, mamamatay ka na! Hindi ba't sinabi mo na nakita mo na ang materyales at pinilit mong gawin ang mga bagay sa likuran ng lahat? Desperado ka ba na kunin ang karangalan dito? Sinasabi ko sa iyo, sa oras na ito hindi ka lamang pumalpak pero mamamatay ka nang hindi mo nalalaman kung bakit!"

Masungit na dumagdag din si Elder Lin, "Ang Xi family mo ay pasikretong binuo ang mekanikal na puso, kaya hindi na makakapagtaka kung may malisyosong intensiyon kayong itinatago. Kung talagang sinaktan ninyo ang presidente ay talagang may nangyaring masama sa kanya, ang inyong Xi family ay magiging traydor ng bansa!"