Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 653 - Naghintay Nang Matagal na Panahon

Chapter 653 - Naghintay Nang Matagal na Panahon

"Tama iyon, Xia Xinghe, hindi ka naman pumapayag na ibunyag ang impormasyon tungkol sa materyales kaya siguradong may kaduda-duda sa iyo!" Interogasyon sa kanya ni Shen Ru, "Plano mong saktan ang presidente at traydurin ang bansa, hindi ba? Isa kang traydor!"

Natatawa na lamang si Xinghe habang hinaharap ang malulupit nilang akusasyon. Ang kanyang maiitim at malalamig na mata ay sinalubong ang mga tingin nito at sinabi, "Tama iyon, ang aming Xi family ay sinadyang hindi ipahayag ang progreso ng pananaliksik, pero hindi dahil sa may malisyoso kaming intensiyon, ito ay para guwardiyahan laban sa inyong mga tao na may malulupit na layunin!"

Nagulantang si Elder Lin bago mapanganib na naningkit ang mga mata nito. "Ano ang ibig mong sabihin diyan?"

"Xia Xinghe, ano ba ang pinagdadadaldal mo diyan? Kapag hindi mo nilinaw ang sarili mo, magkita-kita na lamang tayo sa korte dahil sa paninirang-puri mo sa pangalan namin!" Ngayong si Tong Yan ay isa nang manugang ng Lin family, ang "namin" niya ay hindi na tumutukoy sa Tong family o sa Shen family kundi ang Lin family na. Gusto niyang malaman ni Xinghe na siya, si Tong Yan, ay kakampi na ng Lin family ngayon. Kung nandoon siya, hindi niya bibigyan ng pagkakataon si Xinghe na maapi ang Lin family!

Napailing na lamang si Xinghe habang pinapanood ang kanyang palabas na parang isang tanga. May panghahamak niyang sinabi, "Erederang Tong, hindi magtatagal ay makikita mo na hindi ka ganoon kaimportante tulad ng iniisip mo."

"Ano ang sinasabi mo? Ano ang ibig mong sabihin diyan?" Utos ni Tong Yan. An mukha ng Lin family, kasama na ang kay Shen Ru, ay dumilim. Ang sinabi ni Xinghe ay nagpayanig sa mga puso nila ng may kaba…

"Ano ang ibig kong sabihin? Tanungin mo ang nag-iisang anak na babae ni Elder Lin, ang ikaapat na anak na babae ng Lin family at maiintindihan mo." Sinulyapan ni Xinghe ang iba pa sa kanila at nagtanong ng may nakataas na kilay, "Oo nga pala, nasaan ang fourth miss, bakit wala siya dito?"

Biglang kumislap ang kaba sa mga mata ni Elder Lin. Pinakalma niya ag sarili at nag-utos, "Ano naman ang kinalaman nito sa iyo kung alin sa mga miyembro ng Lin family ang pumunta dito? Madam, bakit mo kami ipinatawag dito? Huwag mong sabihin na ito ay para makinig kami sa kabaliwan ng babaeng ito!"

"Tama iyon, Anak, bakit mo kami ipinatawag?" Nagtataka din si Elder Shen, maski ang iba pa na nasa loob ng silid. Gayunpaman, naramdaman nila na ang dahilan ay maaaring walang kinalaman sa presidente pero maraming kaugnayan sa Lin family…

Napaupo sa isang silya si Madam Presidente at napabuntung-hininga. "Ang dahilan kung kaya ipinatawag ko kayong lahat ay dahil mayroon akong bagay na kailangang ipahayag. Si Xinghe ang magbibigay sa inyo ng detalye kaya maaari bang ang lahat ay maupo at tahimik na makinig."

Lalong tumindi ang kaba sa loob ng silid. Naupo ang lahat ng may seryosong ekspresyon, tanging ang Xi family ay nananatiling malamig tulad ng dati.

Nakatayo si Xinghe ng hindi kumikilos. Nagbigay ng hudyat sa kanya si Madam Presidente at sinabi, "Sumige ka na, naniniwala ako sa iyo."

Tumango si Xinghe. Alam niyang sa sandaling iyon ay masyadong pagod na ang Madam Presidente, kaya hindi niya masabi ng sarili ang katotohanan.

Gayunpaman, higit pa sa kagustuhan ni Xinghe na kuhanin ang responsibilidad ng pagsisiwalat ng tungkol sa Lin family sa harapan ng lahat!

Ito ang paghihiganti na matagal na niyang hinihintay. Mula noong maaksidente si Mubai, pinaplano na niya at hinihintay ang sandaling ito. Sa wakas ay dumating na ito.

Matagal na din itong hinihintay ng Xi family. Para sa sandaling ito, marami na silang isinakripisyo at ipinaghintay ng matagal.

Salamat na lang, sa ngayon, ang lahat ay magtatapos na!

Habang sinusukat ng may pinalidad, tumigin si Xinghe sa Lin family ng may pares ng mga mata na sobrang lamig sa tindi ng pagkasuklam. Sinigurado niya na makikita ito ng lahat. Isang higanteng kaba ang bumangon sa puso ng lahat, lalo na sa Lin family. Gusto nilang tumakas sa hindi malamang dahilan.

Ang maharlikang mahilig gumawa ng gulo, si Tong Yan, na siyang pinakabata sa lahat, ay walang pasensiyang sumigaw, "Xia Xinghe, ano ba itong gusto mong ipahayag? Dumeretsa ka na sa punto ng mabilis!"