Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 8 - Ang Pagbabalik sa Porma

Chapter 8 - Ang Pagbabalik sa Porma

Pagkatapos ng isang sulyap kay Xia Zhi, tumango siya.

Ngumiti siya at sinabi, "Napakagandang balita niyan! Maigi na nanumbalik na ang iyong memorya! Kalimutan na natin ang nakaraan at magsimulang muli. Ate, sa aking pagtatapos ngayong taon, nangangako akong magtatrabaho ako ng maigi para suportahan an gating pamilya. Mahina pa ang iyong katawan kaya dumito ka sa bahay at magpalakas. Ako na ang bahala sa lahat, mag-uuwi ako ng maraming salapi para suportahan ang buhay nating tatlo!"

Nakangiting sumagot si Xinghe. "Naniniwala ako sayo pero huwag ka nang mag-alala sa akin, mabuti naman ang kalagayan ko."

Agad na nakuha ni Xinghe ang malasakit at ibig ipahiwatig ni Xia Zhi.

"Sis, tao ka lang kaya paanong hindi ka maaapektuhan? Dati kang star student sa Academy S, na magkakaroon sana ng magandang kinabukasan kung hindi lamang sa aksidenteng iyon."

Ang pangyayaring dinanas ni Xinghe, ay sapat upang panghinaan ng loob kung ibang tao ang nakaranas.

Panghihinaan ng loob ang kahit na sino kung ang kanilang magandang kinabukasan ay sapilitang binago at kinuha.

Ngunit si Xia Xinghe ay hindi sino lamang.

Naniniwala siya na ang certificate mula sa Academy S ay hindi sapat upang sumahin ang kanyang mga abilidad.

Naniniwala siyang nabuhay siyang matatag mula sa kanyang diborsyo at makakawala siya sa kahirapan.

Hindi na siya takot sa mga bagay-bagay na dati ay naging tanikala sa kanya.

Babawiin niya ang naging buhay niya noon at wala ng makapipigil pa sa kanyang landas.

"Ayos lamang ako, hindi ka ba naniniwala sa akin? Oo nga pala, ano bang klaseng trabaho ang hinahanap mo?", tanong ni Xinghe, halatang binabago ang usapan.

"Computer Science ang aking degree kaya plano kong magtrabaho sa isang internet company pero huwag kang mag-alala, hindi yun Xi Empire.", excited na sagot ni Xia Zhi.

Ang Xi Empire ang pinakakilalang internet company sa kanilang bansa na Hwa Xia, at sa panahong ito, ang online business ang pinakapatok sa lahat.

Ang business venture ng Xi Empire ay nakatutok sa hotel at real estate, pero nakita ni Mubai kung gaano kapaki-pakinabang ang online business.

Sa ilalim ng pamumuno niya, ang Xi Empire ngayon ay ang pinakamalaking kumpanya sa Hwa Xia, at si Mubai ay makailang beses na ding nakapasok sa listahan ng Sampung Pinakamayaman Tao sa Mundo sa Forbes'.

Magiliw na nagsalita si Xinghe, "Ang Xi Empire ay may pinakamagandang teknolohiya, mabuting pamamahala at magandang benepisyo, isa itong magandang entablado para sa mga nagsisimulang programmer na tulad mo. Dapat kang mag-apply doon."

Matatag din ang balik ni Xia Zhi, "Over my dead body. Naging masama ang trato nila doon, kaya imposible na magtrabaho ako para sa kanila!"

"Sige, hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Balang-araw, magkakaroon din tayo ng ating sariling internet company."

"Iyon naman talaga ang plano ko. Sis, maniwala ka sa akin, gagawin ko ang lahat para ipagmalaki mo ako!", pangako ni Xia Zhi ng buong sigasig. Sa potensyal ni Xia Zhi, naniniwala si Xinghe na magiging matagumpay ang kanyang pinsan.

Hindi sa kailangan siya nito ngayon, ngunit sa pagkakataong kailanganin nga siya ni Xia Zhi, nandoon siya upang tulungan ito.

Habang magdamag na nakikipagkwentuhan si Xinghe kay Xia Zhi, si Mubai naman ay naghahanap sa kanya.

Dalawang oras na niya itong hinahanap ngunit siya ay nabigo.

Ngayon lamang niya napagtanto kung gaano siya naging katawa-tawa ng tumawag si Tianxin.

"Mubai, nakahiga ka na ba?" ugali na ni Tianxin na tawagan siya gabi-gabi.

Sa totoo lamang, walang masyadong nagiging usapan si Mubai sa kanya at wala siyang interes na makinig kung paano ginugugol ni Tianxin ang pang-araw-araw na buhay kung kaya ang gabi-gabing tawag ng dalaga ay bibihirang lumalawig sa hello at good night.

"Gising pa ako, mayroon ka bang gustong sabihin?", malamyang tanong ni Mubai.

"Kumusta si Lin Lin? Hindi maganda ang kanyang hitsura noong hapunan." Maingat na tanong ni Tianxin.

Alam ni Tianxin na ayaw ni Xi Lin ng kanyang presensya pero dahil sa iniingatan niyang imahe, nagkukunwari siyang hindi niya ito napapansin.

"Ayos lamang siya. Tulog na siya ngayon."