Nagsalita sa mahinang tinig si Mubai, "Kahit na, si Xinghe ay ina pa din ni Lin Lin. Oo, hindi na kami kasal, pero hindi natin pwedeng ipikit na lamang ang ating mga mata sa kanyang paghihirap."
Napakunot-noo si Ginang Xi habang sumasagot. "Desisyon ng babaeng iyon na huwag tanggapin ang ating tulong. Ikaw mismo ang nakakakilala sa kanyang ka-weirduhan at kakitiran ng pag-iisip. Wala na siyang naitulong at problema na lamang ang kanyang hatid simula ng mapunta siya sa pamilya Xi. Ayaw niyang tanggapin ang kanyang pagkakamali at ni hindi niya gustong makisalamuha sa ating pamilya, na tayo pa ang magkikisama sa kanya. Ginawa ko na ang lahat pati ang pag-aalok ng tulong sa kanya ngunit matigas siyang tumanggi. Hindi tayo nagpapatakbo ng charity dito, at hindi ako makikiusap sa kanya na tanggapin ang tulong natin."
"Kahit na, dapat ay sinabi mo man lamang sa akin…"
"Mubai, ang iyong kasal sa kanya ay isang malaking pagkakamali sa simula pa lamang. Ang tatay mo ay wala sa kanyang tamang pag-iisip noong siya ay pumayag na tanggapin ang babaeng iyon na makasal sa pamilyang ito. Alam kong hindi naging madali iyon para sa iyo lalo na ikaw ang makikisama sa babaeng iyon. Isang pagpapala na humingi na siya ng diborsyo kaya hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong bumalik sa pamilyang ito. Isa pa, isa na siyang ganap na adult kaya hindi siya mamamatay sa gutom."
[True, pero hindi din naman siya nabubuhay ng maayos…
Kapag nalaman ni Lin Lin ang katotohanan sa hinaharap, siguradong magagalit siya sa kanila.]
Tumindig na si Mubai at hindi na hinintay pa ang pagdating ng kanyang agahan, "Pupunta na ako sa opisina."
"Pero hindi ka pa nakakapag-agahan." Habol na tawag ni Ginang Xi ngunit lumabas na si Mubai ng bahay at hindi man lamang ito lumilingon.
"Kita mo, di ba sinabi ko sa iyo na huwag ilihim sa anak natin? Sinabi ko na sa iyo na magagalit siya kapag nalaman niya," sabi ng tatay ni Mubai, na si Xi Jiangsan, habang ginagalitan ang asawa.
Nilingon siya ni Ginang Xi. "Ako pa sinisisi mo ngayon? Kasalanan mo ito eh. Kung hindi ka pumayag sa kasalang iyon noong una pa lamang, hindi na sana nauwi sa ganito ito ngayon. Nakita mo, wala sa kanila ngayon ang masaya."
Bumuntung-hininga si Jiangsan. "Utang ko sa ama ni Xinghe ang buhay ko at iyon ang kanyang huling habilin, kung kaya paano ko siya mahihindian? Isa pa, paano ko malalamang hindi sila magkakasundo? Ngayon naging leksiyon ito sa akin. Hindi na ako makikialam sa pag-aasawa ng anak natin sa hinaharap. Siya na ang bahala pumili ng pakakasalan niya."
"Ano na namang kalokohan iyang pinagsasasabi mo ngayon? Nakapili na tayo at iyon ay si Tianxin. Kilala ko ang dalagang iyon mula pagkabata at trinato ko na siya bilang tunay kong anak. Perfect siya para kay Mubai.", nakangiting sambit ni Ginang Xi noong nabanggit ang pangalan ni Tianxin.
Nagising si Xinghe ng pagud na pagod.
Ang biglaang pagbabalik ng kanyang alaala ay maaaring nagpadagdag ng pressure sa kanyang mental na estado. Idagdag pa na nasagasaan siya ng kotse na hindi nakatutulong sa kanyang sitwasyon.
Napagpasyahan niyang manatili sa bahay upang magpagaling.
Isa iyong school holiday kaya nagpaiwan si Xia Zhi sa bahay para alagaan ang kanyang ate.
"Sis, sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo? Kung bumalik na lang kaya tayo sa ospital?", nag-aalalang tanong ni Xia Zhi.
Umiling si Xinghe at sinabing, "Ayos lang ako. Utos ng doktor, manatili daw ako sa bahay ng ilang araw para magpahinga. Hindi naman seryoso ang mga tinamo kong pinsala, or else hindi nila ako palalabasin doon."
"Pero napakaputla mo."
"Ito ang normal na hitsura ng nagpapagaling na pasyente…", madiing sambit ni Xinghe. Ayaw na niyang bumalik pa sa ospital.
Hindi kayang tustusan ng pamilya nila ang kanyang bayaring medikal.
Alam niyang pinalaya ni Mubai ang tsuper na nakabundol sa kanya. Hindi niya gustong may tanawing utang-na-loob kay Mubai kaya mas pinili niyang manahimik.
Hindi matiis ni Xia Zhi na makita siyang ganito, "Sis, dapat na siguro tayong magpunta sa doktor. Mayroon pa tayong kaunting pera. Kahit si tatay na nagsabi na dalhin ka sa ospital bago siya umalis para magtrabaho kaya makinig ka sa amin!"
Ang katotohanan ay mayroon silang salapi na halos sakto lang para sa check-up.
Nagmatigas ni Xinghe na hindi seryoso ang kanyang mga tinamong pinsala at hindi niya ginustong umalis ng kanyang silid.
Alam ni Xia Zhi ang totoo kung bakit ayaw niyang umalis.
Noong wala na siyang maisip na paraan, mayroong kumatok sa pintuan ng kanilang bahay.
Mabagal ito at halatang sinasadya, kumpara sa mabibilis at nagmamadaling katok ng mga kapitbahay nilang brusko.