May saya sa boses na sinabi ni Tianxin, "Mabuti naman. Gabi na. Mubai, magpahinga ka na din."
"Okay."
"Good night.", mainit na sinabi ni Tianxin.
Maingat na hinawakan ni Mubai ang kanyang telepono, itinigil niya ang kotse sa gilid ng kalsada at nagsimulang magsigarilyo.
Habang nilalagpasan siya ng mga sasakyan, napatawa siya sa sarili.
Ano ngayon kung nawala si Xia Xinghe, paano ba niya naging responsibilidad na hanapin ito?
Malaki na siya, kaya na niyang hanapin ang bahay pauwi.
Nagmaneho na pauwi si Mubai, pero para sa ikaka-panatag ng kanyang kalooban, ay inatasan niya ang kanyang tauhan na mag-imbestiga sa kalagayan ni Xinghe. Nang sa gayon ay alam niya kung buhay pa ito at magkaroon siya ng ideya kung ano ang nangyari dito noong mga nakaraang taon.
Interesado siyang malaman kung paano nasadlak sa ganoong kalagayan ang babaeng mayroong malaking halaga ng pera na nakuha mula sa alimony.
…
Kinabukasan ng umaga, nakakuha ng impormasyon si Mubai tungkol kay Xinghe at sa mga 3 taong pinagdaanan nito.
Pagkatapos ng diborsyo, siya ay kinupkop ng kanyang tiyuhin.
Sa pamamagitan ng koneksyon sa pamilya, naintindihan niyang ang tiyuhin nito ay may anak na lalaki at silang tatlo ay nagtutulungan upang mabuhay ang pamilya. Bumagsak ang kanilang kabuhayan noong ma-diagnose na may sakit sa bato si Xia Chengwu.
Para kumita ng pera, iba-ibang klaseng trabaho ang kinuha ni Xinghe.
Tagalinis, tagahugas ng plato, waitress… ginugol niya ang kanyang oras sa paggawa ng mga mabibigat na trabaho.
Ang kaso, palagi siyang nabu-bully at iniiwanan dahil sa kanyang mahinang loob na makisalamuha. At dahil dito, wala ng mas matagal pa sa isang buwan ang kanyang mga naging trabaho.
Tatlong taon na palipat-lipat at mabibigat na trabaho ang nagpahina sa babaeng ito.
Nasusorpresa pa din si Mubai kapag naaalala ang kanilang pagtatagpo noong nakaraang araw.
Malaki ang itinanda ng hitsura nito mula ng kanilang diborsyo.
Halos hindi na nga niya ito makilala.
Kung hindi sa aksidenteng pagkikita nila kahapon, hindi niya malalaman kung paano at gaanong mga kalupitan at pasakit ang naranasan nito…
Ngunit isang bagay ang patuloy na nagpapagulo sa isip niya. Bakit hindi niya ginamit ang alimony?
Alam niyang hindi gastadora si Xinghe ngunit kahit na maging gastadora man ito, imposibleng maubos nito ang halagang ibinigay niya sa maikling panahon.
Sumandal si Mubai sa kanyang upuan ng may seryosong ekspresyon. Mukhang mayroong mga nakatagong detalye na kailangan pa niyang alamin…
…
Nang dumating na si Mubai sa silid-kainan, nakaupo na ang lahat ng kanyang kapamilya at nag-aagahan na.
Si Xi Lin ang naunang nagising dahil sa maaga siyang nakatulog noong isang araw. Tapos na siya mag-agahan nang naupo si Mubai.
"Pakihatid si Lin Lin sa paaralan para sa akin,", utos ni Mubai sa isa sa kanilang kasambahay.
"Opo, sir.", sagot ng kasambahay. Hinawakan niya si Xi Lin sa kamay at inakay palabas ng silid.
Mahinhin na sumubo si Ginang Xi ng barley porridge gamit ang porselanang kutsara bago nagtanong, "Bakit ang aga mong umalis kagabi? Ikaw ang dahilan kung bakit tayo nagtipon doon, alam mo ba iyon? Nakakaasiwa na iniwan mo ang iyong ama at ina."
"Tumawag naman ako kagabi na hindi maganda ang pakiramdam ni Lin Lin, hindi ba? Oo nga pala, mom…", tiningnan ni Mubai ang ina, ang ibang tanong ay naiwan sa kanyang lalamunan.
Nakangiting hinikayat siya ni Ginang Xi, "Yes?"
Itinuloy ni Mubai ang sasabihin, "Tinanggap ba ni Xinghe ang alimony pagkatapos ng aming diborsyo?"
Natigil sa ere ang kutsara ni Ginang Xi at bumagsak ang ekspresyon ng kanyang mukha…
Nalaman agad ni Mubai mula sa reaksiyon ni Ginang Xi na ang sagot sa kanyang tanong ay hindi.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi mo siya binigyan ng alimony?"
Inisip niya na namumuhay ng maayos si Xinghe gamit ang pera. Kaya hindi na niya inisip pa na alamin ang pangyayari kay Xinghe.
Kung hindi sa pagkikita nilang hindi sinasadya kahapon, hindi pa rin niya malalaman ang tungkol dito.
Nanigas ang mukha ni Ginang Xi. Nagkibit balikat ito, "Hindi dahil sa hindi ko siya binigyan ng alimony, kung hindi dahil sa inayawan niya ito."
"Kahit na, sana sinabi mo sa akin."
"Bakit ko sasabihin sa iyo? Wala na naman siyang kaugnayan sa pamilya Xi natin. Mabuti na ngang maputol ang kaugnayan niya sa atin ng malinis. Kung ayaw niya ng tulong natin, eh di good riddance."