Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 55 - PAGHIHIGANTI, MALAPIT NA

Chapter 55 - PAGHIHIGANTI, MALAPIT NA

Lumingon si Xia Zhi at sumagot ng may ngiti, "'Tay, hindi mo alam, mamaya ipapaliwanag ko sa iyo."

"Hindi ko pa rin yan maiintidihan kahit ipaliwanag mo…" ikinaway ni Chengwu ang mga kamay at bumalik na sa sala upang manood ng TV series niya.

Napagtanto ni Xia Zhi na abala pa din si Xinghe sa paghihiwa nito ng gulay, ni hindi nito pinansin ang screen ng kanyang laptop. Nagtaka tuloy siya.

"Ate, bakit hindi mo tinitingnan ito? 5,000,000 RMB ito ah, hindi mo ba ako narinig?"

Naniniwala si Xia Zhi na si Xinghe ang makakatulong sa Chui Corps para lutasin ang isyu ng virus na ito.

Isang diyosa si Xinghe para sa kanya. Para kay Xia Zhi, lahat ng computer-related na problema ang kayang lutasin ni Xinghe.

Kaya ang unang reaksyon niya ng makita ang thread na ito, ay nakakita sila ng ginto!

Pagkatapos matalo ni Xinghe ang virus, yayaman na sila at magkakaroon ng 5,000,000 RMB!

Lumingon sa kanya si Xinghe at nagsalita ng pauyam, "5,000,000 RMB lang?"

"…" sabi ni Xia Zhi, "Ate, 5,000,000 RMB, hindi 500,000 RMB, anim na 0's pagkatapos ng isang 5!"

"Ang kikitain ng Chui Corps kapag natalo ang virus ay mas higit pa sa measly 5,000,000 RMB na iyan. Ang planadong partnership nila sa Xi Empire ay hindi matutupad kapag hindi natapos ang problema sa virus at ang partnership na iyon ay higit pa sa 5,000,000 RMB," paliwanag ni Xinghe.

Nagulat si Xia Zhi. Agad siyang nagtanong, "Ate, bakit alam mo ang detalye ng kanilang kumpanya?"

Walang kagatul-gatol na sumagot si Xinghe, "Hinack ko ang Chui Corps' internal database."

Halos matumba si Xia Zhi sa pagkagulat.

"Ate, ano ang sabi mo?" hindi makapaniwalang nakatitig siya kay Xinghe, "Hinack mo ang Chui Corps' internal database?!"

"Oo," kibit-balikat na sagot ni Xinghe.

Hindi lamang kabaliwan – huwag pang sabihing illegal – na maghack sa database ng isang kumpanya.

Hindi makapagsalita si Xia Zhi.

Malaking risk na ang manghack sa server ng isang kumpanya, kaya bakit niya ito ginawa?

"Ate, bakit mo hinack ang Chui Corps? Huwag mong sabihin… na may kinalaman ka sa virus na ito?" maingat na tanong ni Xia Zhi.

Nung oras na lumabas ito sa kanyang bibig, napatawa siya.

"Ano ba itong pinagsasasabi ko, paano ka magkakaroon ng koneksyon sa virus na ito? Ate, naniniwala akong wala kang kinalaman at hindi mo ito gagawin."

"Nope, tama ka sa una mong sapantaha. Ako ang gumawa ng virus." Pag-amin ni Xinghe.

Napanganga si Xia Zhi.

"Ate, ikaw ba talaga?! Hindi mo ba ako niloloko? Pero bakit mo ginawa ito, mapapasama kapag nahuli ka nila…" mabilis na sabi ni Xia Zhi. Gulat na gulat siya kaya lahat ng nasabi niya ay pabulong. Makikita ang pag-aalala sa mukha niya.

Hindi niya aakalain na ang ate niya ang responsible sa virus na nagpasagulo sa hacker's forum.

Ang Xinghe na alam niya ay hindi malisyosong tao. Hindi siya gagawa ng bagay tulad ng pagrelease ng virus para idamay ang mga inosenteng tao.

Alam ni Xinghe kung ano ang iniisip niya kaya agad siya nitong sinabihan sa mababang tinig, "Ang asawa ni Xia Wushuang ay si Chui Ming ng Chui Corps."

Agad na naliwanagan si Xia Zhi.

"Ate, dahil ba ito sa paghihiganti mo sa kanila? Pero hindi mo naman dapat idamay si Chui Ming, asawa siya ni Wushuang pero hindi naman siya kasali dapat. Saka hindi tayo dapat gumagawa pa ng kaaway. Ang mga taong may gustong manakit sa atin ay sina Wu Rong at Wushuang lang."

"Ang taong nag-utos na saktan ka ay si Chui Ming."

Isa na naman itong sorpresang rebelasyon para kay Xia Zhi.

Inilahad ni Xinghe ang nalalaman, "Ang dalawang lalaki na nanakit sa iyo ay personal na mga bodyguard ni Chui Ming. Hindi nila ito gagawin kung walang utos ni Chui Ming."