Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 5 - Narito Siya Para Magpagawa ng Police Report!

Chapter 5 - Narito Siya Para Magpagawa ng Police Report!

"Mr. Xi, kami po ay napatawag upang ipaalam sa inyo na ang pasyenteng inyong dinala kanina ay biglang nawala. Naniniwala po kami na umalis siya sa ospital ng kusa! Gayun pa man, nagsisimula pa lamang umigi ang kanyang katawan kaya hindi dapat na siya ay umalis. Maaari po ba ninyo siyang kontakin at sabihang bumalik sa ospital?"

Tama nga ang hinala ni Mubai na ang tawag ay dahil kay Xia Xinghe ngunit hindi niya naisip na aalis ang babae sa ospital kahit na tutol pa ang doktor!

Nabunggo si Xinghe ng sasakyan. Hindi man seryoso ang kanyang mga sugat ngunit sinabi ng doktor na kailangan niyang manatili sa ospital ng ilang araw upang maobserbahan.

Sino ang mag-aakalang patalilis siyang aalis pagkatapos niyang magkamalay…

Nakita rin ng nurse ang 3000 RMB sa lamesa sa tabi ng kama ni Xinghe pagkatapos nitong umalis. Noong nagising si Xinghe, ibinigay ito ng nurse at sinabing ito ay galing kay Mubai.

Nung siya ay umalis, iniwanan niya ito, halatang tinanggihan niya ang kabaitan ni Mubai.

Ibig sabihin nito ay wala siyang pera at siya ay nagpapagaling pa. Hindi maintindihan ni Mubai kung bakit lumisan na lamang ito ng ganoon.

Wala ba siyang pakialam sa kanyang kalusugan?

Medyo naiinis si Mubai sa katangahan ni Xinghe pero lumabas pa din siya at sumakay sa kotse upang hanapin siya.

Hindi sa nag-aalala siya, pero kahit na anong mangyari ay ina pa din siya ni Xi Lin.

Hindi niya pwedeng basta na lamang ito pabayaan alang-alang kay Xi Lin.

Habang si Mubai ay hinahanap siya sa buong siyudad, si Xinghe naman ay nasa istasyon ng pulis.

Naroon siya upang magsumbong at gumawa ng police report!

Nakabenda, may pasa ang mukha, maputla at halatang nanghihina, inakala ng mga pulis na naroon siya upang magreport ng pisikal na pananakit.

Ngunit ang report pala na kanyang ipagagawa ay isang car accident na nangyari anim na taon ng nakalipas.

"Ms. Xia, uulitin ko lang. Ang ibig mo bang sabihin ang aksidenteng nangyari sa iyo anim na taon na ang nakalipas ay premeditated murder attempt?", gulat na tanong ng pulis.

Tumango si Xinghe, matiim ang mga mata at idinagdag pa niya, "Oo, tama! Anim na taong nakalipas, umuwi ako agad-agad galing sa ibang bansa dahil malubha ang sakit ng aking ama. May gustong pumatay sa akin at pinalabas na isa iyong aksidente. Salamat na lamang at hindi ako namatay, nawala lamang ang aking mga alaala. Ngayon, naaksidente akong muli at naalala ko na ang lahat."

"Paano ka nakasisigurado na planado iyong pagtatangka sa buhay mo?"

"Naalala ko pa na may kotseng sumusunod sa akin simula ng dumating ako sa paliparan. Hinihintay niya ako!"

Naging seryoso ang pulis at nagtanong, "May naaalala ka pa bang iba?"

"Naaalala ko ang huling dalawang numero ng plaka ng sasakyan, iyon ay 53, at isa itong itim na SUV."

Napapantastikuhang sumagot ang pulis sa kanya, "Pero Ms. Xia, anim na taon na mula ng nangyari ito at ikaw na din ang may sabi na panandaliang nawala ang iyong alaala, kaya paano ka nakakasigurado na ang lahat ng iyong naaalala ay tama?"

Sumagot sa mahinang tinig si Xinghe, "Dahil sa gusto akong patayin ng lalaking iyon, kaya paano ako magkakamali sa detalye ng gustong pumatay sakin? At kahit na nawala ang aking alaala pansamantala, ang aking memorya ay nanatiling matalas."

Agarang naniwala sa kanya ang mga pulis.

Dahil ayon sa record ni Xinghe, nalaman nilang siya ay top student sa Academy S, isa sa mga sampung kilalang unibersidad sa buong mundo.

"Ms. Xia, may mga naiisip ka bang suspek o may mga nakaalitan ka ba noon?"

"Ang mga suspek lamang ay ang aking madrasta at ang anak nitong babae. Pagkamatay ng aking ama, agaran nila akong inalis sa last will ng aking ama. Lahat ng ari-arian ay napunta sa sa kanila kahit na ako ang tunay at nag-iisang anak ng aking ama!"

Galit ang makikita sa mga mata ni Xinghe ng sinabi niya ang mga salitang iyon.

Nagdiborsyo ang mga magulang ni Xinghe noong siya ay bata pa. Lumaki siya sa ibang bansa kasama ang kanyang ina.

Pagkatapos mag-asawang muli ng kanyang ama, taun-taon ay umuuwi si Xinghe upang makasama ang ito. Naging maayos ang pakitungo ni Xinghe sa kanyang madrasta at sa anak nito. Mabait at magalang din naman ang mga ito sa kanya.

Itinuring ni Xinghe na hindi iba at kapamilya ang mga ito ngunit sinong mag-aakala na may natatagong masamang motibo pala ang mga ito.

Nung nag-aagaw buhay na ang kanyang ama, natakot na sila na angkinin lahat ni Xinghe ang mga pag-aari ng ama nito kaya lumabas din ang tunay na ugali ng mga ito.