Chapter 666 - Sobrang… sobrang cute!

Sumakit ang ulo ni Ye Wan Wan. Kumunot ang kanyang mga kilay at tinitigan niya ang walang hiya na si Gong Xu na pinagmamalaki pa ang kanhang sarili. "Ako nang bahala sa isyu na ito. Hindi niyo na kailangang mag-alala."

Kumalma ang puso ni Luo Chen nang marinig niya ito.

Gayunpaman, siya naman kasi ang nagsimula nitong kaguluhan...

Pagkatapos na magsalita ni Ye Wan Wan, tinitigan niyang mabuti si Luo Chen. "Anong nangyayari sa acting mo ngayon, Luo Chen? Kinausap ako ng direktor at sinabi niya sa akin na wala kang pinagbago nitong nakaraang dalawang araw."

Nalungkot si Luo Chen at napatingin siya sa baba. "Pasensya na, Ye-ge. Nagkaroon ako ng problema sa eksena namin ni Meng Xiao Rou. Hindi ko magaling sa mga emosyonal na eksena at ilang beses ko nang sinanay ang sarili ko pero hindi ko talaga kayang makuha ang karakter…"

Napakunot si Ye Wan Wan. Pinapanood niya ang NG footage habang siya'y nakikipag-usap sa direktor at ang pangit ng pangyayari.

Maayos na nagta-trabaho si Luo Chen sa seryeng ito kaya inakala ni Ye Wan Wan na wala nang magaganap na problema, pero sinong mag-aakala na magiging malala ang isyu na ito?

Paano magkakaroon ng problema sa mga emosyonal na eksena ang isang lalaking nasa edad ng 20 pataas?

Hindi dapat ito magiging awkward dahil hindi naman niya pinapakita ang tunay niyang emosyon...

Bumulong si Gong Xu, "Walang kwentang patapon - hindi alam kung paano magawa ang isang simpleng eksena!"

Kumibo ang mga gilid ng labi ni Dong Zai. Kagatin sana ni Xu-ge ang dila niya sa panahon na ito. Bakit niya huhusgahan ang acting ng iba?

Matagal na nag-isip-isip si Ye Wan Wan habang si Luo Chen ay patuloy na nakatayo ng tahimik sa isang pwesto.

Matapos ang ilang saglit, tumayo si Ye Wan Wan, tinanggal niya ang kanyang coat at sinabi, "Tara, gawin natin ito. Sasamahan itang magsanay."

"Magsanay…" nabigla si Luo Chen.

Paano mo ako sasanayin?

"Ako ang aarte bilang si Qingqing at sasamahan mo akong umarte," tinuruan siya ni Ye Wan Wan.

Lumaki ang mga mata ni Gong Xu. "Hindi ba't, babae si Qingqing?"

Ye Wan Wan: "Oo, ano naman?"

Gong Xu: "Ye-ge, aarte ka talaga bilang babae?"

Ye Wan Wan: "May problema ka ba doon?"

"Www-wala… wala akong problema doon…" winagayway ng mabilis ni Gong Xu ang kanyang kamay at sinimulan niyang amuhin ang pinsala ng sinabi niya. "Ye-ge, tama ka. Tama ang lahat ng sinabi mo!"

Hindi naman interesado si Gong Xu sa acting at siya'y tamad lamang na nakaupo sa may sofa.

"Magsimula na tayo!" Naglakad ng dalawang hakbang si Ye Wan Wan patungo sa harapan ni Luo Chen.

Sa oras na iyon, tinanggal ni Ye Wan Wan ang kanyang coat at ang suot niya lamang ang grey na sweater na may puting shirt sa loob. Napakalambot ng kulay light-brown niyang buhok.

"Uh, sige…" na-blangko muna ng isang segundo si Luo Chen bago siya mag-react.

Pinikit ni Ye Wan Wan ang kanyang mga mata.

Isa, dalawang segundo.

Binuksan niya ang mga mata niya nang pangatlong segundo at bigla sigang binalot ng manhid at walang pakiramdam na tingin.

Malumanay at banayad siya tulad ng spring water na kayang tunawin ang isang babae, para bang si Luo Chen ang nag-iisang taong pinaniniwalaaan niya sa buong mundo...

"Ah… Ah-Chen…" Mahiyain at ninenerbyos ang babaeng ito; para bang gusto niyang umurong pero mukhang ibibigay niya ang lahat ng makakaya niya para maging matapang sa harap ni Luo Chen. Sa wakas, lumabas ang determinasyon sa kanyang mga mata nang sinabi niya, "Gusto kita…"

Narinig ni Luo Chen ang malakas na pagsabog sa kanyang utak. Ang maputla niyang pisngi ay naging pula na mas mabilis pa sa pagtingin ng mata ng tao. Bigla siyang namula...

Bigla niyang natandaan ang unang beses na inamin niya ang nararamdaman niya sa isang babae noong 16 na taong gulang siya - kinilig siya, naramdaman niyang bata pa siya at wala siyang kasanayan sa aspeto na ito...

Walang nakapansin na may tao pang mas mapula ang pisngi kaysa kay Luo Chen.

Bored pa noong una si Gong Xu at nakasuporta ang kamay niya sa kanyang ulo, ngunit nang makita niya si Ye Bai na umaarte bilang si Qingqing at inaamin nito ang nararamdaman niya kay Lin Luo Chen, para bang umalab ang buong katawan niya.

Halata naman na mukhang lalaki pa rin si Ye Bai. Lalaki pa rin ang tono ng boses niya - ang paraan niya ng pagtingin at ekspresyon lang ang nagbago, pero bakit parang nag-iba ang buong pagkatao niya...

Sobrang… sobrang cute!!!