Chapter 570 - Huwag mo siyang insultuhin

Sa oras na ito, namanhid ang damdamin si Ye Wan Wan. "Xu Yi, pwedeng sumama sa Dark Team ang tulad niya? Hindi ba't taliwas sa rules ang pamamaraan na ganito?"

Umiling si Xu Yi. "Ganito man ang nasa harapan ng lahat ngunit ang pinagbabawal lamang ay mga paputok at sneak attacks, ito lang ang bawal sa laban…"

Maririnig ang malakas na tunog ng hinampas na katawan sa ring dahil nahulog sa gilid ng ring si Eleven sa pagkakasapak sa kanya ni Yuan Sheng.

Tumawa si Yuan Sheng at naglakad siya nang bigla niyang tinapakan ang mukha ni Eleven. "Hindi ka pa susuko, dakilang punong kapitan?"

Walang kontrol na inayos ni Eleven ang sarili niya at hiluhan niyang tinayo ang sarili niya gamit ang kanyang dalawang kamay. Magulo ang nakikita niya dahil pinalabo ng pawis niya ang kanyang paningin.

"Nakikipaglaban ka kay kamatayan!" Ngumisi si Yuan Sheng. Sa isang saglit, may narinig na sumasagitsit. Parang mabilis na pangalmot ang kanyang mga kamay dahil mabilis itong tumungo papunta sa daliri ng punong kapitan na si Eleven.

"Ah ah ah——" umiyak ng malakas si Eleven at may tunog ng buto na binabali.

"Click." Nahulog sa marble na lapag ng arena ang silver na singsing kaya malinaw na narinig ng lahat ang tunog na ito.

"Kapitan!"

"Kapitan Eleven!"

"G*** ka, Yuan Sheng!"

Namula ang mata ng mga miyembro ng Dark Team 1 dahil sa sobrang galit, ngunit dahil sa rules, hindi sila pwedeng umentra sa laban.

Walang pakialam ang iba namang mga bodyguards. Walang dapat sisihin sa nangyari si Eleven dahil mahina talaga siya. Ang masisisi niya lang ay ang sarilu niyang kahinaan kapag namatay siya sa ring.

Yumuko ang katawan ni Yuan Sheng at kinuha niya ang singsing sabay mapahamak at mapangasar niyang tiningnan si Eleven. "Tsk tsk, walang kwenta ka talaga. Hindi mo pa kayang panatilihing nakasuot sa daliri mo ang singsing, tapos gusto mong maging punong kapitan?"

Umabot na sa limitasyon ang katawan si Eleven dahil sa kaguluhan sa utak at sakit sa katawan na nararamdaman niya, ngunit ayaw niya pa ring magpatalo, hindi siya papayag na umuwing luhaan.

Nilagay ni Yuan Sheng ang singsing sa kanyang daliri at mapanliit ngunit kaswal niyang sinabi, "Anong problema punong kapitan? Hindi ba't ang lakas ng loob mo bago magsimula ang kompetisyon? Sinabi mo rin na matatalo kami ng nakakatakot mong guro? Haha, ito pala ang produkto ng walang kwentang babae na iyon! Ang ganda pala ng palabas!"

Habang nakahiga sa lapag at naghahabol ng hininga si Eleven, diniinan niya ang kanyang kuko sa kanyang palad at ginamit niya ang lahat ng lakas niya para tumayo. Pabulol niyang sinabi, "Manahamik… ka… pwede… mo… akong… insultihon… hindi ako magaling na estudyante… walang kinalaman ang iba dito… hindi mo pwedeng insultohin ang guro ko… basura ka lang… kayang-kaya kang talunin ng guro habang isang kamay lamang ang gamit niya…"

"Ha… hahaha… kalokohan! Narinig niyo ang sinabi niya? Sinabi niya na ang guro niyang nagturo sa kanyang makipaglaban na parang babae ay kaya akong talunin na isang kamay lamang ang gamit. Natatakot ako! Bakit hindi mo siya papuntahin dito Eleven, at nang makita ng lahat!"

Nagsitawanan ang lahat ng nasa ibaba ng ring. Nakakatawa nga naman ang sinabi ni Eleven - nabaliw na kaya si Eleven dahil lagi niyang kasama ang babaeng 'yon?

"Tsk tsk, huli na ang lahat, punong kapitan…" may nakamamatay na tingin si Yuan Sheng habang sinusuntok niya ang dibdib ni Eleven na parang punching bag.

Sa oras na ito, wala nang depensa sa sarili si Eleven at nawalan na siya ng lakas na makipaglaban...

Sa isang saglit, natunghayan ng mga manonood ang mabilis na ilaw na umentra sa loob ng ring.

Pagkatapos ay may malakas na "pow" kaya namutla ang mga tao nang makuta nila ito.

Tunog ito ng… dalawang kamao na nagsusuntukan.

Umatake ang maliit na kamao sa kamao ni Yuang Sheng kaya napaurong ang buong katawan niya at nanigas ang maangas niyang mukha...

Nakatayo si Ye Wan Wan sa ring na may mapayat na katawan. Hindi siya gumagalaw habang nakatingin sa lalaking nagmamakaawa na paakyatin sita sa loob ng ring. Walang emosyon ang kanyang mga mata at ang mapula niyang labi ay nagsalita: "Masusunod ang kagustuhan mo."