Chapter 436 - Gagaling pa kaya siya?

Emosyonal na lumapit si old madam kay Sun Bai Cao. "Kalahating taon! Bakit kalahating taon na lang!? Wala nang ibang paraan Dr. Sun? Parang awa mo na, mag-isip ka ng solusyon sa sakit ni Little 9th! Kahit gaano pa karaming pera o anong man ang kailangan mo, nasa akin ang huling sabi para gumawa ng desisyon sa sambahayan na ito. Gagawin ko ang lahat ng akong makakaya para lang gumaling si Little 9th!"

Umiling si Sun Bai Cao. "Pasensya na old madam. Kahit eksperto ako sa medisina, wala pa rin akong maitutulong kay 9th master. Kailangan niya piliin na ang kanyang mahalagang kakanyahan at palakasin ang kanyang primordial qi - ito at kailangan niya rin mag-detox ng limang organs na maiisaayos lamang kapag matutulog siya. Sapat nang pahinga ang mga kakainin niyang masustansyang pagkain at suplemento para sa limang organs niya at sa six bowels niya. Sa normal na pananalita, pangunahing pangangailangan ng isang tao ang pagtulog; Kung hindi niya maitatama ang proseso na ito, hindi na makakatulong ang mga gamot niya!"

Sumigaw sa may pintuan si old madam: "Saan si Mo Xuan?! Tawagin niyo dito si Mo Xuan!"

Nagmadaling pumasok sa loob si Xu Yi na naghihintay sa may pintuan. "Old madam, inutusan ni master si Mo Xuan na… mag-break muna."

"Anong sinabi mo?" nagulat si old madam tapos biglang uminit ang dugo niya. "Hindi niyo ba kayang patigilin si Mo Xuan sa ginagawa niya kahit kalokohan lang naman ang pinaggagawa niya? Hanapin niyo ngayon din si Mo Xuan!"

Sobrang kumukulo ang galit na nararamdaman ni old madam, kaya walang ginawa si Xu Yi kundi magmadaling hanapin si Mo Xuan. "Opo…"

Hindi nadismaya si Si Ye Han kahit sinabi na sa kanyang, kalahating taon na lang ang natitirang buhay niya. "Lola, okay lang ako. Katawan ko ito - malamang mas alam ko ang kalagayan nito."

Halos maluha-luha ang mga mata ni old madam. "Anong alam mo?! Malala na ang kondisyon mo at sa tingin mo, ikaw pa rin ang mas may alam?!"

Sa labas ng bahay, makikita man o hindi, may mga matang nagmamasid sa kanila na parang tigreng naghahanap ng huhulihin, naghihintay sila sa kanyang kamatayan.

Sa ngayon, akala ng mga tao na hinimatay si Si Ye Han dahil sa sobrang pagod; mapapanatag pa rin ba ang loob ng mga tao sa labas kung nalaman nila na anim na buwan na lamang ang itatagal ng buhay ni Si Ye Han? Baka lamunin siya ng buo ng mga taong iyon!

"Bakit gusto mo pa rin lokohin ang kalusugan mo?! Bakit mo hinayaan si Mo Xuan na mag-break?" pinagalitan ni old madam si Si Ye Han.

Walang emosyon si Si Ye Han nang sumagot siya, "Wala rin siyang magagawa kahit manatili pa siya dito."

Napahiya si Old Madam. "Ikaw… kahit gaano pa siya kawalang kwenta, kahit papano ay makakatulong siya sa pag galing mo!"

Sa totoo lang, alam rin naman ni old madam na kahit bumalik pa si Mo Xuan, wala pa rin siyang matutulong sa kalagayan ni Si Ye Han.

Naramdaman ni old madam ang iyak sa kanyang puso nang malaman niya na mauuna pa ang kanyang apo na mamatay sa kanya, dahil anim na buwan na lamang na inaasahang mabuhay si Si Ye Han.

Sa oras na iyon, bumalik na sa realidad si Ye Wan Wan matapos niyang mag-isip isip. Humarap siya kay Sun Cai Cao at nagtanong, "Old Dr. Sun, kapag… sinunod niya ang mga rekomendasyon mo at magpapagaling na siya simula ngayon, gaano ka-siguro na gagaling na talaga siya?"

Hinaplos ni Sun Bai Cao ang kanyang balbas at mukhang nasa mahirap siya na sitwasyon dahil sa tanong sa kanya, "Kung mapipigilan niyang magalit, hindi siya magiging mainitin ng ulo, titigil siya sa pagpapa-pagod sa kanyang sarili at iniinom niya lagi ang mga medikasyon, nag-acupuncture at nag moxibation treatment siya at ang importante sa lahat, natutulog siya ng hindi bababa sa walong oras kada-araw, may tsansa pang gumaling siya dahil bata pa naman si Si Ye Han. Pero hindi ko garantisado kung gaano katagal bago siya gumaling, depende pa rin kasi iyon sa indibidwal."

Umiling ang ulo ni Sun Bai Cao pagkatapos niyang magsalita. Palagay lamang ang mga sinabi niyang salita at walang itong ibig sabihin. Ilan kaya dito ang agad na masusunod ni Si Ye Han?

Kung kaya niyang sumunod sa lahat ng ito, hindi masisira ang katawan niya tulad ng nangyayari ngayon.

Malamang at alam na rin ito ni old madam kaya nalungkot rin siya.

Matapos ng lahat ng sinabi at ginawa, wag mong sabihin sa akin na hindi niya pa rin mapapanatiling buhay si Little 9th...

Kung alam lang ni old madam noon..

Kung alam niya lang noon ang kalagayan ni Little 9th, hindi niya na sana pinagagang tahakin ni Little 9th ang pagsubok na ito...

Related Books

Popular novel hashtag