Chapter 231 - Hindi para sa tamad

Tiningnan ni Fang Xiu Min ang kanyang magandang anak sabay nagmamayabang niyang sinabi, "Oo, oo anak, mali si mommy. Napakaganda ata napakagaling ng anak ko; tatanungin ko si Aunt Mei Xuan para sa internship mo sa Emperor Sky pagkatungtong mo sa Imperial Media!"

"Talaga? Magiging intern ako sa Emperor Sky?" sagot ni Liang Shi Han, balot ng saya ang kanyang mukha.

"Syempre, Ang asawa ng presidente ng Ye Group ay tita mo-- isang sabi niya lang at magkakatotoo ito!"

...

Hindi nila inisip ang nararamdaman ni Liang Wan sa pinag-uusapan nilang puni ng yabang. Kung naririnig ni Ye Wan Wan ang usapan nila, mas klaro na naririnig ito ni Liang Wan Jun.

Sa bawat pagkakataon na nababanggit ang pangalan ni Ye Wan Wan at ng nanay niya, mabilis na nawawala ang kulay sa mukha ng kanyang ina.

Tsk, tinatawag pa ni Liang Shi Han na aunt si Liang Mei Xuan?

Bago pa mawala ang yaman ni papa tinatrato na ni Fang Xiu Min na anak si Liang Mei Xuan, tapos ngayon malapit na tita na niya si Liang Shi Han!

Umaakto pa rin na hindi nakukuntentong bata si Liang Shi Han pero nang marinig niya ang makina ng kotse na papalapit, tila napangiti siya at naglakad papalapit sa kotse, "Nakauwi ka na Dad!"

Sumunod ang mata ni Ye Wan Wan kay Liang Shi Han. Bumalik na si Uncle Liang Jia Hao...

"Hubby, buti naman andito ka na! Napaka sipag mong magtrabaho!" Ang cute at nakakaawang pagmumuka ni Fang Xui Min at lumapit sa kanya para buhatin ang bagahe.

Nalugod si Liang Jia Hao nang makita ang kanyang magandang asawa at cute na anak pagkatapos ng kanyang trabaho, "Anong ginagawa niyo dito sa bakuran?"

"Tinutulungan ko si Jiejie magsampay!" mayabang na sagot ni Fang Xiu Min.

Nasanay na si Liang Wan Jun sa pagiging peke ni Fang Xiu Min ngunit ayaw niyang umepkto ito sa relasyon ng asawa ng kanyang batang kapatid na si Liang Jia Hao kaya nanahimik na lamang siya at nag-aalalang tumingin sa may kotse. Sabay nagtanong siya kay Liang Jia Hao, "Jiajia, saan yung bayaw mo? Hindi mo siya kasama pauwi? Sabi niya kasi uuwi siya dito itong weekend para magpahinga?"

Hindi siguradong sumagot si Liang Jia Hao, "May mga kailangang matapos na trabaho sa kumpanya kaya kailangang mag-overtime ni bayaw…"

Kinabahan si Liang Wan Jun dahil nag-aalala siya sa kalusugan ng asawa niya, "Alam mo naman na hindi maayos ang kalusugan ni bayaw, bakit hindi man lang siya pinagsabihang umuwi na lang? Hinayaan mo pa siyang magpakapagod."

Biglang nagsisi si Liang Jia Hao at para bang nawala ang kanyang sasabihin, "Hindi…"

Hindi marunong sa pag-aayos ng kumpanya si Liang Jia Hao at binubungangaan rin siya ni Fang Xiu Min na pagtrabahuin ng libre ang kanyang bayaw, bilang pambayad sa libreng kwarto at paninirahan sa kanila. Ang trabaho niya ay ang pambayad niya na din.

At kaya nung narinig ito ni Fang Xiu Min, tumaas ang kanyang kilay at malakas na nagbunganga, "Jiejie, anong pinagsasabi mo? Kilalang-kilala si bayaw sa pagnakaw niya ng public funds. Sinong magbibigay sa kanya ng trabaho kung hindi siya bibigyan ng asawa ko?

Kailangan niyang maghirap kung nagtatrabaho siya sa atin. Hindi para sa mga tamad ang kumpanya! Yung iba nga nagtatrabaho ng overtime, bakit pwedeng gawin niya rin iyon? Boss ba siya?"

Sabay harap si Fang Xiu Min na may nakakaawa at nalulungkot na mukha kay Liang Jia Hao, "Ayoko sana siyang pagtaasan ng boses kasi ate mo siya, pero masyadong masama ang pinagsasabi ni Jiejie. Hindi lang siya ang sinusuportahan mo pero pati na rin ang kanyang asawa. Ni-singko wala kang hiningi sa kanila noong tumira sila sa atin dito at binigyan mo rin ang asawa niya ng trabaho, tapos siya pa ang nagmamalaki ang nag-dedemand sayo. Paano tayo mabubuhay bilang pamilya kung ganito sila kagulo?"

Galit na sumabat si Liang Shi Han, "Bakit mo nasabi iyon auntie? Kumakain at naninirahan ka na nga sa bahay namin pero pinapagalitan mo pa ang tatay ko, napaka inggrata mo! 'Wag mong gambalain ang buhay namin, kung hindi mo na kaya, umalis ka na!"