ANO! Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na sabihin niya sakin ito?
Paano nangyari iyon?!
Pinagisipan niya ito ng maigi. Napagtanto niya na may sasabihin pa dapat si Si Ye Han sa kanya kanina, ngunit binaba niya na kaagad ang tawagan nilang dalawa at hindi niya ito pinakinggan. Pagkapasok niya ng opisina, nabighani siya sa gwapong lalaki na nasa loob ng opisina niya kaya hindi niya napansin ang tatlong buhay na tao na kasama nila. Mabilis siyang sumugod kay Si Ye Han at agad niyang hinalikan ito kaya hindi niya ito binigyan ng tsansa na makapagsalita pa...
Punyeta...
Hindi niya inasahan na sa buong buhay niyang naging matalino siya, nagkamali siya na parang isang baguhan lamang!
Ang isang bagay na kinatutuwa niya sa oras na ito ay nakadamit pa rin siya ng panglalaki at hindi niya ginamit ang boses na pang-babae - pero para saan ba iyon?!
Inisip niyang maigi noon kung paano niya maisasaayos ang sitwasyon, ngunit ngayon, hindi na nila maikakaila ang ebidensya na nasa harapan nila. Hindi niya malilinis ang kanyang pangalan kahit na tumalon siya sa Yellow River...
Tahimik pa rin ang opisina at tila naging bato ang tatlong kalalakihan na nasa silid. Parang stone pillar si Luo Chen, nabigla si Han Xian Hu, at kahit si Gong Xu na alam na ito ay nagulat pa rin...
Kahit na magulo na ang sitwasyon, naisip pa rin ni Ye Wan Wan na ayusin ng kaunti ang kinalalagyan niya...
Dalian mo at mag-isip kang mabuti! Noong nakita ako ni Luo Chen at Han Xian Yu na sumasagpang kay Si Ye Han, paano ko ba pinaliwanag sa kanila ang ginagawa ko, huh…
Mabilis na naghahanap ng solusyon ang utak ni Ye Wan Wab habang pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Dineretso niya ang kanyang damit at binawi niya ang kanyang kamay na nanggaling sa likuran ni Si Ye Han.
Damn! Ang hirap maghanap ng solusyon sa mahirap na sitwasyon. Minsan lang naman bumisita si Si Ye Han ng sarili niya lamang. Kinandado ko pa nga ang pintuan pero nangyari pa rin ito...
Tumayo si Ye Wan Wan na kontrolado na niya ang kanyang sarili.
Hindi na niya kailangang alalahanin pa si Gong Xu habang naghihintay pa rin si Han Xian Yu; ang pinaka-importante ay si Luo Chen - ah, Luo Chen!!!
Kaya ngumiti si Ye Wan Wan at tinitigan niya ng maigi si Luo Chen. "Haha, nandito pala kayong lahat? Luo Chen, hindi ba't dapat nasa fan meet-and-greet ikaw?"
Tiningnan ni Luo Chen si Si Ye Han, na nasa sofa, sabay humarap siya kay Ye Wan Wan. Matagal bago siya makapagsalita at pautal-utal siyang nagsalita, "Na… natapos agad… kaya bumalik kaagad kami…"
Humarap at tiningnan ni Gong Xu si Ye Wan Wan. Ang tingin niya ay nagsasabi ng "Dali, gumawa ka ng kwento, gusto kong makita kung paano ka gagawa ng kwento"...
Komportableng nagsalita si Ye Wan Wan, "Ah, kaya pala! *Cough* nakikipagkulitan lang ako sa kaibigan ko!"
Gong Xu: "…"
Han Xianyu: "…"
Oo oo, alam niya na ang paggamit ng excuse na ito ay parang tanga at tinatrato niya sila na parang mga bobo. Mabuti na lang noon, sumugod lang siya kay Si Ye Han at hindi niya ito hinalikan, kaya kunwari nagkukulitan lamang sila noon. Pero ano nang magagawa niya ngayon?! Wala na siyang magawa sa pagkakataon na ito!
Maliban pa dito, wala na rin siyang masabi na kahit ano pa...
Nainis si Gong Xu. Wala siyang masabi noong tiningnan niya si Ye Wan Wan - Retarded ba ang tingin mo sa amin, Ye-ge?
Ye Wan Wan: "..." Okay, hindi na ako maingat…
"Ah… *cough* pasensya na sa ginawa ko. Nasabik lamang ako dahil dinalhan ako ng kaibigan ko ng tanghalian, huwag kayong mag-isip ng kung ano ano…" Pilit na iniisip ni Ye Wan Wan ang sasabihin niya habang nagpapaliwanag siya.
Hindi na nakapagtimpi si Gong Xu habang kumikibo ang kanyang mga labi, "Tanghalian na may halong… pagmamahal…?"
Ye-ge ge, alam mo ba na pinapalala mo ang sitwasyon?
Ye Wanwan: "…!!!"
Bakit ang baba ng IQ ko, punyeta...
Luo Chen! Pakinggan mo ang paliwanag ko...
"Naiintindihan ko…" kumalma at huminga na ng maayos si Luo Chen nang marinig niya ito. "Ye-ge, kainin mo na pala ang tanghalian mo! Nagutom ka siguro dahil paikot-ikot ka sa opisina nitong buong umaga!"
Ye Wanwan: "…!?" HUH?
Gong Xu: "…???"
Han Xianyu: "…"