Gumana iyon?
Akala ko mayayari na ako sa pagkakataon na ito...
Hindi rin inasahan ni Ye Wan Wan na maloloko niya si Luo Chen, paano pa kaya ang iba? Hindi rin nila ito inaahan.
Tinitigan ni Gong Xu si Luo Chen at nahulog ang kanyang panga. "Totoo ba na naniniwala ka sa sinabi niya, Luo Chen? Sumugod siya sa lalaking iyon at hinalikan niya ito nang makalapit siya, sinabi niya rin na mahal niya si Si Ye Han. Hindi ito biruan lamang…"
Biglang napakunot si Luo Chen. "Ano ba ang gusto niyang sabihin? Pinaliwanag naman na ni Ye-ge ang sarili niya, hindi ba?"
Natameme si Gong Xu. "Leche, ang IQ mo ay napaka…"
Mabilis na sinugod at sinapak ni Ye Wan Wan sa ulo si Gong Xu at maingat niya itong binalaan, "Manahimik kang g*go ka!"
Bigla siyang humarap kay Luo Chen. *cough* "Walang masamang nangyayari, Luo Chen. Huwag mong pakinggan ang walang kwentang pinagsasabi ng lalaking ito. Gusto lang ng gulo ni Gong Xu kaya huwag mong pakinggan ang pinagsasabi niya, naiintindihan mo ba?"
Tumango si Luo Chen. "En."
Gong Xu: "..." Sino sa ating dalawa ang walang kwenta ang pinagsasabi, eh?! Sinungaling ka talaga!
Mabuti na lang at hindi siya pinagdudahan ni Luo Chen...
Nakahinga na ng maayos si Ye Wan Wan dahil maayos na ang sitwasyon, masahol niyang hinila si Gong Xu at binalaan niya ito, "Sisiguraduhin ko na papatayin kita kapag nagsalita ka na naman ng mga walang kwentang bagay kay Luo Chen - naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"
Naramdaman ni Gong Xu na parang nawalan siya ng hustisya. Namuo ang luha sa kanyang mga mata habang nagseselos siyang nakatitig kay Luo Chen.
Akala niya na si Luo Chen ang taong hindi ganoon ka-importante sa kumpanya nila. Pero sa ngayon, lubos na pinapahalagahan ni Ye-ge si Luo Chen kaysa sa kanya...
"Ah! Napaka-sakit isipin! Ako ba ang pinaka-minamahal mo? Bakit hindi ka nagsasalita diyan…" ngumawa si Gong Xu at tumakbo siya palabas ng opisina habang siya ay umiiyak.
Umangat ang ulo ni Ye Wan Wan. "..."
Sa wakas, wala na ang bomba...
Gayunpaman, hindi pa rin maayos ang suliranin na iyon...
Biglang napatingin si Ye Wan Wan kay Han Xian Yu. Inosente pa si Luo Chen at hindi siya nagsuspetya kay Ye Wan Wan dahil may tiwala siya dito. Pinapaniwalaan niya ang kahit anong sasabihin ni Ye Wan Wan, ngunit si Han Xian Yu…
Napakunot na lamang si Ye Wan Wan. "Ah… Xian Yu…"
Banayad na nakangiti rin sj Han Xian Yu nang magsalita siya, "Sige lang, kainin mo na ang tanghalian mo. Hindi ko na ikaw gagambalain pa. Maguusap tayo mamaya sa film site."
Ye Wan Wan: "Uh… sige…"
Luo Chen: "Ye-ge, aalis na rin ako!"
"Sige…"
Umalis ng opisina si Han Xian Yu at Luo Chen.
Sa labas:
Napahinto si Han Xian Yu bago pa siya umalis ng opisina at tiningnan niya ang lalaki na nasa sofa.
Luo Chen: "Ano iyon, Senior Xian Yu?"
Mabilis na bumalik sa katinuan si Han Xian Yu. "Wala naman, tara na!"
…
Sa loob ng opisina:
Pagkatapos umalis ni Gong Xu, Luo Chen at Han Xian Yu, si Ye Wan Wan at Si Ye Han na lamang ang natira sa kwarto.
Pagkatapos niyang siguraduhin na wala na ang tatlo, biglang tumihaya si Ye Wan Wan sa sofa. "Nnna-naaakit… naaakit pala ng kagandahan ang kaguluhan… mabuti na lang at inayos ko agad…"
Humarap siya kay Si Ye Han at inunat niya ang kanyang mga braso sa kanya. "Kasalanan mo ito - bakit kasi ang gwapo mo?!"
Biglang nagsalita si Si Ye Han bago pa makaabot ang mga daliri ni Ye Wan Wan sa kanya, "Han Xian Yu…"
Binawi ni Ye Wan Wan ang kanyang mga kamay at maririnig ang mabilis na "swish." Tumayo siya at sinuri niya na parang baliw ang paligid. "Saan, saan, saan?!"
Walang masabi si Si Ye Han at pinagpatuloy niya lamang ang sinasabi niya, "Pinaniwalaan ba ni Han Xian Yu at pinaliwanag mo?"
Hinampas ni Ye Wan Wan ang kanyang dibdib. "Baby, huwag kang mag-pause ng matagal kapag nagsasalita ka, okay? Muntikan na akong mamatay sa sobrang takot dahil sayo eh!"
Si Ye Han: "... Nagsisisi ka ba na parang isang magnanakaw."
Kailan pa ako!!!
Ngumisi si Ye Wan Wan ang nagdabog siya. "Kailan pa ako naging magnanakaw, kailan pa ako nagnakaw at bakit naman ako magsisisi?! Sa akin ka na noong una pa lamang!"
At para naman kay Han Xian Yu...
"Hindi ako sigurado kung pinaniwalaan niya ako o hindi…"