Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 199 - Hindi ako makatulog kasi namimiss kita ng sobra

Chapter 199 - Hindi ako makatulog kasi namimiss kita ng sobra

Bago matulog, nagtext muna si Ye Wan Wan kay Si Ye Han.

[Darling, miss na miss na kita, hindi ako makatulog tuwing gabi dahil nami-miss kita. Nakapag desisyon ako, mag aral na lang ng day school at hindi na muna ako titira sa dormitoryo, simula sa biyernes at sa mga susunod na. Makakauwi ako sainyo araw araw! Masaya ka ba doon?]

Alam niya na dahil nakauwi na si Qin Ruo Xi, kontrolado niya si Si Ye Han kapag magkasama sila. At saka, malapit na ang major exams, kaya naman magandang tsansa ito para turuan siya ni Si Ye Han ng math. Ang plano niyang ito ay tulad ng pagtirador sa dalawang ibon gamit ang isang bato.

Ilang minuto ang lumipas, nag-ring ang phone niya---sumagot si Si Ye Han ng isang salita lamang: [Oo].

Nagtago si Ye Wan Wan sa kumot at kinikilig na tumatawa. Hay, ano kayang itsura ni Si Ye Han kapag binabasa niya ang mga sweet na message ko sa kanya.

Kinikilig ako kapag kalmado siyang sumasagot sa mga text ko.

[Oh ya, oh ya! Andiyan ba si Great White? Makikipaglaro ako sakanya pag-uwi ko diyan!] tanong muli ni Ye Wan Wan.

Hay, namimiss ko na ng sobra si Great White!

Hindi nga lang ako sigurado kung nasa Jin Garden si Great White.

Sa oras na iyon, medyo matagal bago makasagot si Si Ye Han: [Nasa bahay.]

Maganda 'yon!

Hindi na iwinawaksi ni Ye Wan Wan ang Jin garden, kahit na naisip niya ang nangyari sa kanyang cabbage at kay Great White.

Madaling araw sa Jin Garden:

Biglang ipinatawag si Xu Yi ng kanyang master at nautusan siyang gumawa ng nakakapanibagong trabaho.

Si Ye Han: "Ibalik mo si Si Lu Te dito."

"Ha?" Na bobo si Xu Yi.

Gusto niya akong pumunta sa mga bundok para hanapin si Si Lu Te? madaling araw na!

Hindi ko nga alam kung saan ako mangangaso at kung saan si Si Lu Te?!

Mahangin at walang buwan ang gabing ito; hindi ba nag-aalala si master kapag nilapang ako ng halimaw?

"May problema ba?" Tiningnan siya ni Si Ye Han.

"Wala! Walang problema! Hahanapin ko siya ngayon din…"

"Dapat mahanap mo siya bago mag-biyernes."

"Opo…" kahit mabigat ang loob ni Xu Yi, sinunod niya pa rin ang utos ni Si Ye Han at nagsimula siyang maghanap sa mga bundok at gubat.

Hindi niya maisip ang rason kung bakit pinapahanap kaagad ni Si Ye Han si Si Lu Te ng mga oras na iyon.

Tapos kailangan mahanap ko na siya ng biyernes?

Kinabukasan.

Tulad ng nakasanayan, nilabas ni Ye Wan Wan ang malaking bag niya ng makeup.

Pero pagkatapos niyang ilabas ito, natandaan niya na alam na pala ng lahat ang tinatago niyang mukha.

So, maglalagay ba ako ng makeup o hindi?

Kaya pinagpatuloy niya na lang ang pag makeup para kakaiba siyang tingnan. Hindi din maganda ang kakalabasan kapag makikita siya ng mga tao na walang makeup.

Nakikipagtalo pa si Ye Wan Wan sa kanyang sarili nang biglang narinig niya ang mga boses na tumatawag sa kanya sa baba ng hagdanan.

"Bakit ang ingay?" Kumunot si Ye Wan Wan.

Naglakad papunta sa balkonahe si Jiang Yan Ran para makita kung sino ang nag-iingay. Nang makita niya ito, nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya ito, pero kinalaunan sinabi niya na, "Tingnan mo..."

Naguluhan si Ye Wan Wan, "Ano ba ang nangyayari?"

Nilapag ni Ye Wan Wan ang mga makeup brush niya, kinamot ang kanyang ulo at naglakad papunta sa balkonahe.

"Ahhhhhhhh---- diyosa! Diyosa! Diyosa! Ang diyosa namin na si Wan Wan!"

"Lumabas na ang diyosa! Mahal kita diyosa ko! Mukha kang anghel kahit kakagising mo lang ow ow ow!"

"Diyosa, meron akong maraming henerasyong ipinasa sa akin na kromosoma na gusto kong ibigay sayo!"

Pagkalapit niya sa balkonahe, muntikan nang mabingi si Ye Wan Wan sa malakaa na ingay ng mga kalalakihan.

Sa mga oras na iyon, nalaman niya na ang mga sigaw sa baba ng hagdan ay galing sa mga lalaking naghihiyawan.

Sabay nag sibukasan ang ilang mga bintana sa dormitoryo ng mga babae. Nilabas nila ang kanilang ulo para makita ang nakakatuwang pangyayari sa ibaba at para manggulo na rin. Ilang beses nang lumabas ang caretaker ng dormitoryo para balaan sila sa ingay, ngunit kahit ilang beses niyang ginawa ito, hindi nagpapatigil ang mga lalaki.

Sobrang nahihiya si Ye Wan Wan. Kahit na inasahan niyang magkakagulo talaga, hindi niya inakala na mas malala pa ito kaysa sa inaasahan niya.

Hindi kataka-kataka. Maraming tao ang nag-picture at nag-video sa kanya kagabi kaya naman umikot na ang balita sa maraming tao. At saka, matumal ang buhay ng mga estudyante dito kaya ang simpleng tsismis ay makaka-abot kung saan saan, paano pa kaya ang nakakagulat na nangyari kagabi sa malaking hall.

Related Books

Popular novel hashtag