Chapter 200 - Maayos ba ako tingnan?

Nakatayo sa gilid niya si Jiang Yan Ran at naaawang sinabi, "Kung nasa ganitong punto ka na edi wala nang kwenta kung gagamit ka pa ng makeup."

Tuliro si Ye Wan Wan. Pagtapos ay nilagay ni Ye Wan Wan ang malaki niyang makeup bag sa aparador.

Una niyang pagkakamali ang mukha niya dahil ito ang pinaka kinahihinaan niya.

Eto ang unang beses na walang makeup ang mukha ni Ye Wan Wan sa tinagal-tagal niyang nagtago.

Nilagyan niya ng moisturizing face mask ang kanyang mukha sabay isinantabi na niya ang pangit niyang mga damit.

Pinalitan niya ang mga ito sa mga damit na itinago niya sa nakasarang kahon. Ibat-ibang mga damit ang nasa loob nito, may pink at magagandang mga dress dahil ito ang mga paborito niya noon-- pinapahiwatig nito ang pagkadalaga na nawala sa kanya.

Sinuklay ni Ye Wan Wan ang mahaba niyang buhok at nilagyan ng pin na hugis ng musical note ang tumitikwas na buhok. Pagkatapos, pinalitan niya ang kanyang damit ng isang burgundy dress.

Off-shoulder ang disenyo at parang sa paru-paro ang manggas ng dress. Nakaburda sa hem ang namumulaklak na bulaklak habang ang tailoring ay nilinya ang kurbado sa balakang at ang kulay ng dress ay lalong pinapakinang ang kulay ng kanyang balat na kasing puti na ng snow.

Hindi makapaniwala si Ye Wan Wan nang makita niya ang sarili sa salamin.

Eto ang regalo sa kanya ni Ye Mu Fan noong kaarawan niya na dalawang taon na ang nakalipas.

Hindi maikakaila na maganda ang taste ni Ye Mu Fan--dalawang taon na ang lumipas pero on-trend pa rin ang dress na ito.

Nakakaawang isipin na nasira ang kanyang relasyon sa pamilya niya at kay Ye Mu Fan, unti-unti nang lumalayo ang loob ni Ye Wan Wan sa kanila. Pagtapos, nagkaroon sila ng malalang away kaya pinutol ni Ye Wan Wan kanyang ugnayan sa mga magulang niya. Nakipag-away rin siya kay Ye Mu Fan, kaya hindi na niya sinuot ang dress na ito.

Nawala ang lahat ng pagmamay-ari ng tatay niya para maprotektahan si Ye Wan Wan. Dahil sa pangunguntsaba ni Shen Meng Qi, parang sinaniban si Wan Wan at nagdesisyon siyang iwan ang kanyang mga magulang.

Siguradong nagalit si Mu Fan ang kapatid niyang t*nga at walang puso...

Dahil sa kanya, lumipat sa kamay ng iba ang pagmamay-ari ng Ye family; lahat ng pinaghirapan nila ay nawala na parang bula. Kinuha rin ang karangalan na maging young master ng Ye Family si Mu Fan, gayundin ang karapatan niyang magmahal.

Kasalanan niya na naging ganito ang estado ng kanyang pamilya, ngunit dahil nag-alala ang lahat na hindi kakayanin ni Ye Wan Wan ang katotohonan, ito ay tinago nilang lahat sa kanya.

Kasalanan ni Shen Meng Qi ang lahat ng ito dahil naging ignorante siya at nagpatuloy mabuhay na walang puso. Nabaliw siya sa isang lalaking minahal niya, ngunit iniwan lang siya ng lalaking iyon at pinatigil ng lalaki ang engagement nila, nang malaman na wala nang kapangyarihan ang kanyang ama.

Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil naging walang kwenta at mahina siya habang lubha ang sakripisyo ng pamilya niya...

Tinigil ni Ye Wan Wan ang pagbabalik tanaw niya sa nangyari pamilya niya, tinulak niya ang pintuan at lumabas siya ng kubeta.

"Maayos ba ako tingnan?" Tanong ni Ye Wan Wan.

May natandaang kasabihan si Jiang Yan Ran pagkalingon niya kay Ye Wan Wan: Ang tunay na kagandahan ay may balat na parang yelo at buto na mala-dyamante.

May mga tao sa mundong ito ang sobrang biniyayaan ng Diyos.

"Ma...maganda…" sagot ng gulat na si Jiang Yan Ran.

Kung ikukumpara sa itsura niya ngayon, maganda na talaga si Ye Wan Wan sa simpleng puti na dress at diretso niyang buhok, pero ngayon mas humigit ang kagandahan niya dahil nagpaganda talaga siya ngayon.

Inayos ni Ye Wan Wan ang sarili niya, "Pupunta na pala akong klase!"

"Oh…"

At ngayon, naintindihan na ni Jiang Yan Ran ang nararamdaman ng boyfriend ni Ye Wan Wan.

Kung ganyan ang itsura ng girlfriend mo, kailanman hindi mapapanatag ang iyong isip...

Related Books

Popular novel hashtag