Chapter 51: Isa Nanamang Ex-boyfriend
"Alam mo na ba kung sino sila?" mababasa sa ekspresyon ni Lu Tingxiao na kapag nalaman niya kung sino sila, mapapatay niya ang mga 'to.
Kinatok ni Lu Jingli ang mesa. "'Yun nga 'yung gusto kong sabihin sa'yo. Kahit sa intelligence network na meron ako, nabablangko pa ako kung sino sila. Mukhang hihintayin muna natin ang next move nila bago tayo maka-try ulit."
Pero mukhang handa nang pumatay ang Big Demon King, mahihintay pa nga kaya niya nahintayin ang next move ng mga admirer?
Agad na may tinawagan si Lu Tingxiao, "Cheng Feng, tulungan mo akong mag-imbestiga ng dalawang tao," wika ni Lu Tingxiao gamit ang boses na kasing lamig ng hanging mula sa isang glacier.
Gulat na gulat si Lu Jingli. "Wow, talagang gagamitin mo pa ang Jin Yi Wei
'Di maikukumpara ang gossip network ni Lu Jingli sa intelligence network ng kuya niya na kayang maghalungkat ng secret past ng isang tao basta't may masusundan kahit katiting na clue.
"Kuya, sabi ko naman sa'yo dati pa, hindi simple ang past ni Ning Xi, naniniwala ka na ba ngayon? Tingin ko dapat masabihan mo rin si Cheng Feng kahit pa'no na imbestigahan si Ning Xi nang maayos," suggestion ni Lu Jingli nang may pagpapahiwatig.
"'Di na kailangan," lahat ng tao may past na ayaw nila ipaalam sa iba. 'Di niya papakialaman ang ayaw ni Ning Xi pakialaman. Kung gustong ipaalam ni Ning Xi, sasabihin niya 'yun kay Lu Tingxiao.
Natapos ang taping ng ala sais ng gabi.
Mga male at female leads ang nasa main scenes ngayong araw. 'Di gaanong marami ang shots ni Ning Xi pero kailangan niya pa rin lumabas sa mga scene at umarte na parang isang vase buong araw.
Nakakapagod maging vase. Pakiramdam niya mababali ang leeg niya mula sa pagsuot ng napakabigat na costume at parang magkaka-rashes din ang katawan niya.
Pagkatapos magbihis at magtanggal ng makeup, naglagay ng mask si Ning Xi at naghanda nang mag-subway.
'Di pa naman siya sikat kaya wala pang nakakakilala sa kanya. Plus, convenient din ang mag-subway dahil iwas traffic jams.
Naglalakad na siya palapit sa istasyon nang may isang black Maserati na tumigil sa tabi niya.
Bumaba ang bintana ng kotse at nginitian siya ni Su Yan. "Xiao Xi, ihatid na kita pauwi!"
Ning Xi: "…"
Ex-boyfriend…
Bakit isa nanamang ex-boyfriend…
'Di ba nila pwedeng hayaan si Ning Xi na magkaroon ng katahimikan at kapayapaan?
"Hindi na," lumakad palayo si Ning Xi dahil ayaw niyang makita ang masahol na mukha ni Su Yan.
Pero ayaw umalis ng lalaki at mabagal na sinabayan ang lakad ni Ning Xi. "Xiao Xi, pwede ba tayong mag-usap?"
Inirapan siya ni Ning Xi. "Ano pag-uusapan? Do you hate the fact na 'di ganoon karami ang mga scandal tungkol sa'kin ngayong araw? Gusto mo bang may makakuha ng picture natin magkasama at magkaroon ng mas malaking scandal?
Napakunot ang noo ni Su Yan, 'di siya sanay sa bagsik ng mga salita at attitude ng isang babaeng dati lang ay palaging nakikinig sa kanya at ginagawa ang sinasabi niya. "Xiao Xi, 'di 'yun 'yung ibig kong sabihin, may importante lang akong kailangang sabihin sa'yo!"
Natakot si Ning Xi na talagang makuhanan sila ng picture kapag pinagpatuloy niya ang pakikipagsagutan kay Su Yan sa kalsada.
Masyado pa man ding takaw-pansin ang kotse nito.
Lumingon si Ning Xi sa kaliwa't kanan para siguraduhing walang tao sa paligid bago mabilis na binuksan ang pinto at pumasok sa kotse.
Makaraan ang kalahating oras, sa isang kwarto sa isang restaurant.
Tinawag ni Su Yan ang waiter at umorder ng ilang pagkain, karamihan mga paborito ni Ning Xi. "Xiao Xi, matagal na kitang 'di nakita kaya 'di ko alam kung nagbago na 'yung taste mo. Kumusta ka ba all these years na nasa ibang bansa ka? Pinadalhan kita ng pera pero binalik mo lang din tapos nagpalit ka pa ng bank account number…"
"Sabihin mo na lang 'yung gusto mong sabihin," Ttinakapan lang ni Ning Xi ang mukha niya at nag-focus sa pagtetext kay Little Treasure na malelate siya ng uwi.
Walang magawa, may itinulak na cheke sa mesa si Su Yan papunta sa direksyon ni Ning Xi.
Sa gilid ng mga mata niya, sinilip ni Ning Xi ang cheke na may eight million yuan at nanliit ang mga mata niya. "Ano'ng ibig sabihin nito?"
Naghigpit ang mga mata ni Su Yan. "Xiao Xi, 'wag kang gagawa ng pagsisisihan mo."
Ibinaba ni Ning Xi ang hawak niyang cellphone at nagpakita ng pekeng ngiti kay Su Yan. "Oh? Tell me, anong ginawa ko?"
"Then tell me, pa'no mo nakuha 'tong role?" mabilis at madiin na sagot ni Su Yan.
[1] Ang Jin Yi Wei ay mga imperial guards noong panahon ng Ming Dynasty at kalaunan ay naging Secret Service