Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 52 - Healing Kisses

Chapter 52 - Healing Kisses

Chapter 52: Healing Kisses

"Pa'no sa tingin mo?" nag-krus sa dibdib ang mga braso ni Ning Xi at sumandal siya sa upuan habang kaswal na nagtaong.

Mukhang nauubusan na ng pasensya si Su Yan at hinapas ang mesa. "Ning Xi! You know better than me kung ano ang nakakasagupa ng babaeng tulad mo sa entertainment industry! Bakit ba ang tigas ng ulo mo tungkol sa paglalaro sa ganitong business?"

"Heh, babaeng tulad ko…" napangisi si Ning Xi. "Ano'ng identity ba ang gamit gamit mo ngayon para pagsabihan ako nang ganyan?"

Kung siya 'yung dating Ning Xi, baka naging hysterical na siya sa pagkakarinig dito.

Noon kasi, pauli-ulit na sinabi ni Su Yan na ayaw niyang pumasok sa entertainment industry ang mapapangasawa niya, pero pagdating kay Ning Xueluo, buong-buo ang suporta niya. Tapos ngayon, ang kapal ng mukha niyang pakialaman kung sa pa'nong paraan gustong mamuhay ni Ning Xi.

"Xiao Xi, kahit nag-break tayo, itinuturing pa rin kitang kapatid at gusto lang kitang tulungan. Pwede bang 'wag na masyadong matigas 'yang ulo mo? Kunin mo 'tong pera, i-cancel mo ang contract mo sa Starlight, at iwan mo na ang entertainment industry!" mariing payo ni Su Yan.

"Heh, tulungan ako?" ang kaninang walang ganang mga mata ni Ning Xi ay naging mapanlamig. "Now that I think about it, kailangan nga ng tulong mo Young Master Su! Sana matulungan ako ng Young Master Su na isiwalat ang katotohanan sa Ning Family, at mag-testify sa korte na may sinuhulang dalawang lalaki si Ning Xueluo para pagsamantalahan ako. Matutulungan mo ba 'ko dito?"

"Xiao Xi…" namutla si Su Yan. "Kapag ginawa ko 'yan, tapos na ang lahat para kay Xueluo…kung tutuusin, macocosider namang attempted crime lang 'yung mga ginawa niya naman noon. Ikaw ang pumasok sa maling kwarto and you slept with someone else…"

Kahit na inasahan ni Ning Xi ang sagot na 'yun, kumirot pa rin ang puso niya. Inirapan niya muli si Su Yan. "So ang sinasabi mo, wala kayong ginawang mali noon? Na kasalanan kong nilasing niya ako, na kasalanan kong I was drugged, na kasalanan kong pinagsamantalahan ako, na kasalanan kong nabuntis ako ng kung sino lang at patay na bata 'yung ipinanganak ko!"

Sumimangot si Su Yan. "Xiao Xi, 'di 'yun ang ibig kong sabihin! Nag-apologize na kami ni Xueluo tungkol dito di ba saka ilang taon na kaming bumabawi. Bakit 'di mo na lang kalimutan?"

Kinuha ni Ning Xi ang bag niya at tumayo. "Heh, gusto mong kalimutan ko na lang? Kapag may nanamantala din diyan sa Xueluo mo at nagbunga ng isang bastardo, kaibiganin mo yung gumawa sa kanya nu'n, tapos maging proud ka na partner ka ng isang pinagsamantalahang babae. 'Pag nangyari 'yun saka mo ulit hilingin sa'kin 'yan!"

Nagbago bigla ang mukha ni Su Yan. "Ning Xi! Pa'no mo nagagwang sabihin 'yan!"

"Huh, sinasabi ko pa lang pero ang sakit na 'di ba? 'Di mo maiintindihan kung gaano kasakit hanggang mangyari din sa'yo, okay? Gusto mong patawarin ko kayo? 'Di ako ganun ka-martir!" at mabilis na umalis si Ning Xi pagkatapos ng litanya niya.

Malas!

'Di na sana niya pinagksayahan ng panahon si Su Yan, nakakasama lang ng sikmura parang wala tuloy siyang ganang kumain ng hapunan ngayon.

Dapat makabalik na agad siya para pwede na niya mayakap ulit ang maliit na siopao para gumaan ang loob niya.

Pagdating niya sa pintuan ng Lu residence, nakita niya kaagad ang isang maputing maliit na siopao papatakbo papunta sa kanya.

Mukhang kanina pa siyang nasa bintana at naghihintay.

Totoo ngang gumaan kaagad ang pakiramdam ni Ning Xi, at as usual, binigyan niya ng super big kiss ang munting siopao na si Little Treasure.

"Darling, kumain ka na ba? 'Di ba nag-text ako na 'wag mo na akong hintayin at dapat maging good boy ka kaya kumain ka muna. Ginawa mo ba?"

Tumango si Little Treasure.

"Good boy!" at binigyan ulit ni Ning Xi ng halik ang munting siopao bilang reward.

"Sige, maglaro ka muna. Aakyat lang si tita para maligo at magbihis."

Tumango si Little Treasure.

Magkahawak-kamay na pumasok ang dalawa.

Mula sa bintana sa second floor, pinanood ni Lu Tingxiao ang nagaganap sa baba at medyo ikinalungkot niya. 'Di niya alam na pwede pala siyang maging sobrang seloso.

Pati anak niya kinaiinggitan niya.

Pagkarating pa lang, 'di lang isang beses pero dalawang beses nang hinalikan ni Ning Xi ang anak niya.

Samantala, ang magagawa lang niya ay panoorin sila mula sa malayo.

Ang unang ginawa ni Ning Xi pagkapasok sa kwarto niya ay alisin ang bra niya.

Parusa naman kasing magsuot ng ganitong bagay sa mainit na panahon,'di ba?

Inabot niya ang likuran niya at in-unclasp ang bra bago ito hinila palabas. Sa kalagitnaan ng pagtatanggal niya, bumukas ang pintuan.

"Ning…" iisang salita pa lang ang lumalabas sa bibig ni Lu Tingxiao nang matigilan siya, nanatili ang kamay niya sa door knob, at bakas ang gulat sa mukha niya mula sa naabutang kaganapan sa loob ng kwarto.