Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 56 - A Punch on Cotton

Chapter 56 - A Punch on Cotton

Chapter 56: Suntok sa Bulak

Dance scene ang i-shushoot nila Ning Xi ngayon kaya mas magaan ang costume niya kaysa sa palace costume kahapon kaya nakahinga siya nang maluwag.

Pagkapasok niya sa dressing room, nagulat siyang makita si Jia Qingqing.

Akala niya 'di na darating si Jia Qingqing.

'Di nakuha ni Jia Qingqing ang second female lead noong audition, pero ininvite pa rin siya ng director na gumanap bilang si Princess Xian, isang third female lead.

Kahit na magdadala din ng kapahamakan sa bansa ang third female lead, mas maliit na role ito kumpara sa role ni Ning Xi. Isa pa, malala ang mararanasan niyang torture mula kay Ning Xi sa movie.

Kahit na tinanggap ng manager ni Jia Qingqing ang imbitasyon para sa role, 'di niya ikinatuwa ito kaya 'di siya pumunta sa opening ceremony. Nabalita ring tatanggihan niya ang role.

Hula ni Ning Xi ay masunurin siyang pumunta matapos malamang nakatanggap ng mas malaking additional investment ang movie.

Isang malaking project rin kasi na worth one hundred million.

Inaayusan ng makeup si Jia Qingqing nang makita sa salamin si Ning Xi. Tinitigan niya ito nang may panliliit at walang pagbabalatkayong galit.

Tulad ni Ning Xueluo, mayaman ang tatay ni Jia Qingqing, lagi siyang umaastang matapobre kaya 'di rin sikat sa set. Pero magaling ang water army niya at nagawa nilang baguhin ang image niya bilang isang outspoken at straightforward na tao. Binigyan pa nga siya ng title na No. 1 Beauty in the entertainment industry.

Kaya malamang, malalim ang galit niya kay Ning Xi, na inagaw ang role at pagkasikat niya.

"Hm, isn't this our No. 1 Beauty in the entertainment industry? Sa dami ng mayayamang sponsors mo, dito ka pa rin tumatambay sa dressing room ng maliliit na artista gaya namin?" pagpaparinig ni Jia Qingqing.

Nakahanap si Ning Xi ng upuan at binasa na lang ang script,'di siya apektado.

Siya yung tipo ng tao na buong pusong magfofocus sa trabaho pagkarating sa set at 'di magpapaapekto kahit kanino o kahit saan.

"'Di mo ba ako pinapansin, Ning Xi?" sadyang ibinagsak ni Jia Qingqing ang suklay nang may tunog.

Patuloy lang nagbasa si Ning Xi na parang walang naririnig.

Sa pagkakataong 'yon, 'di na nakapagtimpi ang makeup artist sa tabi nito at napaubo. "Nakasuot ng earphones si Ning Xi, kaya baka 'di ka niya narinig!"

Noon lang napansin ni Jia Qingqing ang dalawang maliit na earbuds sa tenga ni Ning Xi. Pakiramdam niya ay sumusuntok siya sa bulak.

B*tch! Malay ba ng kung sino kung sinasadya niya lang?!

Syempre sinadya ni Ning Xi.

Pagkakita niya kay Jia Qingqing, inilabas niya ang earphones at isinuot para magpanggap na walang naririnig.

Sa ganitong mga sitwasyon, 'di na importante kung sino'ng tama o mali, basta may conflict 'di makakabuti sa kanya. Mas mabuting iwasan na lang ang gulo!

"Miss Jia, tapos na po. Okay na po ba?" maingat na nagsalita ang makeup artist dahil alam niyang mahirap kausap ang kliyente niya.

"Hindi! Gawin mo ulit!" sabi ni Jia Qingqing kahit 'di man lang tinitignan ang itsura.

"Alin pong part 'yung 'di okay?" tanong ng makeup artist.

"Lahat!"

Naninigas sa galit ang mukha ng makeup artist, pero wala siyang nagawa kung 'di tanggalin ang makeup at magsimula na lang ulit.

Lalong nagalit si Jia Qingqing sa 'di pagpansin sa kanya ni Ning Xi at pinagpatuloy lang nito ang paghanap ng mali sa ginawa ng makeup artist.

'Di rin sinubukan ng makeup artsit na magpakita ng attitude kaya wala siyang nagawa kung 'di tignan lang ng masama si Ning Xi sa sulok.

Alam niyang si Ning Xi naman talaga ang target ni Jia Qingqing at nadamay lang siya.

Bukod sa male and female leads na may kanya-kanyang dressing room, lahat ng actors ay naghahati-hati sa iisang room, kaya kung di matatapos sa makeup si Jia Qingqing, matagal maghihintay si Ning Xi.

Sa wakas, nang sunduin lang si Jia Qingqing ng manager niya ay saka siya umalis kahit na ayaw niya pa. 'Di niya rin nalimutang irapan ng huling beses si Ning Xi bago umalis.