Chapter 61: Mabuting Apo
Tumakbo si Ning Xi papunta sa restroom sa likod niya. Pumasok siya sa isang cubicle at binuksan ang malaking black satchel at naglabas ng kung anu-anong mga kagamitan, at nagsimula na nga siyang mag-apply ng makeup.
Pagkalabas mula sa CR, isa na siyang matandang babaeng may ulong puno ng putting buhok.
Tumunog ang cellphone niya.
Inilabas ito ni Ning Xi at tulad ng inaasahan, galing kay Jiang Muye.
Evil Fairy King: Ning Xiao Xi! Bibigyan lang kita ng 5 minutes para harapin ako or else i-eexpose ko ang relasyon natin sa publiko!
F*ck!
Chineck ni Ning Xi ang makeup niya sa huling beses at mabilis na tumakbo papunta sa piankamakapal na dami ng tao.
Mukhang kaawa-awa at kinakabahan si Ning Xi. "Ahem ahem, makikiraan, makikiraan… ahem ahem, mga mababait na bata pwede niyo ba akong padaaning para makita si Ah Ye?"
"Ah! Guys, walang tulakan! May matanda dito!"
"Eh lola, bakit niyo ho gustong makita ang Muye namin? Fan ka rin po ba?"
"Diyos ko! Kuhang kuha talaga ni Muye lahat, mga bata't matanda! Akalain niyo may fan din siyang lola! Guys, padaanin niyo si lola!"
"Ilang taon na po kayo, nanay?"
…
Yumuko si Ning Xi at humawak sa likod habang nagpapasalamat nang paulit-ulit. "Mga bata, salamat, salamat sa inyong lahat. 80 years old na ako pero gustong gusto ko 'tong batang 'to dahil kamukha niya ang apo ko! Nagtatrabaho kasi 'yun sa malayo kaya ilang beses sa isang taon ko lang makita…" Pagkasabi nito ay nagpunas siya ng luha.
"Muye! Muye! May fan ka dito na lola! Puntahan mo siya dito!"
"Oo nga lapitan mo! Kawawa naman si lola…"
Dahil sa tulong ng mga fans, mabilis at walang aberyang nakasingit si Ning Xi sa loob.
Sa gitna ng nagdagsaang mga tao, sinuklay ni Jiang Muye ang kanyang wild blond hair at inalis ang sunglasses. May bahid ng pagdududa sa gwapo niyang mukha. "Lola na fan?"
"Oo, oo! 80 years old na daw siya! Pinuntahan ka talaga niya dito kahit mainit! Gustong gusto ka daw niya kasi kamukha mo yung apo niyang nasa abroad!"
Pagkatapos magsalita ng mga fans niya, sinundan ni Jiang Muye ang ginawang daan ng mga tao at nakita niya nga ang isang matandang babaeng may kulubot na balat na nakasuot ng maalikabok at lumang damit habang nakatuon sa tungkod…
Naging baluktot ang mukha ni Jiang Muye. "Fuuuu…"
May sapat na pag-iisip pa siya para lunukin na lang ang gustong sabihing pagmumura. Tinignan na lang niya nang masama ang "lola" na para bang gusto niya itong sakalin.
Syempre, saglit lang nangyari ang lahat at 'di nakahalata ang mga fans.
"Ah… apo… ang apo ko… sobrang na-miss ka ni lola…" biglang tumakbo si Ning Xi papunta kay Jiang Muye at ginulo ang blond hair nito habang umiiyak na parang brokenhearted…
Naiyak rin ang mga kabataang babaeng nanonood sa paligid nang makita nila ang makabagbag-damdaming eksena at may ilan ring tunong ng shutter clicks mula sa media.
"Ning Xiao Xi! Humanda ka mamayang gabi!" mahinang sabi ni Jiang Muye sa tenga ni Ning Xi habang nagngangalit ang mga ngipin niya.
"Ah, apo, apo! Bakit ang payat mo! Nalulungkot naman ang lola!" alagang in character si Ning Xi at patuloy ang pagkusot sa buhok si Jiang Muye, ang pinakaimportanteng bahagi ng ulo niya na nagmukha nang pugad ng manok.
Habang nakikitang malapit nang sumabog si Jiang Muyem agad na lumapit si Lei Ming, ang manager ni Jiang Muye para mailigtas ang sitwasyon. "Ahem, makikiraan po, napaka-emotional pa ni lola at mahina ang katawan, tutulungan namin siyang makauwi!"
Ipinagpatuloy ni Jiang Muye ang mukhang maamo at maalaga niyang itsura pero palihim na talaga niyang kinukurot ang kamay ng isang kasama habang paalis sila ng airport.