Isang mundo ang napuntahan ng batang si 4th, upang hanapin ang 12 star na binigay ng kanyang ama, Dito mag sisimula ang kanyang paglalakbay...
Isang bulalakaw ang mabilis na bumubolusok papasok sa mundo ng SENTRA, itoy bumagsak sa malawak na kagubatan.
'Ahh.... Hindi ko inaasahan na mas mabilis akong makakarating sa mundong ito'..sabi ni 4th
'mukang maganda ito at maayos pero bakit dito ako pinadala ng aking ama..' naguguluhang tanong niya..
Sa di-kalayuan may isang bayan na malapit sa binagsakan niya. Ito'y isang bayan na nababalutan ng masamang mahika, hindi batid ng naninirahan dito ang itim na mahikang nakapaloob dito..
Isang batang babae ang nakakita kay 4th habang nag lalakad sa kagubatan itoy nangunguha ng makakain upang maiuwi sa kanyang ina.
'ikaw bata anong ginagawa mo dito?. sabi ng babae
Hindi makasagot si 4th sapagkat hindi rin ito maiintindihan ng babae..
'Naparito ako upang mag hanap ng makakain,'
Alam mo bang mapanganib dito, maraming mababangis na hayop at kung mamalasin ka baka makatagpo ka ng halimaw dito, sabi ng batang babae..
'ahhh hehehe... Samalat pero ayos lang ako, ahh maaari kubang malaman ang iyong pangalan'.. tanong ni 4th sa batang babae ..
Itoy may tamang haba ng buhok hanggang balikat, pulang may pagkaitim ang kulay nito may pangkaraniwang damit at payat na pangangatawan.
'Ako si ember. dito kami naninirahan ng aking ina malapit sa bayan' ikaw? tanong niya
'ahhh ako ngapala si 4th galing ako sa malayong pag lalakbay.'
'isa kabang mahikero? Pero napaka bata mo pa siguro umalis ka inyong tahanan..? Tanong ni ember.
'mahikero?? nakakain ba un..??'
'hindi mo ba alam.... Sila ang mga lumalaban sa mga halimaw upang ipag tanggol ang mga tao.. san kaba galing bakit hindi mo nalalaman ito?'
'Hahaha siguro gutom lng ako kaya ko nasabi, paumanhin sayo binibini, pero may makakain kabang dala..?'
'wala pero sa aming tahanan sa aking palagay nakapag luto na ang aking ina..'
'talaga maaari ba kung sumama syo.?' naka ngiting tanong ni 4th
'bahala ka mukang hindi kapa kumakain, bakit kakaiba ang iyong damit.? Saang bayan kaba galing?'
Hindi batid ng dalaga na may nag mamasid sa kanila at balak silang atakihin, ngunit na pansin ito ni 4th kaya nakiramdam siya kung itoy may mga kasama pang iba.
Nakakuha ng pag kakataon ang halimaw upang umatake pinuntirya nila ang batang babae na si ember,
'arrggg tapus kana...!!!!' sigaw ng halimaw
Ng walang atubiling hinarang ni 4th ang pag lusob na hindi manlang napansin ni soffy
Hindi lubos maisip ng babae na ganon kabilis gumalaw ang batang si 4th kaya laking gulat niya ng mapigilan ng bata ang halimaw at sabay nag tanong ito.
' sino kayo at anong pakay ninyo sakanya?'
Tanong ni 4th
'sila ang mga goblin na ng gugulo sa bayan, wala silang ibang ginawa kundi magnakaw at pumatay ng tao,' takot na sabi ni ember
'Masaya kaming gawin ang gusto namin walang makakapigil sa kagustuhan naming kumitil ng buhay...hahahaha' pag mamayabang ng pinuno ng goblin.
'dito kalang ember.... (kung gayon hindi kuna kaylangan mag pigil....)' bulong ni 4th
'mag iingat ka malalakas sila at tuso 4th..'
Mabis na pag lusob ang ginawa n 4th sabay talon ginamit niya ang (Blade of Light) sa lahat ng kalaban isa isa silang na paslang ng walang kahirap hirap ni 4th hindi lina masabayan ang bilis ng bata, na pinag tataka ng pinuno ng goblin...
'panong nagawa niya ang lahat ng ito..?tanong niya sa sarili.
'samantalang isa lang syang bata'.. kumilos sya ayon sa kanyang katawan kahit na puno sya ng pag aalinlangan.
'patay kana,,,!!!!!!' sigaw ng pinuno ng goblin
Agad namang napansin ni 4th sabay tingin sa goblin habang nag liliyab sa liwanag ang mata ni 4th na ikinagulat ng goblin hindi sya nakapaniwala sa nakita niya naparabang nakakita sya ng mabangis na nilalang at alam niyang sa pag kakamali kaya syang tapusin nito... takot na takot ang goblin sakanya kaya hindi na nagawang kumulos nito sa kanyang kinatatayuan...
'Ngayon sumagot ka.. sinong nag bigay sainyo ng kautusan na pumatay ng tao'? Tanong ni 4th sa goblin.
'nandito kami para sa iisang layunin ang pag silbihan ang Dark Lord..hahahahaha.... hindi mo kakayaning talunin ang Dark Lord kahit na gaano kapa kalakas'
Walang sinayang na sandali si 4th at agad niya itong pinaslang...
Samantalang Hindi parin makapaniwala sa ember sakanyang nasaksihan...
'ahhh... Pasinsya kana kung natakot kita tama ang iniisip mo marunong akong makipag laban, doon kasi sa kinalakihan ko normal lang ang pakikipag laban.' pahayag ni 4th
'ah.. ganon ba..? Pero hindi ko akalain na ganon ang lakas at bilis mo. Sa mura mong edad..
'wag munalang akong pansinin.. maaari na ba tayong kumain, nagugutom na talaga ako...
'mainam panga na bumalik na ko sa bahay ng saganon mapakilala kita kay inay..sagot ni ember
Nag lakad ang dalawang bata patungo sa tirahan nila ember dito na nag simula ang pag kakaibigan nila na mag dudulot ng malaking pag babago sa sundo.
'Inay nan dito na po ako, may mga dala po akong kabute at halamang gamot.
Isang lumang bahay na gawa sa mga dahon at kawayan ang natunghayan ni 4th isang malit na tahanan ngunit puno naman ng mayasa at tahimik na pamumuhay sa gitna ng pagbabanta ng masasama sa kanilang paligid
'oh... Anak sinuyang kasama mo mukang may bago nanamang kaibigan.' tanong ng matanda
'si 4th po inay nakilala ko po sya sa kagubatan habang nangunguha ng makakain.sagot ni ember
'aba... Akalain nganaman.. iho... 4th ba kamo ang iyong panganlan.. ikaw ba'y kumain na? Mukang gutom kana .. halika dito at sabay sabay na tayong kumain..'
'maraming samalat po... Kanina pa nga po ako nagugutom..' sagot ni 4th
'maaari kubang matanong kung saan ka galing kasi saiyong pananamit mukang hindi ka tagarito?? Isa kabang maharlika..?
'parang ganon narin po, kakaunti lang ang kaibigan ko sa lugar namin .
'ah... Naiintindihan ko na..siguro hirap kang pakisamahan ang ibang tao dahil narin sa iyong marangyang buhay at nilalayuan ng iba.. sagot ng matanda
'ina kanina habang nangunguha ako ng halamang gamot my isang grupo ng goblin ang umatake sakin, buti nalang at pinag tanggol ako ni 4th, nilabanan niya lahat ng goblin at lahat si natalo.. ang galing diba inay..' pagyayabang ni ember
Habang ng uusap sila sa tahanan nila ember. Ang kanyang ina ay may kinuha sa lagayan ng kanilang kagamitan..
'anak may nais sana akong ibigay syo, panahon na siguro para ibigay ko ito, isa itong punyal.. itago mo ito at ingatan kahit anoman ang mangyari.. balang araw malalaman mo rin halaga nito syo...'
Pagtataka ng dalaga hindi niya akalaing may tinatago palang punyal ang kanyang ina, itoy hindi pangkaraniwang punyal na may desinyo ng dragon isang maayos na pag kakagawa na napansin naman ni 4th...
'nay bakit po kayo nag sasalita ng ganyan, may nagyari po ba..' tanong ni ember
'wala..wala naman anak.. aalis lang muna ako pupunta ako sa bayan at may bibilihin lang ako, para naman may naihanda tayo sa bago mong kaibigan. Nakakahiya naman.. ngayon lang kami nag karoon ng bisita kaya pasinsya kana iho...'
'wag na po kayo mag abala aalis na rin po ako hindi narin ako mag tatagal..sagot ni 4th
'dito kana mag palipas ng gabi . Para naman may lakas ka bukas sa pag lalakbay mo...'
'inay mag iingat po kayo.' pasigaw ni ember
'alam mo parang hindi mapakali ang iyong ina.. natatakot ba sya akin..?' tanong ni 4th
'hindi naman siguro ngayon lang nakakita si ina ng kagaya mo kaya hindi lang sya sanay na may nakakausap na isang maharlika kagaya mo..' sagot ni ember
'hindi ko talaga kyo maintindihang mga tao..'
'mga tao... At ano nman ang tingin mo sa sarili mo..?!!'
'ahh.. ehhh... Hahaha...Biro lang... Sagot n 4th
Ang bayan ng HUNVERT na nasasakupan ng kaharian ng ETHEREUM.. isang maliit na bayan kung saan sa labas ng bayan sila na ninirahan ng kanyang ina.
'malapit na mag dilim kaylangan ko ng magmadali nagugotom na siguro si ember'..
'takbo..!!!!!!! Tumakbo na kayo ....!!!.' sigaw ng isang lalake
Nag kakagulo na ang lahat ng tao sa bayan hindi nila alam kung saan mag tatago sa paparating na panganib..
'mag tago kyo sa loob ng inyong tahanan... Paparating na ang mga high Orks..'
Ang lahat ay nag kagulo mabilis silang nagtago sa kanilang tahanan, walang naiwan sa labas kundi ang ina ni ember..
'palibutan ang bayan at walang ititirang buhay...!!
Isang utos mula sa orks .
Lahat ng high Orks ay isa-isang pinasok ang bahay.. nag kulay pula ang paligid ng bayan walang humpay ang sigawan at pag mamakaawa ng mga tao ngunit nag patuloy lang ang high Orks sa kanilang ginawa kahit ang ina ni ember ay hindi nakaligtas.
'narinig mo bayun..?? Tanong in 4th
'wala naman akong narinig'sagot ni ember
'nakakaamoy ako ng dugo ng tao,'
Mabilis na pinuntahan ni 4th ang lugar kung saan may amoy dugo ng tao. Si nundad siya ni ember ngunit hindi ito makasabay sakanya
Tumambad ang maraming bangkay ng tao sa kalsada, sa kabahayan at kahit sa gubat may patay na tao..lahat ng ito ay kagagawan ng high Orks.
'pano...!!! Panong nangyari to... Hindi ko sila naramdaman...,,!!!' galit na sabi ni 4th
Natulala si ember sa nakita niya, ang kanyang ina ay pinugutan ng ulo at nakakalat sa kalsada ng bayan.. umagos ang luha ng bata sa kanyang nakita.. walng tigil ang pagdadalamhati sa kanyang ina.. luhang hindi kayang pahintuin, ang pag mamahal ng kanyang ina ay lagi niyang inaalala isang pag mamahal na mapapalitan ng galet at pagkamuhi..
'patawarin mo ako.... Hindi ko nagawang iligtas ang iyong ina...'
'mag babayad ang gumawa nito sakanya..... isinusumpa ko, ipaghihiganti ko ang aking ina, kahit na umabot ng maraming araw.... kahit na mahirapan ako,. Gagawin ko ang lahat para lang lumakas,. Hindi ko sya maapatawad kahit na mag makaawa pa sya para sa buhay nya..!!!!!!!!!
(Umagos ang luha, sa ilalim ng liwanag ng buwan, isang pag babago na dulot ng kalungkutan, pagmamahal kapalit ng pag hihiganti....)
To be continued....