Chereads / legends of zodiac (the mysterious #4th / Chapter 2 - Chapter 2: Love & Quest

Chapter 2 - Chapter 2: Love & Quest

Naglalakad sa gitna ng kagubatan sila 4th at ember, matapos ang gabing natunghayan nila hindi parin makapag isip ng maayos si ember sa pag dadalamhati sa ina alam niyang kaylangan niyang mag patuloy sa buhay kahit na wala na ang kanyang ina ..

4th: 'alam mo doon sa lugar namin masayang naninirahan ang mga namayapa na, lahat ng may mabubuting puso ay doon na pupunta...'.

hindi naman ito pinansin ni ember sapagkat hindi niya alam kung nag bibiro lang ba ang bata.

Tumingin si 4th sakanya habang nag lalakad sa kagubatan...

4th:'alam kong masakit para syo na wala na sya... Pero hahayaan mo nalang bang kainin ka ng kalungkutan mo ng walang ginagawa.. nasan na ung ember na nakilala ko, wala kana sa lugar para malungkot ang umiyak, panahon na para ikaw naman ang gumawa ng sarili mong daan sa buhay ..... 

Ember:'salamat sayo 4th nanjan kaparin kahit na wala naman akong silbi syo at pabigat lang ako, alam kong masaya na sya ngayon kung nasanman sya ngayon..' sagot ni ember

4th:'ganyan nga wag mong hayaan na malogmok ka sa ganyang sitwasyon.. laban lang...' ngiting sabi ni 4th

Nabuhayan ng loob si ember sa lahat ng sinabi ni 4th naiis niyang matutu ng pakikipag laban upang mapagtanggol niya ang kanyang sarili at makapaghiganti narin para sa kanyang inang napatay ng mga high Orks..

Ember:'maaari mo ba kong turuan makipag laban para naman maipagtanggol ko ang aking sarili sa masasama...'

4th:'ahhh . Maaari naman.. wag kang mag alala matututunan mo ring makipag laban .

Ember:'oo nga pala malapit na tayo sa kaharian ng ETHEREUM dito nakatira ang hari at ang mga alagad niya ..' pahayag ni ember

4th:'kung gayon makakakain na tayo....'

Ember:'hay gutom kananaman.... Eto may prutas pang natira dto sa dala ko..

4th'salamat ahhmmm ang sarap naman nito anong prutas ba ito .' tanong ni 4th

'ember:'tanim nmin yan ni ina matagal bago yan mag kabunga, pero sulit naman ang paghihintay kasi alaga ni inay yan..' masayang sagot ni ember

Habang nag lalakad sila nakarinig sila ng taong humihingi ng tulong...

Matanda:'tulong..... Tulungan ninyo kami....!!!!'

Mabilis na nagtungo sila 4th at ember sa matandang sugatan.

4th:'anong nangyari dito at bakit kayo sugatan..'

Matanda:''ang aking anak kinuha ng mga orks, nag mamakaawa ako iligtas ninyo ang aking anak wala syang kakayahan makakita...'

4th:''dito nalang kayo , ember bantayan mo ang matanda, ako nalang ang pupunta para iligtas ang anak niya..!!,' galit na pahayag ni 4th

Nag madaling umalis si 4th at naiwan ang matanda at si ember kung saan nila ito nakita alam ng batang si 4th na baka lalo lang mapahamak ang anak ng matanda kung sasamapa sila...

4th"Naamoy ko ang dugo ng tao sakanila malapit lang sila dito, sila rin kaya ang umubosng tao sa bayan at pumatay sa ina ni ember, kung mag kagayon man, hindi ako mag aalinlangan na tapusin sila."

Nakarating sa kuta ng mga orks si 4th pinag masdan niya ang mga ito, marami sa kanila ang nag babantay at ung iba ay gumagawa ng sandata na para bang may pinag hahandaang malaking digmaan..

'4th:'marami sila, ganto pala ang ginagawa nila dito, kaylangan kong mahanap kung saan nila tinago ang anak ng matanda '

Isang grupo ng ork ang nag uusap kung pano nila papasukin ang kaharian ng ETHEREUM ng walang nakakaalam..

High Orks;'papasukin natin ang Ethereum mamayang gabi maghanda kayo, lahat kayo ay saksi sa magaganap na digmaan para sa dark Lord.... Ahhhhhhhhgggggg ....'

4th::'aba.... Mukang may piging kayo dto.. puwedi bang makisali... Pahayag ni 4th

Ork:'isang tao... Nasundan kyo ng isang bata...??!!!!!

4th:'wag kang magalit alam mo hindi naman nila kasalanan... Talagang malakas lang ang pang amoy ko kaya nasundaan ko kayo ..' naka ngiting sabi ni 4th

Ork:'kung ganon dito kana mamamatay bata .. hindi mo siguro kilala kung sino kami at kung ano ang kaya naming gawin... Pipira-pirasuhin ka namin at iinumin ang dugo mo... Hahahahaha ..'

'4th:'nakakatakot naman . May tanong lang ako bago natin simulan ang kasiyahan... Kayo ba ang pimaslang sa mga tao sa bayan malapit dito..??!!

Ork:'hahahahaha..... Ano naman ang pakialam mo kung kami nga dapat ba kaming matakot sayo...hahahaha....agghhh

Kinagulant ng ibang orks ang nangyari hindi nila na pansin na naputol na pala ang ulo na kanilang pinuno....

4th: 'kung kayo nga ang maysala sa lahat ng naganap sa bayan, hindi ko kayo bibigyan kahit katiting na awa....'!!!

Nag sisimula ng lumabas ang aura sa katawan ni 4th, nag aalab ang mga mata nito na parang isang buwan sa gabi. Ang lahat ng orks at sabay sabay lumusob sa bida ngunit mabilis lang silang na paslang ng bata..

Nag tataka ang ibang Orks bakit nag tataglay ng ganong kapangyarihan ang isang bata na ngayon palang nila nakita sa buong buhay nila, walang humpay ang ginagawang pag atake ni 4th sa mga halimaw.

Sigawan at kaguluhan ang naririnig ng batang anak ng matanda takot na takot ito at napapaluha na ang kanyang mga mata, sapagkat hindi niya alam ang gagawin kung dito na ba sya mamamatay..

Tumahimik ang paligid na pinagtaka ng batang bihag, natatakot sya n baka sya na susunod na paslangin ng mga halimaw...

4th:'wag kang matakot, hindi kita sasaktan.. nandito ako para iligtas ka at ibalik sa iyong ama...'

Naluha ng tuluyan ang batang bihag ng mga orks,

Isang buhay nanaman ang nailigtas ni 4th sa kamay ng mga kampon ng Dark Lord, ..

Bumalik sali kung saan nya iniwan si ember at ang matanda.. pasan pasan ang batang bulag habang umiiyak ito sa kanyang likuran..

4th;'wag kana umiyak ligtas kana... Malapit na tayo sa iyong ama..'

Ember;''ohhyyy... 4th nandito kami...

Matanda:'maraming samalat sainyo sa paglista saking anak.. pasinsya na kayo wala akong gintong maibibigay sainyo kapalit ng pagligtas saking anak ..'

Ember:''nako wala po iyon ... Masaya kami at nag kasama na kyo ng inyong anak ..'

Matanda: 'maari ko bang malaman kung san kayo pupunta..?'

4th:' papunta kami sa kaharian ng ETHEREUM.. sigurado akong maraming pag kain doon.'

Matanda:' kung gayon tahakin lang ninyo ang daan nayan at makakarating kayo doon bago mag tanghalian..'

Ember:' 'maraming samalat sainyo aalis na po kami..'

Matanda'maraming salamat sainyo mga bata...'

Ember:' hoy 4th may hindi kaba sinasabi sakin...?

4th:' wala naman ...

Ember:' talaga.... Parang may kakaiba sayo simula ng mailigtas mo ung anak ng matanda..?

'4th:' wala nga... Alam mo kung babagal-bagal ka iiwan kita... Hahahaha...'

'Ember:' hoy hintayin mo ko wag mo kong iwan dto ....mas matanda parin ako sayo ...'

Nagsimula ng maglakad ang nga bida patungo sa kaharian ng ETHEREUM nag madali sila upang makita ang ibat ibang lugar..

Bayan ng ETHEREUM, malakas at matatag, ginawa ito ng mga sinaunang hari upang panatilihin ang kaligtasan ng mga tao.

ETHEREUM

Nakarating sila sa kaharian na pagod na pagod sa subrang pag magmadali,..namangha sila sa laki ng bayan at sa laki ng castilyo, ang kaharian na ito ay bukas para sa tao, pinapangalagaan ng hari ang lahat ng sangkataohan...

'ang laki pala ng lugar na ito... At ang daming makakain' manghang sabi ni 4th

'hindi ko akalain na maganda ang lugar na to..' sagot ni ember

'tara mag libot pa tayo at mag hanap ng makakain hahaha..' masayang pahayag ni 4th

Sa kanilang Banda ang Hari ng ETHEREUM nag si Hillford ay nagulat sakanyang nabalitaan..

'mag-ulat ka sa iyong natunghayan..' sabi ng hari

'mahal na hari, may namataan kaming isang grupo ng ork malapit sa kagubatan na nasasakupan ng acting kaharian.. lahat po ng mga Orks na aming nakita at patay na...' pahayag ng kawal

'mga Orks...balak ba nilang lusubin ang palasyo. Oh manggulo lang ..' Agam Agam ng hari..

'paanong nangyari in may kawal bang nakipag laban sa labas ng kaharian..??!! Tanong ng hari

'wala po... Walang kawal ang lumabas ng Oras na un lahat po kami ay nasa loob at nag babantay lamang..' sagot ng kawal

'mahal na hari, may nakita po kaming matanda at isang bulag na bata malapit sa lugar ng mga patay na Orks' pahayag ng isang kawal

'marahil nilabanan ng matanda ung Orks, para sa kanyang anak.. paauntahin sila dto at bigyan ng pabiya...' madaling utos ng hari

'nagkakamali po kayo mahal na hari, ang matanda na aming nakita at mahina at puno ng sugat, at wala po syang alam sa pakikipag laban..' sagot ng kawal

'mahal na hari natanong namin sa matanda kung sino ang maygawa sa pag patay sa mga Orks .

At sinabi ng matanda na may tumulong lang sakanila ng dalawang bata...' pahayag ng isang kawal..

'bata ang tumalo sa mga Orks. Dalawang bata...??!!! Nasisiraan n ba ang matanda un... Pano magagawa ng dalawang bata na talunin ang ganon karaming Orks, kahit ang kawal natin hirap sa pakikipag laban sa nga Orks... Sigaw ng Hari..

'paumanhin po mahal na hari, maaari kayang nag tataglay sila ng mga mahika at malakas na sandata... Pahayag ni Maison..

Si Maison ay tapat sa hari at matagal ng nag lilingkod sa kaharian ng Ethereum sya rin ang Left arm ng hari, kasama niya sa maraming laban at nakiag laban sa maraming digmaan,

'kung ganon hanapin ang dalawang bata at imbitahan sila dito para naman mabigyan natin ng gantimpala...at ano daw panganlan ng dalawang bata..??pahayag ng hari

'ang sabi ng matanda, ember ang pangalan ng babae na may pulang buhok,at ung isa naman ay kulay asul na buhok, ngunit ung isang batang lalaki Hindi na niya natanong sa pagkat nagmamadali daw ang dalawa na pumarito sa kaharian..' sagot ng kawal

'ahhh.. kung gann papunta pala sila dito.. mahusay hanapin ang mga bata na yan at iharap sakin ngayon din' utos ng hari

Nakakita sila ng mabibilhan ng tinapay sa bayan kaya kumain muna sila...Walang kaalam-alam ang dalawang bata sa puwideng mangyari sakanila sa bayan,,

'buti nalang maytira pakung pilak na naiwan ni inay.. huling barya nalang natin to... Sabi ni ember

Sa di-kalayuan may isang hukbo ng kawal ang papalapit sakanila... Nagulat ang dalawa at kinausap sila,

'maaari bang mag tanong..?? Ikaw ba si ember???' pahayag ng isang kawal .

'paano ninyo nalaman ang pangalan ko..?? Tanong ni ember

'maaari ba namin kayong maimbitahan sa castilyo, nais kayong makausap ng aming hari..' sagot ng kawal

Sumama ang dalawa sa pagkat wala naman silang nakikitang mali nais lang silang makausap ng hari.. habang nag lalakad maraming tao ang nag tataka sa palid kung bakit kaylangan pa silang imbihan ng hari...

'mahal na hari nakita na po namin ang dawalang bata na sinasabi ng matanda..sigaw ng kawl

'papasukin sila.... At maghanda kyo ng isang piging, para sakanila... Hahahahaha ..

Nagsimulang tumunog ang trompita sa kaharian nag bibigay pugay sa pag dating ng mga bayani

Para sa hari isang malaking bagay ang nagawa nila sa pag kat na pigilan nila ang pag atake ng mga orks sa castilyo ..

'maligayang pag dating sa castilyo ng hari, ang ikatlong hari ng Ethereum si haring Hillford..!!!!,pag papakila ng kawal ..

HILLFORD

'maligayng pag dating saking kaharian.. batid kong naguguluhan kayo hayaan ninyong ipaliwanag ko.,, nabalitan kong kayo daw ang umubos sa isang grupo ng ork sa kagubatan.. tama ba..?? Tanong ng hari habang kumain sila ember at 4th

'ahhh.. hin....

'kami nga pero hindi kami ang ng gulo sa kanila... Sagot n 4th

'mag bigay galang ka sa aming hari,, lapastangan ka ..!!! Sigaw ni Maison

'hayaan mo na... Masaya ako at naparito kayo.. sigi kumain kayo ang lahat ng ito ay para sainyo nag papasalamat ako sa ginawa ninyo, alam kung galing pa kayo sa mahabang pag lalakbay. Maari ko bang matanong kung anong pakay ninyo sa paglalakbay..?? Tanong ng hari

'hinahanap ko ang mga (FRAGMENTS OF ZODIAC)

sagot n 4th

'ahh... Hindi ko pa naririnig ang bagay na yan pero meron kaming alam kung san makakakuha ng fragments of star..'

'hindi ako sigurado pero parang-iisa lang ang tinutukot natin san ko matatagpuan ang fragments of Star na iyong sinasabi..??. Tanong ni 4th

'ahhh hahahaha.. sigi kumain muna kayo at ipapasama ko ang isang kawal ko para sa pag akyat niyo sa bundok ng Dricston

MT. DRICSTON

Hindi nagtagal naghanda na ang kawal na makakasama nila sa pag akyat ng bundok,

'sana'y mag tagumpay kayo sainyong pupuntahan, narito ang isang kawal ko para samahan kayo.. kung aalis n kayo bago mag takipsilim, makakabalik na kayo dito..'

'samalat po mahal na hari. Malaking tulong po ito upang madalali kaming makapunta bundok ng Dricston..' sagot ni ember

'aba... Wala iyon isa lamang itong maliit natulong kumpara sa ginawa ninyo..'

'tayo na... Gusto ko ng makita ang tinatawag nilang fragments of star... Pahayag ni 4th

Nag simula na silang mag lakbay patungo sa sa bundok, upang hanapin ang fragments of zodiac, isang malakas na nilalang ang kanilang haharapin sa pag punta sa bundok,

'malayo ba ang lugar na pupuntahan natin' tanong ni ember

'malapit lang po ito binibini, sapalagay ko kung hindi tayo mahaharangan ng malalaking puno na bumagsak mabilis lng tayong makakabalik.' sakot ng kawal

'bakit parang wala ng nakatira dto..,?' malapit lang naman ito sa bayan at castilyo..,? Tanong ni 4th

'ah... Kasi noong ilang araw na nakalipas may usap usapan na may isang nilalang daw na nag papakita dito, at nawawala ang ibang taong nakatira na nakakita sa nilalang na ito .sagot ng kawal

'bakit Hindi mag papapunta ng maraming kawal ang hari para paalisin ang nilalang na ito' sabi ni 4th

'ginawa na ng hari un.. ngunit wala ng nakabalik sa kanila, hindi namin alam kung buhay pa sila o patay na....'

'ano... Maaaring hindi na tayo makabalik kung ganon..' gulat na pahayag ni ember

'sabi ko na parang may kahina-hinala ang kilos ng hari '..sagot ni 4th

'hindi naman sa ganon, ang bilin sakin ng hari bumalik daw tayo pag nakita natin ung nilalang na tinutukoy nila, sagot ng kawal

'ayos lang itutuloy ko parin ito.. gusto kong makita ang ung nilalang nayan at makalaban, nakakaramdam ako ng malakas na puwersa mula doon..' pahayag ni 4th

'ah...hehehehe... Wag mo nalang syang pansinin minsan kasi nagaasalita sya mag isa ...hahahaha' pahayag ni ember

'hahaha.. pag masyadong dilikado na dito lang kayo sa likod ko.. ipag tanggol ko kayo laban sa mga halimaw at kung anong nilalang payan...pahayag ng kawal habang nauutal-utal

'ah... Mukang nanginginig ang tuhod ninyo, sa takot... Sagot ni ember

'wala ito masyado na siguro tayong maraming nalakad pagod na ang tuhod ko...

'hahahahahaha... Tawang tawa si 4th sa pahayag ng kawal

Nalalapit na sila sa lugar ng pinag kukunan ng fragments of star,

'ayon doon makukuha ang ang fragments of star hahahaha... Salamat at nakarating din tayo.. sabi ng kawal

'ang ganda naman at kumikinang, maaari ba itong maibenta sa bayan..?? Tanong ni ember

'oo naman sa katunayan binibili ng hari ang piraso ng fragments of star sa malaking halaga, dahil ginagawa itong sandata at kalasag na ginagamit namin laban sa mga halimaw..sagot ng kawal

Habang abala sila sa pagkuha ng mahiwagang bato nakikiramdam sa malayo si 4th, pina pakiramdaman niya ang aura na biglang nawala..

'4th anong iniisp mo, may problem ba..??hindi ba ito ang hinahanap mo na mahiwagang bato...?? tanong ni ember

'wala ito, mukang magaganda nga ito, kukuha narin ako.. hahaha..sagot ni 4th na may pag aalinlangan.

'madami na kong nakuha..puwede na siguro ito, tayo na mga bata.. bumalik na tayo sa castilyo..' pahayag ng kawal

Nagulat sila ng biglang nag dilim ang paligid isang Dark aura ang biglang lumabas sa di-kalayuan, dahan-dahang nag lalakad ang isang

Nilalang na nababalot ng Dark aura...

'tayo na umalis na tayo dito nakakatakot ang itim na mahika na bumabalot sa kanya...' Mungkahi ng kawal

'wag kanggagalaw, kahit mag salita .... Ako na ang makikipag laban sakanya... Sagot ni 4th

'mag tiwala ka sakanya malakas si 4th, ngiting sagot ni ember sa kawal

'ikaw jan, mukang malakas ang tinataglay mong kapangyarihan, anong pangalan mo...? Tanong ni ember

Biglang umatake ang nilalang patungo kay 4th, malakas na paghampas ng sanda nito kay 4th na ikinasanhi ng pag talsik niya..

('mabilis din sya.. kung hindi ko kagad nakita ang atake nya malamang na puruhan nya ako,' )

Inilabas ni 4th ang kanyang sandata na LIGHT BLADES na ipinagtaka ng kawal sa unang pagkakataon ngayon lang siya nakakita ng ganong sandata,

'saan galing ang sandata nayon,..?? Hindi ko nakitang may dala sya kanina .?? Tanong ng kawal

'yan ang kapangyarihan ni 4th ginamit niya yan noong unang pag kikita namin.. sagot ni ember

Gulat na gulat ang kawal sa nakikita niya na laban, halos parang magkasing lakas lang sila walang katumbas na bilis ang pinamamalas ng dalawang mandirigma.

'bata lang sya pero may ganyan na syang lakas para lumaban sa mga halaimaw, anong klasing tao ba sya...' Takang tanong ng kawal

'hindi rin ako sigurado, pero isa lang ang masasabi ko mabuting tao si 4th at hindi niya hahayaan na mapahamak tayo..' sagot ni ember

('bakit nahihirapan ako sa isang ito, san ba sya galing, may pakiramdam akong mag ugnayan kami, pero bakit hindi sya nag sasalita...')

Malalakas na atake ang pinakawan ng kalaban, sinasalag ni 4th , ang lahat ng puwersa naiyon ng kalaban dahil narin inaalam niya ang kahinaan nito, ngunit hindi niya ito makita.. naiinis na muka ni 4th...

'nahihirapan nayata ang kaibigan mo sa laban, kaylangan nating tulungan si 4th...' mungkahi ng kawal

'wala tayung magagawa, ang lalakas nila mapapahamak lang tayo.. 'sagot ni ember

'kung ganon tumakas na tayo, mas matubi pa siguro un, upang maiwasan narin na maging pabigat pa tayo sa kanya..'

Habang tumatagal ang laban nakakaramdam na ng pagod si 4th na ngayon lang niya naranasan..

('bakit parang bumabagal ako at napapagod na ko.,, ung halimaw n yan.. parang hindi siya nanghihina, wala ba syang kahinaan.??')

Takang-taka si 4th sa lahat ng kanyang nakikita, walang humpay ang pag-atake ng kalaban nag pakawala ito ng malakas ng pampas sa lupa na ikinayanig ng buong kabundukan, gumohu ang dinaraanan nila ember na ikinagulat ni 4th...

Nag kalat ang alikabok sa paligid at kasabay noto ang pag bitak ng lupa....Mabilis na pinuntahan ni 4th ang kinaruruonan ni ember...,

Nagulat sya sa nakita niya duguan ang buong katawan ni ember dahil nabagsakan ito ng malalaking bato mula sa bundok..,,

'ember... Ember... Tulungan mo sya... Pagalingin mo sya... Sigaw ni 4th na lumuha habang akay akay ang walang malay na kaibigan...

'hindi ko sya kayang pagalingin, ang mga halamanggamot na dala ko'y walang kakayahan magpagaling ng malulunbhang sugat... Sagot ng kawal...

'bakit.....!!!!! Bakit ....!!!! Hindi ko nagawang iligtas ang kanyang ina... Ngayon pati sya mawawala rin... Wala akong kuwenta.....,!!!! ni hindi ko mailigtas ang kaibigan ko....??? Luluhang sigaw ni 4th.

Napuno ng kalungkutan ang puso ni 4th sa pagkawala ng kanyang kaibigan.. nawalan na sya ng gana makipag laban... Ang kanyang sandata at unti-unting nag lalahol kasabay ng pag buhos ng kanyang luha....

Nakita ito ng halimaw at nag liwanag ang katawan nito ng kulay ginto... Sumabog ang katawan nito sa paligid nawa ang maitim na itim na aura...

Nag tataka si 4th sa nakita, alam niyang katapusan na nila ng oras na iyon ngunit isang pangyayri na hindi batid ng bata, lumabas ang tunay na anyo ng halimaw.. isang babaeng mandirig ang nag pakita sa kanila...

VIGRO - LOVE & HEALING

Isang nilalang ang lumapit sakanya, isang malakas na puwersa ang muling naramdaman ni 4th, ngunit hindi sya lumaban mas gugustuhin nalang niyang masawi kasama ang kanyang kaibigan.

'wag kang magalala o matakot nandito ako para gamutin sya... Ilapit mo sya sakin.. ako si VIRGO isa sa mga 12 ZODIAC ng iyong ama..' pahayag niya..

Walang masabi si 4th kundi pag papasalamat sa anghel na kanyang kausap.

'napatunayan mo sakin na karapat-dapat kang mag taglay ng aking kapangyarihan dahil sa iyong pinamalas na pagmamahal sa iyong kaibigan, mula ngayon kasama mo na ako saiyong paglalakbay at kakaharaping mga laban tawagin mo lang ang aking panganlan at akoy tutugon saiyong tinig...' sabi ni virgo

Nag liwanag ang anghel at lumiit ito na parang isang bituin at pumasok sa katawan ni 4th...

Ang lahat ng sugat ni ember ay mabilis na gulamaling, ngunit wala parin syang malay ..

'mabuti at maayos na sya, hindi ko akalain na isa palang anghel ang nakalaban mo bata, malakas ka at mapagmahal..' ngiting sabi ng kawal

'maaari bang wag munalang ipagsabi ang lahat ang iyong nakita sa gabing ito..'pakiusap ni 4th sa kawal

'oo.. magtiwala ka sakin wala akong ipag sasabi kahit kanino...' sagot ng kawal

'mabuti kung ganon.. maari na siguro tayong bumalik sa castilyo...

'sandali nakikita mo ba yun.... May malaking apoy sa castilyo.... Nasusunog ang mga bayan..'sigaw ng kawal..

Isang apoy ang kanilang nakita mula sa kanilang kinatatauan. Malaking kaguluhan ang kanyang kakaharapin pag katapos niyang kalabanin ang anghel na si virgo, makakarating kaya ang batang si 4th sa castilyo bago mahuli ang lahat...?

To be continued...