Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Latina Girl

🇵🇭chubbyliscioussss
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
298
Views
Synopsis
"Di ko ineexpect na maiinlove ako sa isang latina, akala ko dudugo lang ang ilong ko dahil sa kakaiba nitong accent sa pagsasalita" Tristan Delos Santos is a pediatrician at mahaba ang pasensya pagdating sa bata pero kung gaano mahaba ang pasensya nito sa bata, kabaliktaran naman ito dahil sa makilala niya ang isang latina na si Colleen Hoover na kapatid ng kaibigan nito. Dudugo ba ang ilong niya dahil sa accent ng dalaga o mainlove siya bigla rito
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

"Bumalik na lang po kayo next week for follow up check up ni baby" saad ko sa nanay ng aking pasyente.

"Sige po doc maraming salamat po" ngumiti ako at tumango saka tumayo kasama ang anak niya.

"Babye baby maging good girl ka ah" pagkausap ko sa bata at humagikgik naman ito.

"Naku tuwang-tuwa po sa inyo ang baby ko pero kapag sa ibang doctor naman po ayaw niyang ngumingiti lagi siyang umiiyak" natawa na lamang ako ng mahina.

"Ganun po talaga kapag gwapo noh" pagbaby talk ko kay baby at mas lalo itong humahagikgik ng tawa.

"Sige na babye ka na kay Doc Tristan" kinuha naman ng nanay ni baby ang kamay nito at minuwestra ang kamay nito para magbabye.

"See you next week baby girl" saka sila lumabas ng clinic ko. Bumalik naman ako sa upuan at biglang tumunog ang cellphone ko saka ko ito sinagot.

"Oh ba't napatawag ka?" bungad na tanong ko.

"Wow grabe wala bang good morning bro bakit ka napatawag" maktol niya.

"Alam mo naman oras ng trabaho ko tumatawag ka" singhal ko rito.

"Sorry naman" saad niya.

"Sagutin mo muna yung tanong ko"

"Well are you free mamaya treat daw ni Charles" kumunot naman ang noo ko.

"Oh anong nakain nun at naisipan niyang manlibre?" tanong ko.

"Bro, nagtitingin ka pa ba sa cellphone mo?" kumunot bigla ang noo ko sa tanong niya.

"Hindi, alam mo naman busy ako sa clinic tapos sa hospital" sagot ko.

"Bro, pumasa si Charles sa board exam"

"Talaga?"

"Oo naman kaya nga ako tumawag sayo" saad niya.

"O sige send mo na lang sa akin anong address nung bar" nagpaalam na ako at saka ko binaba yung tawag.

"Doc may nagpaappointment pong pasyente kakatawag lang" tumango ako.

"Anyway, can you find the results of the Engineer Licensure Exam" tumango naman ito.

"Sige po Doc" lumabas na agad ito at sumandal ako sa swivel chair.

'Masyado na ata akong busy kaya wala na rin akong nalalaman tungkol sa nangyayari sa kanila'

**

"Akala ko wala ka nang time magcelebrate" ngumisi lang ako.

"Syempre libre mo" sumimangot naman ito sa akin.

"Tss! Laki ng sahod mo dapat ikaw magpapalibre sa amin, di ba?

"Pero sino ba pumasa sa board exam ako ba?" sabay inom ng liquor.

"Alam mo naman bro ang reason ni Tristan kung bakit nilulunod ang sarili niya sa trabaho" natahimik naman silang lahat sa sinabi ni Pablo.

"Oppss" sabay inom sa alak niya.

"Bro, alam ko naman nasaktan ka pero wag mo naman patayin yung sarili mo sa trabaho. Minsan nga tumatawag sa akin si Tita at tinatanong kung bakit madalas ka na lang gabi umuuwi dahil sa pagkakaalam niya ay hanggang 5 pm lang yung clinic mo. Di ko naman masabi yung dahilan kung bakit mo nilulunod yung sarili sa trabaho" paliwanag ni Charles.

"Pasensya na Charles di ko pa kasi nasasabi kay Mama tungkol sa panloloko ni Diane sa akin"

"Hayaan niyo munang magemote si Tristan palibhasa kasi nireject ka ng nililigawan mo" sumimangot naman si Charles.

"Sino ba yun?" tanong ko.

"Yung nakasabay niya sa pagkuha ng board exam tapos bigla niyang niligawan pero yung babae sinabi sa kanya na sinagot na niya yung manliligaw nung babae kaya ayun nareject" tawang-tawa naman sila sa pang-aasar ni Pablo kay Charles. May tumawag sa phone ko.

"Gianna" natahimik naman sila sabay tingin kay Charles at sinamaan lang sila ng tingin nito.

"Nasaan ka?" tanong niya.

"Nandito sa bar nagcelebrate kami sa pagpasa ni Charles sa board exam" sagot ko.

"Ahh ganun ba iimbitahan sana kita rito sa bahay para kumain dahil birthday ni Papa at sunduin si Mang Tootsie" kumunot ang noo ko.

"Oh, ano naman ginawa ni Papa dyan?" tanong ko.

"Knockout kaya tinawag ko muna yung mga pinsan ko para ihatid yung papa mo sa inyo" sagot niya.

"Sige gising pa naman si Trixia na ganitong oras. Pasensya na sa istorbo"

"Wala yun sige magenjoy ka na dyan kaysa naman lunurin yung sarili mo sa trabaho"

"Pshh parehas kayo ni Charles" tumingin ako kay Charles na nakatuon sa cellphone at ngumisi sa kanya ng palihim.

'Tingnan natin kapag may pumoporma na kay Gianna sigurado ako na ikaw ang maghahabol sa kanya'

"Sige na salamat Gia" binaba ko ang tawag.

"Oh mukhang may happy-happy na nagaganap doon kina Gianna ah" singit ni Pablo.

"Oo birthday ng papa niya kaya inaaya akong pumunta doon kasi sina Mama pumunta na daw kaninang hapon lang nagpaiwan si Papa kaya lang ayun knockout sa kalasingan" kwento ko.

"Oo nga pala saan ba nagtuturo si Gianna?" tanong ni Kurt.

"Sa Dimasilang Elementary School, ang hawak niya ngayon ay grade 3" sagot ko.

"Wait lang mga bro sasagutin ko lang yung tawag" tumayo naman si Charles at patuloy pa kami nag-iinuman.

**

"Hala kuya nakainom ka rin?" sumalubong sa akin si Trixia at inalalayan niya ako at humiga sa sofa.

"Si Papa saan siya natulog?" tanong ko. Ngumuso ito at bigla nawalan ang kalasingan ko dahil nasa labas si Papa ng kwarto nila natutulog.

"Nabwisit si Mama kaya ayun pinalabas niya at hinayaan na lang diyan matulog pero siyempre may konsensya naman ako kay Papa kaya kukuha ako ng sapin at una kaya ikaw kuya pumasok ka na sa kwarto mo, maligo ka para naman di ka sermonan ni Mama bukas" tumango na lang ako sa sermon ng kapatid ko.

"Siya nga pala kuya, kung may problema ka pwede mo naman sabihin sa amin para naman may maadvice kami sayo. Nag-alala na kasi si Mama sayo kuya" ngumiti ako sa kanya.

"Pasensya na bunso kung pinag-alala ko pa kayo wag kayong mag-alala okay lang ako" nagpaalam na ako sa kanya at umakyat na sa taas para maligo at matulog na.