Chereads / My Latina Girl / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Tristan POV

3 years later.....

"Good morning po Doc magrounds na po kayo?" tumango ako.

"Kapag may tumawag pakisabi na bukas pa lang ako papasok sa clinic"

"Sige po Doc" umalis na ito para bumalik sa kanyang trabaho.

Nagtatrabaho si Lara rito as staff nurse kapag Friday and Saturday, day-off naman niya kapag linggo. Ako naman ay ganun din pero may times na di ako nakakapasok sa clinic dahil may mga pasyente ako na dinadala rito sa hospital at kailangan kong puntahan dahil ako ang kanilang pediatrician. Almost 5 years na ako sa trabaho ko at 32 years na ako. Lagpas kalendaryo na yung edad ko pero wala pa akong plano para mag-asawa dahil na rin sa nangyari sa akin 3 years ago.

Nalaman na rin ni Mama ang tungkol sa panloloko sa akin ni Diane at sa kanya ko lang binuhos ang luha ko na matagal ko nang kinikimkim. Hinayaan niya lang ako na umiyak sa kanya pero sa totoo lang ay nakakahiya yun bilang isang lalaki pero sa kanya ko lang yun pinapakita.

"Good morning po Doc Tristan eto na po yung mga chart" kinuha ko ang chart at isa-isa ko itong tiningnan.

"May isa pong batang pasyente na pilit tinatanggal yung IV line niya kaya po ginawa na lang namin is pinalagay na lang po ng diaper yung kamay niya para po di na matanggal pa" saad ng isa sa mga staff nurse dito sa Pedia Ward.

"Okay that's good" pagkatapos kong tingnan ang bawat chart ay saka kami umalis na papunta sa mga room ng pasyente.

**

"Sige po Ma dadaan ako kina Aling Isme" binaba ko na ang tawag saka ako pumunta sa parking lot para kunin ang kotse at umuwi na. Pagkapasok ko ay saka may tumawag ulit at si Charles yun.

"Bro, napatawag ka?"

"Bro, ikinasal na si Saimon" bungad ni Charles. Biglang kumunot ang noo ko.

"Huh? Sino naman malas-- I mean maswerteng babae ang nakatuluyan nun?" tanong ko.

"Edi si Farrah" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Charles.

"Si Farrah yung pinsan ni Kurt?" tanong ko.

"Oo bro siya nga"

"Paano nangyari yun?"

"Kwento ko sayo bukas dahil pupunta tayo sa bahay niya and daanan mo ako dito sa company ko" bigla naman kumunot ang noo ko sa pinagsasabi nito.

"At bakit naman"

"Nasa casa yung kotse ko nasira yung bumper kaya makikisabay ako sayo bukas" paliwanag niya.

"Ano naman nangyari sa kotse mo at nasira yung bumper?" Tanong ko.

"Wala ka na dun, fetch me up tomorrow bye" sabay patay ng phone niya.

"Tss! Kayaman-yaman mo di ka bumili ng bagong kotse" kilala na kasi si Charles dito sa Pilipinas bilang youngest famous sa linya ng mga engineering and million ang pumapasok sa kumpanya niya buwan-buwan. At ako ay isang simple pediatrician lang at di na nangangarap maging isang pinakamayaman na doctor dito sa Pilipinas.

**

"Oo nga pala nabalitaan ko na ikinasal na pala si Farrah ah" bungad ni Gianna.

"Oo tumawag si Charles sa akin at binalita. Di ko nga alam kung paano nangyari yun dahil ang alam natin ay ayaw niya kay Farrah dahil mas bata ito sa kanya" saad ko.

"Di natin alam kung ano tumatakbo sa isip ni Saimon pero sana naman wag niyang saktan si Farrah baka biglang magwala si Kurt alam mo naman parang kapatid na niya turing doon sa pinsan niya" aniya at nilagay na ang binibili kong ulam sa plastik.

"Oo nga pala tinanggap mo na ba yung offer doon sa St. Joseph Montessori?" tanong ko.

"Oo kaya nga may pa-despedida yung mga co-teacher ko" sabi niya.

"Ganun ba" kinuha ko na ang plastik saka nagbayad na kay Gianna.

"Mauuna na ako" tumango siya at pumunta na ako sa kotse para sumakay at umalis na.

"Kuya mabuti naman nandito ka na" salubong sa akin ni Trixia.

"Oh pinabili ni Mama na ulam" tiningnan niya ito.

"Di ba siya nakapagluto?" tanong ko.

"Naubusan tayo ng karga ng gasul tapos naubusan pa ng tangke ng gas si Mang Cardo kaya bukas pa lang magpapakarga sina Mama at Papa doon sa mismong pakargahan ng gasul" paliwanag ni Trixia.

"Saan naman nagluluto ng kanin?" ngumuso ito at nakita ko na nakasalang na yung rice cooker.

"Si Mama nasaan?"

"Naliligo, si Papa bumalik sa talyer dahil nandun daw yung kumpare niya. Wish na lang natin na di sila mag-iinuman doon dahil panigurado pagkagising natin nasa pintuan na naman si Papa ay doon na pinatulog. Alam mo naman si Mama ayaw niya may naaamoy siyang alak sa katawan" aniya at nilagay na niya ang ulam na binili ko sa isang lalagyan.

"Oo nga pala kuya nakita ko yung higad mong ex sa mall dahil may binili kaming gamit for project" napatigil ako sa pag-inom at napatingin ako kay Trixia.

"Tss! Gumagastos ng pera na di sa kanya. Ibang klase" sabay baba ng baso sa lababo.

"Katukin mo na lang ako kapag kakain na" tumango ito at umakyat na ako sa taas.

'Di dapat ako magpaapekto dahil matagal ko nang kinalimutan ang babaeng nagpawasak sa puso ko'

**

"Huh? Arrange Marriage?" tumango si Charles.

"Di ba hate niya yun?" tanong ko.

"I don't know di naman natin hawak yung isip ni Saimon" aniya.

"Kaya nga pupunta tayo doon dahil interrogate natin si Saimon" dugtong pa niyang tugon.

"Tara na baka matraffic pa tayo" saka kami sumakay at sumibat na papunta sa bahay ni Saimon.

"Di ko alam na pupunta kayo rito" saad ni Farrah.

"Di naman din niya alam na pupunta rin kami" sabat ni Pablo.

"Sige pababa naman na siya" tumango kami at umalis na ito para pumunta sa kusina.

"Why did suddenly end up here?" bungad na tanong ni Saimon.

"Wala lang may nagbalita sa amin na ikinasal ka na di mo man lang sinabi sa amin" pagtatampo ni Paolo.

"Alam ko na kung sino nagsabi sa inyo si Kurt ba?"

"Di ako kasali dyan alam mo naman busy ako sa hospital sinabi lang sa akin ni Charles" tanggi ko.

"I know, di ka naman kasing tsismoso nila Pablo at Kurt" sumimangot naman si Pablo.

"Same here sinabi lang sa akin ni Pablo kaya sinabi ko lang din kay Tristan" saad ni Charles.

Bumuntong siya ng hininga

"I'm sorry madalian kasi yung kasal at isa pa family members lang yung kasama namin. Alam niyo naman si Kurt ay pinsan ng asawa ko" paliwanag ni Saimon.

"It's okay bro pero ikinakataka namin bakit pumayag sa arrange marriage dahil sa pagkakaalam namin ay ayaw mo sa ganun" saad ko. Natahimik naman siya.

"Well.... ahhmm" biglang may tumawag sa cellphone nito.

"I take this call" tumayo ito at umalis na. Pumunta naman si Farrah na may dalang meryenda para sa amin.

"Psst! Anong dahilan kung bakit pumayag yun sa arrange marriage?" arangkada ni Pablo.

"Di ko alam rin kahit nga si Kuya Kurt nagulat siya sa desisyon ni Kuya Saimon"

"May ginawa ka ba kaya yun pumayag?" Umiling siya.

"Wala, at isa pa balak ko na sanang sagutin yung manliligaw ko dahil wala naman akong pag-asa sa kanya pero nagkaroon ng family dinner yung pamilya ko at pamilya niya tapos sinabi nila na i-arrange marriage nila kami" paliwanag ni Farrah.

"Feeling ko alam ko na yung rason ni Saimon" tumingin kami kay Pablo.

"Pero Farrah pwede mo naman i-under si Saimon para naman makaganti ka sa pagsusungit niya sayo" sinaway ko naman ito dahil sa pinagsasabi niya kay Farrah.

"Naku pasensya mo na itong si Pablo di na naman kasi nakainom ng gamot niya na anti-daldal at anti-chismoso" bwelta ni Charles kay Pablo.

"Gago! Ikaw nga para kang timang na stalker kulang na lang pumasok ka bilang guro o student sa pinagtatrabuhan ni Gia" napalingon ako kay Pablo.

"Oo, totoo Tristan may time na wala siya sa kumpanya niya at yung secretary lang niya ang umaattend sa meetings niya at busy sa kababantay kay Gia" binusalan naman ni Charles ng tinapay ang bibig ni Pablo.

"Ang daldal mo"

"Kaya pala nasira yung bumper ng sasakyan mo" biro ko.

"Isa ka pa" uminom na lang ako ng juice at pinapanood ang pagbabangayan nila Charles at Pablo. Di pala niya alam na lilipat na ng school si Gianna para doon magturo.

**

"Naku pasensya na kayo sa dalawa" natawa na lamang si Farrah at sinamaan ni Saimon ng tingin ang dalawa.

"Oo ang iingay nila" tipid niyang sagot.

"Kung nandito pa si Kuya Kurt malamang mas iingay pa yung bahay" saad ni Farrah.

"Teka lang sasagutin ko lang ito" saad ni Charles.

"What? Okay, ipapalinis ko yung kwarto" sabay baba ng tawag.

"May problem ba?" tanong ko.

"Wala naman uuwi lang yung mestiza kong kapatid" kumunot ang noo namin.

"Mestiza?" tumango ito.

"Half-American-Half-Filipino siya alam niyo naman na nag-asawa ulit si Mommy after namatay si Daddy kaya ayun may mestiza akong kapatid. Nakatira sila ngayon sa London dahil nandun ang negosyo nila. Uuwi siya next week pero may hiling sana ako"

"Ano yun?"

"Habaan niyo sana yung pasensya niyo" mas lalo kaming nalito sa sinabi ni Charles.

"At bakit naman?" tanong ni Pablo.

"Basta, malalaman niyo rin next week. Tara na Tristan kain muna tayo sa kariderya ni Aling Isme" sinamaan ko ito ng tingin.

"Ihahatid kita sa inyo alam ko style mo Charles" sabay sakay sa kotse ko.

"Sabi ko nga" saka ko ito pinaandar at nagpaalam na kami sa kanila.

**

"Kuya, pupunta yung mga kaklase ko sa sabado gagawa kami ng project"

"Sure basta after niyong gumawa maglinis kayo baka diwaraan ka na naman ni Mama alam mo naman yun hate niya yung maduming paligid" saad ko.

"Okay sure kuya" sabay pasok sa kusina para kunin ang mga ulam.

"Siya nga pala anak kailan ba simula ni Gia sa pagtuturo sa St. Joseph Montessori?" tanong ni Mama.

"Sa pagkakaalam ko sa lunes pa po" sagot ko.

"Kamusta ka naman ngayon?"

"Eto po kagagaling lang namin kina Saimon"

"Kuya, totoo ba na kinasal na si Ate Farrah?" Tumango ako.

"Saan mo nalaman anak?"

"Kay Faith po" kapatid ni Farrah si Faith kaya malabong makwento niya ang tungkol sa pagpapakasal ng ate niya kay Trixia dahil magkaibigan ang mga ito.

"Pero nagtataka daw sila kung bakit pumayag si Kuya Saimon sabi kasi nila ayaw niya sa ganun set up" napatingin naman sa akin si Mama at Papa.

"Di ko rin alam nagulat lang din ako sa kinuwento ni Charles" sabay subo.

"Oo nga pala di ka nga pala kasing tsismoso nila kuya Pablo, kuya Charles at kuya Kurt" aniya saka kumuha ng pagkain at ulam.

"Oo nga pala may clinic ka bukas anak?" tanong ni Papa.

"Opo, bakit po?"

"Ipapacheck up lang ni Rosita yung apo niya at di daw mawala yung pananakit ng tiyan halos wala pang tulog yung anak niya kaya nirekomenda ko na pumunta lamang siya sayo para ipatingin bukas" sagot ni Papa.

"Sige po pero dito niyo na po sila papuntahin para naman po di na sila pumila pa bukas, may mga pasyente rin kasi ako na nagpaappointment kahapon kaya para di naman unfair sa kanila ay dito na lang po sa bahay" saad ko.

May mga gamit naman ako rito dahil may times din na pumupunta ang mga kamag-anak namin na may chikiting at dito nila pinapacheck up pero di naman sila abusado katulad ng iba dahil kapag wala naman ako rito ay kusa na silang pumunta sa clinic ko or ipinaparekomend ko sila sa ibang pediatrician kapag marami akong pasyente sa hospital na kailangan ko pagtuunan.

"Okay sige sasabihin ko bukas paglabas ko" tumango na lang ako kay Papa at pinagpatuloy ang pagkain.

**

"Okay sige papunta na rin ako dyan" pagkababa ko ng tawag ay saka pa lang ako pumunta sa pedia ward para tingnan ang kalagayan ng pasyente ko na mismong kapitbahay namin. Nagising ako ng madaling araw dahil sa tawag ni Lara na mismong staff nurse ng hospital ay tinawagan siya kaya dali-dali akong pumunta sa hospital. Inaapoy ng lagnat ang bata at panay daing ang pananakit nito sa tiyan. Based on her assessment data ay may Gastroenteritis ang bata na sinabayan ng dehydration kaya kinabit agad nila ito ng swero.

"Under observation ang mangyayari sa pasyente and please call me or si Lara kapag may nangyari di maganda sa pasyente" tumango naman sila at saka ako nagpaalam na.

Tinawagan ko muna si Lara.

"Lara, magbukas ka na ng clinic uuwi lang ako sa bahay namin para maligo at kumain" sabay baba ng tawag at saka ako pumunta sa parking lot para kunin ang kotse ko at umuwi na.