Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

MCS

🇵🇭mikkieugenio
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
25
Views
Synopsis
The mall rat and the mall heir crossed paths in Manila's weirdest mall - what can go wrong? Ito ang kwento ni Cas at Jigo. Shopaholic x anak ng bilyonaryo. Sundan ang kanilang buhay at laban para sa kanilang ultimate safe space, ang MCS.
VIEW MORE

Chapter 1 - 1.1 Theater

Cas

"Hey, you're free, right?"

Nagulat ako sa pagsigaw ng lalaking nakaupo sa bean bag katapat ko. Matangkad, mga 6 feet above, short hair, may manipis at bilog na salamin, may hikaw. Mga sampu mahigit siguro yung nakalatag na bean bag pero kaming dalawa lang ang nakatambay doon.

Sabado noon, lagpas tanghali na siguro. Nakatambay lang ako after magikot-ikot dito sa mall kahit wala naman akong planong bilhin. Mukhang luma na itong activity area sa second floor, para bang na-stuck iyon sa late 70s or 80s. Wala man lang skylight para pumasok ang sikat ng araw. Naka-sindi yung yellow christmas light nila kahit hindi Pasko, tapos warm white pa ang mga ilaw sa kisame kaya mukhang malungkot ang paligid. Pero di mo mararamdaman yun sa ingay ng mga tao. Masyado akong busy mag-doomscrolling at makipag-chat sa social media, nakalimutan ko nang may ibang tao pala dito.

Tumingin ako pabalik sa lalaki. Sinadya kong sumimangot para makita niyang naiistorbo niya ako. Anong trip niya sa buhay at bigla niya akong napag-disketahan? Tahimik lang ako, hinihintay na sabihin niya intensyon niya.

Dumukot siya sa ng papel mula sa bulsa niya, sabay wasiwas noon sa hangin. "I have free tickets here for today's dance contest. You're bored, right?"

Kinaway ko ang kamay ko para sabihing di ako interesado sa offer niya.

"Ow, c'mon, this is free. Promise. No strings attached." Tumayo siya mula sa bean bag, saka umupo sa tabi ko. "We just need people to hype the dancers."

"Hindi ako dancer, sorry."

"Please?"

"Wala ka bang ibang mabibigyan niyan?" Mukhang wala, dahil kami pa rin ang tao sa activity area.

"Pretty please?" Ang kulit nito, diyos ko. "It'll be fun. Promise!"

Okay fine. Wala naman akong ginagawa anyway. Hindi naman siya mukhang holdaper or masamang tao. Mukha naman siyang disente sa suot niyang hoodie at designer sneakers. Inabot niya sa akin ang ticket, saka tumayo at tinuro ang theater sa likod naming dalawa.

TIU Theater ang nakasulat sa tarpaulin sa labas. Halatang di pa pinapalitan ang pinto nito, nanilaw na ang bakal at salamin na para bang panahon pa 'to ni Ferdinand Marcos. May mesa sa labas kung saan nagpapa-register para sa event; sa tabi niya ay isang pop-up coffee shop. Php 120 daw ang isa.

"Hey, Jigo...may bago ka na namang punterya diyan?" Bati sa amin ng tattoed na lalaki na bantay sa booth. Medyo maluwag ang suot niya katulad ng mga hiphop dancer.

Humalakhak naman siya. "I'd love to, but no!" Halata ang aliw sa mukha ko habang nakikita silang nag-uusap. Jigo pala pangalan niya. Kaso nakalimutan niyang tanungin sino ako.

Tinuro niya sa akin ang registration sheet; isulat ko daw pangalan ko.

"Casper, huh." Kumpirma niya habang pinagmamasdan akong magsulat sa sheet. "Nice meeting you, Cas. Nice handwriting you got there."

"Uh...thanks." Kabado kong sagot.

"Don't bother with the stage name, you're not dancing anyway." Sinunod ko naman siya at iniwang blank yung part na iyon. Bumalik siya sa registration nung nakita niyang tapos na ako. "I'm taking care of him."

"Hoy, yung bayad mo!" Sita naman sa kanya ng isa pang tattooed na babae sa registration area. Kulot siya at pa-sexy ang outfit katulad ng mga starlet ng Vivamax. Hinugot ni Jigo yung natirang ticket sa bulsa niya, sabay utos sa akin na i-abot ko din ang ticket ko sa babae. "We're quits na, ah! Okay?"

"Yeah! Thanks, man!"

Todo ang lamig sa loob pagpasok namin. Madilim ang daan sa bungad ng theater hanggang sa nakarating kami sa mismong stage area. Mga wala pa atang trenta ang nakaupo, habang may isang grupo na nagprapraktis sa stage. Agaw-pansin na lahat sila nakasuot ng polo at slacks at sumbrero na parang mga R&B singer. Yung projector sa background ang clue - Kaleidoscope dance festival daw ito. Pero parang hindi pa sila nagsisimula.

"That's called locking..." Napansin ni Jigo na curious ako sa nakikita ko. "Actually, it's the audition day today. The finals won't be until tomorrow."

"Is that the reason kaya ka naghahatak ng tao sa labas?" Naghihinala pa rin ako sa intensyon niya.

"We can survive without an audience, but why not? I have tickets anyway." Rational niyang sagot. Kung makangiti naman 'to, lakas makapagpa-kaba. "Hey, you had lunch?"

"Yeah."

"Gusto mo coffee?" Taray, marunong pala siya mag-Tagalog. Nakainom na ako ng Cobra pero parang gusto ko pa ng konting sipa.

"Libre mo?"

"Of course! That's why I asked." May pambili naman ako, no. "Sige, anong flavor gusto mo?"

"No idea. Di ako mahilig sa Starbucks."

"Okay, I'll choose for you. Just sit tight, okay."

Nagsisi ako na manipis na t-shirt at short lang ang suot ko dahil malamig pa rin sa loob. Todo pa rin sa sayaw yung mga dancer sa stage. Wala ako naintindihan sa ginagawa nila, sa totoo lang. Ang alam ko lang, may timer sila at isa-isang tinatawag para sumayaw. Ako lang mag-isa sa gitna ng isang row ng upuan, habang yung ibang nakaupo parang di ako pansin. O sadyang di ako pinapansin, nagtataka ano bang ginagawa ko dito.

"Sorry for the wait, here's your coffee." To my surprise, hot coffee ang dinala niya sa akin. Cold coffee naman hawak ng kabilang kamay niya. "It's Red Velvet Latte. I asked the barista outside to make one for you."

"Thank you." Pero natakot ako ng kaunti, baka may halong droga na pala yung kape. Tinabi ko muna iyon sa cup holder sa tabi ko, habang siya naman sumipsip na agad sa hawak niyang kape gamit ang paper straw.

"You're not drinking that yet?"

"I'm good."

"I know you're anxious. Don't worry, it's clean." Nahalata niya siguro ang takot ko. "If you end up drugged, the police surely knows me."

Knows him? Gaano ba siya ka-sikat na parang kilala siya ng lahat ng nandito? Ininom ko yung kape at buti na lang may tira pa siyang init. In fairness, masarap.

"If you didn't notice, the barista wasn't supposed to sell hot coffee."

"Paano ka nakakuha nito?" Pagtataka ko.

"I asked them hot. Kasi I noticed you're freezing cold." Tinanggal naman niya ang suot niyang hoodie, sabay alok sa akin na i-suot ko daw. "Please, use this if the coffee doesn't work. I'll also change the thermostat if you like."

Ganun siya ka-powerful alam niya saan control ng aircon?

"Okay lang ako, thank you." Tumalab naman yung kape kaya medyo mainit na ang pakiramdam ko. Binalik ko nga yung hoodie sa kanya. Sanay naman ako sa malamig.

Tahimik lang kami habang nanunuod ng mga audition. Wala rin namang interesting 'pag di mo kilala mga nasa stage. Kahit si Jigo, parang wala lang sa kanya yung event - uupo siyang naka-stretch ang mga binti, hihiyaw. Tatayo, lalabas, papasok ulit. Minsan sasabihan niya ako anong dance category na ang nagaganap. Minsan may babati sa kanya tapos magchi-chikahan sila at magtatawanan, aalis, tapos babalik ulit. Bakit pa niya ako dinala dito in the first place?

Kahit bored ako, di ko namalayang halos alas-sais na pala. Kailangan ko na palang umuwi. Tumayo ako at nagplanong umalis, hanggang sa nakita ako ni Jigo at hinarangan ang pinto gamit ang kamay at braso niya.

"Wait! We're almost done. Tara, let's go backstage." 

Wala man lang warning nung hinablot niya ang pulso ko, sabay takbo namin sa likod ng stage. Sa loob, may ilang dancer nang naghihintay para sa audition nila. Mga isang dosena siguro. Tinawag sila nung parang floor director para lumabas ng stage, habang nagsisi-babaan ang mga nakaupong audience at ibang dancer para umakyat din sa stage.

"They'll gonna hype the dancers. Just stay there and watch."

Dumami na ang mga nakapa-ikot sa stage. Nasa likod nila ako para di ako mahalata. Iyon pala, breakdance na ang nakasalang sa audition. Pang-huling category na daw. Isa-isang pumunta sa gitna ng stage ang mga nag-a-audition...at pati si Jigo, kasama?

May timer na lumabas sa likod. 45 minutes daw. Pero parang nagkakahiyaan yung mga dancer na sumayaw sa gitna. Jigo stepped in at bumanat bigla ng dance moves.

Jigo! Jigo! Jigo! Hiyawan ang ibang dancer at mga audience na nakiki-hype sa moves niya. Aliw naman yung tatlong nakaupo sa front row ng stage na para bang mga judge. Hilong-hilo naman ako habang sinisilip siyang patalon-talon at paikot-ikot ng binti't paa niya na parang gymnast. Hindi natigil ang ingay sa paligid hanggang sa may lumapit na ibang dancer sa gitna ng stage at pinalitan siya.

One hour later...lumabas ang pangalan ng Top 16 sa audition pero di nakalista si Jigo doon. Magaling naman siya sumayaw ah, pagtataka ko.

"I told them to disqualify me." Rason niya, katabi ako sa upuan habang nagse-celebrate ang ibang mga dancer sa paligid namin. Bukas daw ang grand finals at ang mananalo'y may Php 10,000 grand prize daw. "Don't need the money. I'm just helping them out. They're shy, eh. Most of them I saw in the audience, even outside, but no one wants to join."

"So what's the point na hinarang mo ako, then?"

"Sayang naman ticket mo." Please, pwede ba mag-Tagalog na lang siya. "You're in a hurry ba? It's not yet dark. Wanna have, uhm, dinner?"

Dun ko lang na-realize na masyadong gabi na pala. Paalam ko sa nanay ko, uuwi ako on time para kumain ng hapunan. "Yeah, kailangan ko na umuwi. Di ako nagpaalam eh."

"Aw, sayang naman. The food's great sa labas. I'll treat you again." Pinaglapat ni Jigo mga kamay niya, parang nagdadasal at nagmamaka-awa na pumayag ako.

Hinugot ko yung phone sa bag ko. Turns out, lo-bat na pala siya. Shit!

"Need to call?"

"Lo-bat na phone ko."

"Wait, I know somewhere we can borrow a powerbank." 

Di na siya nagsayang ng oras para samahan ako pababa. Nagtaka mga tao sa registration area bakit siya nagmamadali, at bakit kasama pa rin niya ako. Bye, dude! Thanks, man! Good luck! Hiyaw nila sa aming dalawa na siyang hiningi ng tawad ni Jigo sa akin.