THE STRONGEST AWAKENED WITH MY UNKOWN CLASS.

HENRYHANCHEOL
  • 7
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 159
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER 1

May Isang Estudyanteng Nagngangalang Dandreb. Sya ay nagaaral sa pampublikong paaralan na tinatawan na Caloocan National Highschool.

Sya ay binubully ng kanyang mga kaklase araw araw sa pangunguna ng isang indibidual na nagngangalang Jason Roque .

Si dandreb ay pinapakain ng bulok na pagkain insekto at nilulublub sa inidoro na puno ng mga dumi.

Habang nagtatawanan ang kanyang mga kaklase may pantutuyang sinabi ni jason na sya daw ay basura at pinaka bobo sa eskwelahan at wala syang lugar dito dapat na sya mamatay habang pangisi na sambit ni Jason

At dumating araw na napapagod na si dandreb sa pang aapi ng kanyang mga kaklase .bulong sakanyang isip bakit kelangan pa mangyari sakanya araw araw ang paghihirap habang may tumutulo na luha sakanyang mga mata.

At tumalon ito sa pangatlong palapag ng gusali. Bulong sa kanyang sarili na "ayoko na mabuhay sa mundong to pagod na ako" At pinikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagpatak ng luha.

Pag dilat nya . ay bumungad ang isang maganda sangtwaryo na tila paraiso. Tanong nito sa kanyang isip kung nasa langit na ba sya. Pero taliwas sakanyang kaalaman dahil ito ay tila isang impyerno kung tutuusin dahil nasa gitna sya ng digmaan sa pagitan ng mga barbaro at ng mga sundalo sa kaharihan.

Sya ay nadamay sa digmaan dahil napagkamalan syang kasapi ng barbaro dahil sakanyang Medyo pangit na hitsura at makapal na kilay na kaparehas din sa mga barbaro. Sumigaw si dandreb ng "Kamamatay ko palang mamatay na naman!!"

At sa susunod na eksena umabot ng Maraming taon sya ay natutong makipag laban dahil nagkaroon ito ng skill na pocket watch sa paulit ulit na kanyang kamatayan laban sa mga sundalo ng kaharian.

Hanggang sa....

naabot na nya ang tugatog ng lakas na di kayang pigilan ng kahit sino man at . di naglaon napabagsak na ang kalabang kaharian at nasakop ang buong kontinente habang pinamumunuan ang mga barbaro.

Sa lahat ng nakamit at natamasa nya ay tila nakalimutan na nya ang nakaraan nya pati ang sarili .at nagpasya na ito bumalik sa kanyang mundo.

At sa sumunod na eksena.

Sya ay lumabas sakanyang silid ng ospital pinagtitinginan sya ng mga nurse at sya ay pinag uusapan sambit pa ng mga ito..

Nurse 1: Sino ang matipuno na binatang yan?

Nurse 2: di mo ba alam ayan yung inalagaan natin kamakaylan na pasyente .

Nurse 1: ahh yung tatlong taon ng comatose?..

.

At sa labas ng ospital si dandreb ay naglalakad habang tinitignan ang kanyang status window na nagpapakita ng mga 999 sa lahat ng stats.

Bulong nito sakanyang isip na "Kung dati isa akong emperador sa dati kong buhay ngayon mabubuhay nako ng mapayapa at normal"

Hanggang nakauwi na ito sa kanyang inuupahan na appartment. Sa una di na nya matandaan ito .kundi dahil sa adress na nakalagay sakanyang ID ay di nya ito malalaman.

At isang oras na nakalipas

Sya ay nagmumuni muni sa kanyang Kama hanggang sa May kumatok sakanyang pintuan.

Agad nya itong pinag buksan at bumungad ang isang cute na babae na may kayumanging buhok nagngangalang Kristina. At nagtanong ito ng "Kamusta kana insan? "

Sumagod naman si dandreb ng "Ayos Lang. Ikaw ano ang dahilan ng pagpunta mo dito? " Pabalik na tanong ni dandreb.

Agad na sumagod si kristina ng "Naisipan ko na tumuloy dito sa tinitirahan mo dahil lumipat ako ng school sa kadahilanang nawasak ang buong malabon sa paglitaw ng isang class S na dungeon"

Nagulat si dandreb at tinanong kung Ano ang Dungeon?"

Krisitina: Ayy Oo nga pala dahil 3 years ka na sa coma kaya di mo na alam ang nangyayari sa mundo.

Kinwento ni kristina ang nangyari sa mundo dalawang taon na ang nakalipas.

May lumitaw na portal sa bawat sulok ng mundo kabilang na ang pilipinas sa lungsod ng maynila naglitawan ang madaming portal kasabay ng madaming halimaw na halos mawasak ang buong syudad.

Hindi kayang mapuksa ng mga ito gamit ang mga modernong kagamitang pandigma. At isang araw madaming taong nagising ang kanilang kakayahan sila ay tinatawag na awakened. Sila ang pumupuksa sa mga halimaw at tumatapos ng madaming dungeon at napigilan ang pagwasak sa buong metro manila.

At nagpakilala si krisitina na isa din sya sa mga awakened na rank E. At sya ay kasalukuyan napalipat sa paaralan na mandatory ang maging hunter .

Tinanong ni dandreb kung saan paaralan ang meron ganun

Sa Philippines Awakened University na dating Caloocan National Highschool. tugon ni kristina sa tanong ni danreb.

Nagulat si dandreb at sa isip isip pa nito na dun sya nag aaral sa kasalukuyan"

At sambit ni kristina .."Naging kapitolyo ang caloocan dahil nawasak ang syudad ng maynila kaya lahat ng awakened na estudyante sa pilipinas ay sa caloocan na nag aaral.

Kaya nalinawan na si dandreb sa paliwanag ni kristina.

Nagtanong si kristina . Kung dun din ba sya nag aaral .

Sumagot si dandreb ng "oo first year pa lang ako "

Kristina: Parehas lang pala tayo dahil kasi sa nangyaring sakuna nahinto lahat ng aktibidad sa lahat ng school. Kaya first year parin tayong lahat.

Dandreb: Mas ayos sana kung nasa class ako ng mga di awakened para maging payapa ang pamumuhay ko.

Kristina: Sa susunod na linggo magsisimula na ang klase at kasabay ng trials para malaman kung ano ang kakayahan ng bawat estudyante.

(Sumunod na eksena)

Dumating na ang araw ng Simula ng klase . Madaming estudyante ang nakapila para sa trial. Kung ano ang magiging kakayahan nila at class.

Sambit ng isang estudyante "sana maging sword master para astig " Habang naka ngiti na abot tenga

Sambit ng isa pang estudante "ako naman maging salamangkero para sa malawakang pag wasak sa mga halimaw"

At dumating ang oras para malaman kung ano ang kanilang mga class.

Labis ang dismaya ng dalawang nag uusap na estudyante dahil sa common class na kakayahan lang pala ang kanilang nakuha.

"Habang si kristina ay pinapakitang humawak na sa bolang aparato para malaman ang kanyang kakayahan at class. "

"Nagulat ang mga estudyante sa nakita nila dahil Battle Mage ang kanyang Class"

Kaya grabi ang paghanga ng mga estudyante sakanya

Hanggang sa ang bida naman ang sumunod para sa trial. Sinubukan nyang padaluyin lang ng konting mana at Qi ang aparato para mababang class lang mapapakita sa apraisal screen.

At ang lumabas puro Question Mark lang. kaya labis na pagtataka ng mga estudyante sakanya. Kaya tinawag syang basurang awakened na meron di kilalang class.

At sa likod ng mga estudyante may isang indibidual ang ngumingisi at bulong nito sakanyang isip "sa bagong mundo isa ka parin talagang basura Kikikiki"

At ang indibidual ay si Jason Roque habang pinapakita ang class na Necromancer. .

Sa sumunod na mga eksena

Si dandreb ay naglalakad sa pasilyo ng eskwelehan hanggang nakasalubong ang dati nyang kaibigan na si Jason Roque

Jason Roque: Kamusta na basura tagal na natin di nagkita buti nabuhay ka pa pag tapos tumalon sa building HAHAHAHA.

"Walang emosyon si danreb sa pinagsasabi ng hangal na si Jason kaya hindi na lang nya ito pinansin"

"Hanggang sa sya ay hinawakan sa balikat at sambit pa nito ni jason"

"Hangal! nakakainsulto ang baliwalain ako dito galit na sambit ni jason"

"Sino ka ba para pansinin ko habang nakakatakot na ekspresyon na sambit ni Dandreb"

Si Jason ay pinagpawisan dahil nararamdaman nya ang preasure na nilalabas ni dandreb.

Hanggang sa hinamon na ni jason sa isang duelo si dandreb

Sambit pa nito na "Aabangan kita hangal sa rooftop magkikita tayo pag tapos ng breaktime"

At dumating na nga ang oras na magdeduelo na ang dalawa. ..

Jason: Matapang ka din pala basura akala ko magtatago ka na lang sa sobrang takot. (Pang tutuya na sambit ng hangal)

Dandreb: Bakit naman kita katatakutan mas mahina ka pa nga sakin? (Pang tutuya din na sambit ng ating bida)

naghihiyawan ang mga kaklaseng asshole sa bangayan ng dalawa.

"Hanggang sa nagsimula na ng atake si Jason at naglabas ng mga elite skeleton at Undead Orc at Goblin para Sunggaban si Dandreb"

Dandreb: Ayan na ba ang tinatago mong kakayahan? (Pangising sambit ng ating bida)

Si dandreb ay tila walang galaw pero bumulong sya sa isip ng "mawasak kayong lahat"

"Naging abo ang mga nilabas na elite skeleton at undead ni Jason labis ang pagkagulat nya dito hanggang sa sya nawalan ng malay dahil sa atake ni dandreb pag tapos ito magbitaw ng malinis at bitaw na bodyblow sakanyang sikmura"

"Labis ang gulat ng mga estudyante sa pangyayari dahil halos pinakamalakas na estudyante sa paaralan tinalo lang ng pangkaraniwan na tao.

Lingid sa kaalaman ng mga estudyante ay ang ating bida talaga ang pinaka malakas sila ay hangal na tignan na mahina si dandreb"

Kaya sa isang iglap nawalan na din sila ng malay dahil sa pag cast ng spell ni dandreb na nakapagpapabura ng ala ala"

Di alam ni dandreb na may nagmamasid habang tumatawa sa mga nangyari isang babaeng maganda na may gintong buhok. At pinakilalang bilang si Jennielyn Chua Ang Pangulo ng Student counsil.. Class Job Dark Mage.

Sambit pa nito " Tinatago mo lang pala ang tunay mong lakas pwede kita gawing aso ko hihihihmm.. (Masamang ngisi na sambit ng bruhang babae)

Ang kaganapan Sa Paaralan . Tila walang nangyaring gulo at talagang hindi napagusapan ang laban nila Danreb at jason.

Si Jason Ay nakaupo sa gilid ng silid ng paaralan habang nanginginig ang katawan tanong sakanyang isip " Anong nagyari sakin " Habang may pangangamba at takot sakanyang hitsura

Habang si danreb ay kalmado at banayad habang iniisip ang mga takdang aralin nya. At kanyang grado .hindi iniisip ang mga kaganapan kanina

Tinitigan sya ni jennielyn chua habang iniisip nito at sinusukat kung gaano ba talaga kalakas si danreb at kaya ba nya kontrolin ito.

To be continue