Sa madamong lugar sa biringan may isang babaeng may pilak na buhok at naka pang prinsesa na kasuotan ang nakatayo habang nakahawak sakanyang dibdib na parang dadasal. habang kinekwento ang kanyang nakaraan.
Sa ala ala nya
Pinapakita sa eksena ang isang dalagang alipin ang inaalipusta ng pinuno ng tribo.
Sya ay nagbabasa ng libro tungkol sa isang bayani na nagligtas sa sangkatauhan laban sa demon king na si Astaroth.
Bigla na lang may kumuha ng kanyang libro at sinunog gamit fire magic ng nag aalipusta sa kanya na pinuno ng tribo.
Sya ay inuutos utosan pinapalinis ng palasyo sya ay sinasampal .
Sa isip isip ng dalagang may pilak ang buhok habang may luha sakanyang mata dahilan na umabot sya sa ganito dahil pinabagsak ng tribong ito ang kanyang nayon isang taon na ang nakalipas.
Habang bigla na naman sya sinampal at sinakal ng pinuno ng tribo. At sambit pa nito "kayong mga aggrapian ay mababang nilalang na lang HAHAHAA" (pangising sambit ng bastardong mataba "
Hanggang sa may isang heneral ang pumasok sa kanyang silid at nag ulat ng balita..
Heneral: Mahal na khan Inaatake tayo ng Kalaban yung syudad na malapit satin nasa kontrol na ng kaaway malapit na sila dito.
Agad na nag panic ang khan dahil isa lang syang basurang pinuno..
Hanggang sa natanggalan ng bubong ang kanyang palasyo
Makikita ang dalagang may pilak ang buhok ay puno ng takot sa nangyayari habang iniisip ang kanyang katapusan.
Ang heneral na pumasok kanina ay biglang natanggalan ng ulo sa isang iglap
At makikita ang khan ay tinutokan na ng espada sa leeg.
Sambit pa nito "ikaw ang makalangit na demonyo"
"Di ko akalain na pati kami sasakupin mo na di ko alam kung ano ang nagawa ko"
Sumagot ang misteryosong tao "Pinatay
Nyo ang ministro ko sa kaharian na sinalakay nyo"
Hindi alam ng khan ang sinasabi ng misteryosong lalaki.
At nagsalita ang misteryosong lalaki buhay mo at tribo mo ang kapalit sa ginawa nyo at agad ng natanggalan ng ulo at ginawang abo ang khan. At pinakita ang mukha ng misteryosong tao at eto ay si dandreb ang ating bida sya ay nakasuot ng itim na baluti.
Habang yung dalaga nakatingin sakanya ng may takot na mukha. Dahil kilala nya ang makalangit na demonyo bilang isang brutal sa mga kalaban.
At tinignan din sya ni dandreb at nagsalita "ano pa hinihintay mo tumakas kana at umuwi kana kung saan ka nanggaling"
Naantig ang dalaga sakanya dahil di nya akalain na may mabuting puso ang makalangit na demonyo.
Kaya agad na ito tumakas patungo sa kaharian ng Agripa.
At dumating na sya sa naayos na kaharian at agad na lumuhod at sumaludo ang mga sundalo sakanya at nagsalita ng "Maligayang Pagbalik Mahal na Prinsesa Cesstella.
Dumating ang mga taon lagi nyang nasa isip si dandreb. At tila di ito mapakali sakanyang silid at pumunta na ito sakanyang amang hari na si King Louis agrippa IV (ang ika benteng hari ng Agrippa Kingdom)
Nag mungkahi si Cesstella na maging Vassal na lang sila ng Heaven Demonic Empire .
King Louise IV : Ayan din ang nasa isip ko anak dahil malaki ang utang na loob ko sa emperador kung hindi dahil sakanya nawasak na ng tuluyan ang ating matandang kaharian
At saktong dumating ang tauhan ni dandreb sa kaharian ng agrippa. At lumuhod at nagbigay galang kay King Louise IV. Nag mungkahi pa ito na bumuo ng isang Alyansa laban sa Banal Na Imperyo.
( makikita sa mapa ng mundo na halos magkasing laki na ang dalawang magkalabang imperyo pag dating sa teritoryong nasasakupan at sa gitna ay ang agrippa kingdom na bukod tanging neutral na kaharian lamang Ang nag iisang malaking continente ng mundo ay kahawig ng Pulo ng Luzon sa Pilipinas at Ang Sa timog nito ay ang Imperyo na pinamumunuan ni Dandreb habang ay sa hilaga ay ang Banal Na Imperyo)
At sa eksena ay bigla nag salita ang tauhan ni dandreb ng "Maaring Sakupin ng Banal na imperyo ang inyong kaharian dahil ayon sa mga ispiya ng aming imperyo ay plano na nilang atakihen ang Kaharian madali na lang lupigin ang Banal na imperyo dahil nag aaway away na sila dahil sa kapangyarihan at katiwalian"
Grabi ang Galit ni King Louis sa banal na imperyo sa kabila ng pagiging vassal nila sa isang daang taon ay plano na silang atakihin matapos nila kumalas sa banal na imperyo makalipas ng limangput taon.
At sambit ni king louis na agad ng selyohan ang kasunduan at magpapadala na sila ng Karagdagang Hukbo laban sa banal na imperyo.
Pinapakita naman sa susunod na eksena sa banal na imperyo Na tinatawag na Holy Empire Of Silva.
Nag uusap ang opisyal at ang banal na emperador na si Henry Silva na may Blonde na buhok at manipis na bigote na tila nakakatakot ang pagmumukha.
Nalaman na nila na bumuo na ng alyansa ang Agrippa at ang imperyo ni Dandreb.
At nasa kontrol na ni dandreb ang ang kaharian.
Grabi ang kaba ng banal na emperador sa nalaman. Dahil di pa sila handa sa digmaan laban kay dandreb.
Di nila inakala na mabilis lang na restore ni dandreb ang dating nawasak na imperyo at ngayon babawi ang dating dangal na tinuringan nilang demonyo.
At dumating na ang panahon ng digmaan
Dinomina ng kampo nila dandreb ang teritoryo ng banal na imperyo at winasak ang mga simbahang nakatayo
At ang natira na lang ang kabisera ng banal na imperyo
Kaharap na ni Dandreb Si Henry at naglabas na ng kanilang sariling Awra
Kay henry Kulay gintong awra habang kay Dandreb ay Kulay Lila na awra.
Nag tagisan sila ng lakas na tila magkapantay lang.
Nawasak ang buong Kastilyo sa labanan ng dalawang malalakas nagbabanggaan ng kanilang mga kamao at sipa.
At hanggang sa nakatama ng malakas na suntok si Henry sa Sikmura ni Dandreb na may grabing Pinsala.
Kaya gumamit agad si Dandreb ng abilidad na tinatawag na Holy Healing Magic.
Nagulat si Henry sa Nakita nagtataka sya kung paano naka gamit ang isang demonyo ng banal na kapangyarihan
At may bumungad na kamao sa kanyang harapan at agad naman nya itong naiwasan.
Sambit pa ni dandreb: Ano ba iniisip mo mag laban na tayo.
Hanggang sa nagpatagisan sila ng lakas at bilis na halos di makita ng mga sundalong nanonood sa laban ng dalawa.
Nag skip na ang eksena
Habang nawawala ang usok makikita si dandreb na hawak na ang pugot na ulo ni henry at sya ay dinedeklarang nag wagi sa digmaan.
At sumunod na eksena sa labas ng kastilyo
Pinagpapatay ang matataas na opisyal sa banal na imperyo pati na ang mga prayle at tuluyan na nasa kontrol ang buong Banal na imperyo. .
Sila ay nagdiwang sakanilang tagumpay dinagsa sa dating teritoryo ng Banal na imperyo sa mismong kabisera.
Makikita ang mga dating crusaiders may lugmok na emosyon sakanilang mukha
Di nag tagal ang mga dating crusaiders ay nasa hukbo na ni dandreb at naging demonic knight na sila
At isang taon na ang nakalipas pag tapos ng The Great War. Biglang lumitaw ang isang sakuna sa Hilagang Teritoryo ng dating Banal Na Imperyo kung saan nakalibing si Henry. Isang piitan na tinatawag na Henry's tomb dahil lumitaw ito kung saan nakalibing si Henry.
Naglitawan ang mga masasamang halimaw at pinag wawasak ang mga tao sa hilaga na halos lumipol sa mundo.
Isa na si dandreb sa Nakipag laban at nilipol ang mga nagsisulpotan na Halimaw sa mundo at winasak nya ang Piitan at pinatay ang dungeon master
Naging mapayapa ulit ang mundo matapos ng sampung taon.
At isang araw nagkagulo ang mga tao sa mundo dahil sa nabalitaan nilang nawawala si Dandreb at Isa parin itong misteryo sa mga tao at pati mga nasa loob ng Palasyo.
At pati ang prinsesa ng agrippa na si Cestella ay isa sa mga nagulat.
At lingid sa kaalaman nila ay Talagang nakabalik na si dandreb sa orihinal nyang mundo.
Sa kasalukuyan pinakita si Cestella sa Biringan .
Iniisip nya kung makikipag kita ba sya kay Dandreb dahil namimiss na nya ito
At bigla na lang ito nag laho . Kasabay ng paglitas ng Dungeon sakanyang Kinakatayuan kamakalyan at naramdaman ito ng mga nasa malayo kabilang na si dandreb habang sya ay nakikipag laban noon kay Jason.
At sa kasalukuyan
Makikita si dandreb na tila pamilyar ang kanyang naramdaman nakaraan. Dahil lumitaw ulit ang Henry's tomb sa orihinal na mundo naman nya.
(sa syudad ng ormoc dumating ang mga halimaw at nagkaroon ng dungeon break sa buong samar)
Na concidered nilang Red Zone Ang lugar at nagsilikas ang mga residente sa Luzon gamit ang Barkong pang himpapawid.
Tuluyan ng naukupa ang buong Pulo Ng Eastern Visayas ng mga halimaw kabilang na karatig na isla nito.
May isang mag inang waray at umiiyak na bata ang tumatakbo sa sira sirang baranggay habang hinahabol ng Class S Na Cerberus. Nakakapag salita ang halimaw sa Wikang Tagalog at binabanggit ang pangalan ni dandreb na may Nakakatakot na boses.
To be continue