Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Professor's Obsession

🇵🇭alapaap_jian
--
chs / week
--
NOT RATINGS
205
Views
Synopsis
Hindi na bago kay Aliya ang madalas na pangmamaliit sa kanya ng kanyang sariling pamilya. Paano ba naman, she was just adopted from the orphanage where her Lola Amelia sponsor at. Siya ang paborito ng itinuring niyang Lola. Inaalagaan siya ng pamilya ng Lola niya, but everything changed when her Lola Amelia died. Ang lahat pala ng kabutihan na ipinakita sa kanya ng itinuring niyang pamilya ay pakitang tao lang. They started treating her as servant and not as a family. But everything changed when she got engaged with a man she doesn't even know. Her Aunt Geneva has a debt she needed to pay. The only way na hindi siya gawan ng masama ng pinagkautangan ay bigyan siya ng maipapakasal sa anak niyang si Dos.Geneva can't make her daughter marry a gangster's son, kaya naman si Aliya ang Ipinakasal niya. Dos turns out to be his Math Professor. Is Dos bringing another nightmare into Aliya's life, or is it the opposite?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: I hate rains.

Gabi na rin ng makapagpahinga ako sa aking kwarto. Sobra kasi akong napagod sa lahat ng paglilinis at pagaayos sa Mansyon.

Rinig ko parin ang malalakas na tawanan nina Tita Geneva at mga kumare niya na kanina pa nagsusugal sa game room. Kakatapos ko pa lng silang hainan ng makakain ,halos boung araw din sila sa pagsusugal kaya sanay na ako sa lahat ng utos nila.

Ipipikit ko na sana ang aking mata ng marinig ko ang tawag ni Seana, anak ni Tita Geneva.

"Huy, bago ka matulog paki labhan mo nga yung p.e uniform ko, it's so dirty kasi ehh. "

mapang-asar na utos niya.

Bigla niyang tinapon sa mukha ko ang mabaho niyang damit na agad ko namang tinapon sa sahig at tinapaktapakan nung makaalis na siya. Hindi ko talaga maatim ang presensiya niya.Lagi na lang niya akong inaalila mag-ina talaga sila ni Tita Geneva.

Napabuntong hininga na lang ako at muling pumikit. Humiga ako sa kama, pagod na rin kasi ako sa maghapon nilang pag-uutos at may pasok pa bukas kaya kailangan kong matulog ng maaga.

Hindi naman ako nagrereklamo sa mga utos nila total wala naman akong karapatan, I'm just adopted.

Kung nandito lang sana si lola, I will never have to suffer like this, kung hindi lang sana siya maagang kinuhan saakin maybe I'll enjoy my life again with her. She is the only one who saved me. She is the only one who protected me.

Bigla ko na lng naramdaman ang mainit na likidong lumalabas sa aking nga mga mata. Nagulat din ako sa malakas na kulob at biglaang pagbagsak ng malakas na ulan. Agad kong tinakpan ang aking mga tainga at di ko na mapigilan ang maiyak. Sh*t, ayoko ng ulan pinapaalala lang saakin ng ulan ang mga bagay na gusto ko nang kalimutan.

I do hate rains, I really do.