Ayos, ang bango! " masayang sambit ko habang inaamoy ang bagong luto kong caldereta at Adobo. Ako kasi ang nakatoka na magluto sa mansion tuwing umaga kasama ang mga ibang kasambahay na natuto plang magluto. Wala kasi silang masyadong alam sa pagluluto.
Ang mga dapat sanay cook namin ay tinanggal pagkatapos ng pagkawala ni Lola Amelia. Sinisante kasi sila ni Tita Geneva dahil wala na silang maibabayad dahil sa palagi niyang pagsusugal. Pagdadahilan niya pa na pwede na man daw ako ang gumawa ng gawaing kusina at iba pa.
Hindi naman ako nagrereklamo kasi hilig ko talaga ang pag luluto. Kahit noong nasa bahay ampunan palang ay nabubulontaryo akong tumulong sa kusina. Palagi din akong tinuturuan ni Sister Tere, isang dating cook.
Kahit magaspang ang ugali nina Tita at mga anak niya ay hindi nila kayang ikaila na masarap talaga ang inihahanda ko sakanila.
"Aliya, sige na kami na ang bahala dito kumain kana"
"Oo nga, baka malate kapa sa school mo.. "
sambit ng mga kasama kong magluto sa kusina. Napangiti ako sa kanila, sila lang kasi nasasandalan ko tuwing ako ay nasa mansion.
"Sige po, salamat" maikling tugon ko.
Nagpatuloy na ako sa paglakad papuntang kwarto dala ang almusal ko, yan kasi ang turo ni Tita saakin bawal akong sumabay sa kanilang kumain sa dining room. Nakakainis lang na madadaanan ko yun bago ako maka punta sa kwarto ko. Alam ko kasing tatawanan naman nila ako.
Diretso akong lumakad at hindi nilingon ang dining room ng bigla ay may tumawag saakin. "Sabayan mo kaming kumain. " naiinis na alok ni Tita na agad ko namang kinagulat. May sapi ba sila ngayon o nakalimutan kong Friday de Malas ngayon? Ano kaya ang trip nila?
"Ano na? " dagdag niya pa. Himala totoo ba ang himala? Anyare. Lumapit ako sa isang bakanteng upuan at tsaka umupo. Tinignan ko si Tita at Seana, ang anak niya.
"Bakit po, anong mayroon? pagtataka ko.
"Kuya Gavin is joining our breakfast" hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Seana. Si kuya Gavin umuwi na. I missed him so much.
Nahalata siguro ni Tita ang saya ko kaya bigla siyang nagsalita.
"Kahit bumalik na si Gavin, it doesn't mean na hindi mo na kaylangan gumalaw galaw dito"
"Opo" maikling sagot ko.
"di ko alam kung bakit ka paborito ni kuya, nakakainis! " ani ni Seana habang matalim na nakatingin saakin.
Pero bigla siyang sinaway ni Tita. Narinig ko ang pagbati ng mga kasambahay sa isang taong kararating palang.
Biglang tumayo ang mag-ina at nilapitan ang lalaking kakapasok palang sa dining room.Agad akong tumayo at nillingon ang lalaking dumating.Si kuya Gavin... He finally came back. Napaluha ako sa sobrang saya. He grown up so much, ang matured niya nang tignan.
"kuya Gavin, pasalubong ko" pag lalambing Seana.
"it's in the car but I'll give it to you after school baka hindi kapa pumasok." sambit ni kuya habang tumatawa at niyayakap siya. Niyakap niya din si Tita.Bigla ay nilingon ako ni Kuya Gavin.
"Come on, you look really pretty na Aliya" sambit niya na agad ko namang tinugunan ng mahigpit na yakap. Nakakainis lang dahil naiyak ako. Kita ko pa ang pagtataray saakin ng mag-ina pero ayos lng basta I'm back in his arms again. The greatest kuya I have, the one who protected me when I was weak.
Pagkatapos ng mainit na pagtanggap namin kay kuya ay kumain na kami ng sabay sabay. Doon ko rin napagtanto na kaya pla ako pinasabay sa pagkain nina Tita ay dahil darating si Kuya Gavin. Alam kasi nila ang mangyayari kung malalaman ni Kuya ang pakikitungo nila saakin.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Nang matapos na ako ay ililigpit ko na sana ang pinagkainan ko ng biglang magsalita si Kuya.
"Aliya, what are you doing? " pagtataka niya.
Bigla tinitignan ng masama nina Tita.
"Ako na lang po ang magdadala nitong pinagkainan ko sa kusina total dadaan naman po ako dun. " pagpapalusot ko.
"Just let her be" pagsang-ayon ni Tita. Tumango naman si Kuya at nagsalita "Nga pla Aliya bilisan mo nang maihatid ko kayong dalawa ni Seana. "pareho kaming nagulat sa sinabi ni kuya.
Nakita ko ang naiinis na pagbuntong hininga ni Seana. Pero wala siyang magagawa he can't disobey her Kuya, so am I.