JOSHUA
Mahigit kalahating oras na akong nakatitig sa laptop ko. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong nahahanap na puwede kong mapuntahan para makapag-unwind.
Matapos ang nangyari ay kailangan kong makapag-relax at makapag-isip. Masyadong masakit para sa akin ang nangyari at kailangan kong maging mapag-isa.
Ni hindi ko nga sinasagot ang tawag ng mga kaibigan ko at maging si Mom ay hindi ko kinakausap.
Itinigil ko na nga muna ang paghahanap at pabagsak akong nahiga sa malambot kong kama at pagkatapos ay pumikit.
Bakit niya ba kasi nagawa sa akin ang ganoong bagay? Ibinigay ko naman ang lahat sa kaniya, ah? Ano pa ba ang kulang sa akin?
Iyan ang mga katanungan na pumapasok sa isip ko ngayon.
Hinampas-hampas ko naman ang ulo ko gamit ang mga kamay ko upang itigil ang mga isipin na iyon. Hindi ko dapat iniisip 'yon dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang.
Muli naman akong bumangon at saka nagpakawala nang isang malalim na buntong-hininga.
Ipinagpatuloy ko naman na ulit ang paghahanap. Kung saan-saan na akong website nagpupunta para maghanap ng mapupuntahan.
After a couple of minutes, isang isla ang nakaagaw ng aking pansin. Binasa ko naman agad ang pangalan niyon.
Isla El Grande
Matatagpuan daw ang isla na iyon sa Palawan. At ang isa sa ipinagmamalaki ng isla na iyon ay nakasentro ito sa paglubog ng araw kaya naman magandang manood ng sunset. Nang mabasa ko nga iyon ay bigla akong napangiti nang wala sa oras.
Isa kasi sa mga gusto ko ay ang panonood ng sunset. Lagi kong ginagawa dati iyon.
Sa huli ay ang Isla El Grande na ang napili kong puntahan. Nag-book naman na ako agad ng flight papunta sa Palawan, at ang pinili kong araw ay Biyernes. Matapos ko naman na mag-book ng flight ay isinara ko naman na ang laptop ko at pagkatapos niyon ay tumayo na ako sa kama ko at nagtungo sa banyo para mag-toothbrush.
After I washed my teeth, lumabas na rin ako ng banyo at pagkatapos ay nahiga na ulit.
Umayos naman na ako ng higa at pagkatapos ay nagmuni-muni lang saglit. Nagpapaantok lang ba. And after a few minutes, dinalaw na nga ako ng antok kaya naman pinatay ko na 'yong lampshade na malapit sa kama ko at pumikit na pagkatapos.
Ilang sandali lang naman ang lumipas ay nakatulog na nga ako.