Chereads / Unexpected Loving Him / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

JOSHUA

"Joshua, kailangan mo ba talagang umalis?" May halong pag-aalalang tanong ni Mom sa akin.

Hinawakan ko naman si Mom sa magkabila niyang balikat at saka ko siya tinitigan.

"Mom, alam mo naman, 'di ba? Ito ang way ko para makalimot. At isa pa, mag-iingat naman ako, eh. Don't worry about me, Mom. I will take care of myself." Seryoso kong saad kay Mom.

Pilit naman siyang ngumiti sa akin.

"If that's what you want. Sige, papayagan kita. But promise me na mag-iingat ka roon, ha?"

Nginitian ko naman si Mom.

"I will, Mom."

Matapos kong sabihin iyon ay bumeso na muna ako sa kaniya at pagkatapos niyon ay lumabas na ako ng bahay dala ang mga gamit ko. Hindi makakasama si Mom sa akin sa paghahatid sa airport dahil may kailangan siyang asikasuhin kaya naman ipapahatid na lang niya ako sa driver namin.

Isinakay ko naman na 'yong mga gamit ko sa sasakyan nang malakas ako at nang maisakay ko naman na lahat iyon ay sumakay na rin ako ng kotse.

Pagkasakay ko naman ay pinaandar na rin agad ng driver namin 'yong kotse at umalis na. At makalipas lang naman ang isa't kalahating oras ay nakarating na rin kami sa airport. Bumaba naman na ako ng kotse at pagkatapos niyon ay ibinaba ko na rin ang mga gamit ko.

Umalis naman na agad 'yong driver namin nang makababa ako kaya naman pumasok na ako sa loob. Alas-tres ang oras ng lipad ko at nasa alas-dos y media pa lang kaya naman naupo na muna ako sa waiting area para doon maghintay.

At nang sumapit naman ang oras ng saktong lipad ng eroplano na sasakyan ko ay tumayo na ako at nagtungo na sa boarding.

Nang makasakay naman na ako sa eroplano ay naupo na agad ako sa seat ko. Ilang sandali lang naman ang lumipas ay lumipad na nga ang eroplanong sinasakyan ko papunta sa Palawan.

After more than an hour, the plane I was on landed at Puerto Prinsesa International Airport.

Nang makababa naman na ako ng eroplano ay kinuha ko na rin agad 'yong mga gamit ko at pagkatapos niyon ay lumabas na ako ng airport at sumakay na ng taxi. At nang makasakay naman na ako roon ay sinabi ko na agad sa taxi driver kung saan ako pupunta.

Itinuon ko naman ang paningin ko sa labas. Pinagmamasdan ko ang bawat madaanan. At makalipas naman ang mahigit apat na oras na biyahe ay nakarating na rin ako sa wakas sa distinasyon ko. Nagbayad naman na ako sa taxi driver at pagkatapos niyon bumaba na.

Pumasok naman na agad ako sa lobby dala ang mga gamit ko at nag-check-in sa hotel. At nang makapag-check-in naman na ako ay ibinigay na sa akin 'yong key card ng magiging room ko. Inihatid naman na ako ng isa sa mga tauhan nila sa magiging kuwarto ko.

Nang marating naman namin 'yong room number ko ay binuksan ko naman na agad iyon.

"Enjoy your stay, sir." Nakangiti naman na saad sa akin ng naghatid sa akin dito sa room ko.

I smiled at him back at pagkatapos niyon ay umalis na. Pumasok naman na ako sa loob ng kuwarto dala ang mga gamit ko.

Sakto lang naman ang laki ng kuwarto na kinuha ko. Iyong tama lang sa akin na mag-isa. So, nang makapasok na nga ako sa kuwarto ay inayos ko na agad ang mga gamit ko.

Welcome to Isla El Grande, Joshua

Usal ko sa isip ko matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Kinuha ko naman 'yong phone ko at pagkatapos ay tinext ko si Mom. I informed her na nakarating na ako rito sa Isla El Grande.

After I texted Mom, I checked the time on my phone, and it was past seven in the evening. Ibinulsa ko naman na 'yong phone ko at pagkatapos niyon lumabas na ako ng kuwarto at nang makalabas naman ay naglakad na ako pababa ng ground floor.

When I got down to the ground floor, I immediately went to the restaurant which is also inside this hotel.

"Good evening, sir!" Masiglang bati sa akin ng isa sa mga waiter nang makarating ako sa resto.

Nginitian ko lang naman ito.

"Table for one, sir?" Tanong naman niya sa akin.

"Uhm, yes." Sagot ko.

"This way, sir." Aniya at pagkatapos niyon ay naglakad na siya, at sumunod naman ako.

At nang marating naman namin 'yong table na pang-isahan ay iniabot naman niya sa akin 'yong menu.

Alin kaya ang masarap kainin dito?

Tanong ko sa isip ko habang tinitignan ang mga putahe na nakalagay sa menu. Lumipas lang naman ang ilang minuto ay nakapili na rin ako at agad ko rin naman iyon na sinabi sa waiter. Inulit pa muna niya sa akin 'yong in-order ko at pagkatapos saka siya umalis para kuhanin iyon.

Iginala ko naman ang paningin ko sa paligid habang hinihintay 'yong order ko. At doon ko lang napansin na hindi gaano karami ang tao ngayon dito sa resto. Saka, isa lang ang masasabi ko rito, maganda ang ambiance. Nakaka-relax kumain.

After twenty minutes ay dumating na rin naman 'yong pagkain na in-order ko kaya naman kumain na ako.

At habang kumakain naman ako ay naramdaman ko na nag-vibrate 'yong phone ko kaya naman kinuha ko iyon sa bulsa ko at tinignan. Nag-text lang siya sa akin ng take care. Hindi naman na ako nag-abala pa na mag-reply at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko hanggang sa matapos ako.

Nang makatapos nga ako sa pagkain ay tinawag ko na 'yong waiter para sa bill ko at nang ibigay niya sa akin iyon ay agad ko na itong binayaran. After that ay umalis na ako ng resto.

Bumalik naman na muna ako sa room ko para makapagpalit.

Binuksan ko naman na nga 'yong room ko gamit ang key card at pagkatapos noon ay pumasok na ako sa loob. Agad ko naman na kinuha 'yong damit na pamalit ko. At nang mailabas at maiayos ko naman na iyon ay nagtungo na ako sa banyo para maligo.

I decided na bukas na lang maglibot dahil gabi na rin naman at isa pa, para makapagpahinga ako. Masyadong mahaba ang naging biyahe ko at nakararamdam ako ng pagod.

I turned on the shower when I entered the bathroom. Then I let the water drip from my head to my body. At pagkaraan lang naman nang ilang minuto ay nagbanlaw na rin ako at pagkatapos ay pinatay ko na 'yong shower. I wrapped the towel around my waist, and left the bathroom to get dressed.

At nang makapagbihis naman nga ako ay hinayaan ko naman muna na matuyo ang buhok ko.

When I made sure that my hair was dry, I lay down on the bed. Then I took out my phone at tinext ko si Mom.

Joshua: Goodnight, Mom. I love you.❤️

After I sent that message to her, I turned my phone off.

Ipinatong ko naman na 'yong phone ko sa bedside table at pagkatapos ay umayos naman na ako nang higa. After a few moments, I fell asleep. At mayamaya lang ay nakatulog na nga ako.