Chereads / Notice Me Not / Chapter 2 - Chapter2: Issue

Chapter 2 - Chapter2: Issue

NAG-AAYOS ako ng mga gamit upang maghanda nang umuwi nang may tumulak sa akin papunta sa

pader. Dinikdik niya ako sa pamamagitan ng pagtulak sa ulo ko at ang kabilang

kamay naman ay humawak sa kanang kamay ko. Inikot niya ito at inilagay sa

likurang bahagi ko.

 

"Ouch,

ouch ouch!" Pinapalo ko ang kamay niyang nasa ulo ko gamit ang natitira ko

pang kamay.

"Hi,

Schatten, miss me?"

 

I am

Schatten Aoi Zamora. My first name pronounced as Sheyten. It means shade or

shadow in German. Aoi in Japanese means color blue. So my name means Shadow of

blue. My mom loves color blue. My schoolmates call me Saz.

 

Buong

pwersa akong lumingon para maiba ang direksyon ng kamay niya tapos ay yumuko

para kumawala. Kinagat ko ang kamay niya kaya naalis niya ito.

Nag-pose ako na parang isang boxer habang hinihintay siyang makapostura. Hindi ako

makaalis sa pwesto ko dahil cornered niya ako. Pero pwede ko namang tanggalin

ang mga upuan kaya lang mabilis kumilos itong lalaking ito e. Mahuhuli niya pa

rin ako.

"Sige,

ano, suntukan!"

 

"Are you

a zombie?" tanong niya habang winawagwag ang kamay na kinagat ko.

 

"Pa-english

english ka pa."

 

He

hissed as he tried to punch me pero napalingon siya sa pintuan. Kanina pa

nag-alisan ang mga kaklase ko kaya kami na lang dalawa sa classroom.

 

Sa

sobrang curious ko rin ay napalingon ako.

 

There

stood a guy from section 1. Nakatingin siya kay Dewji tapos ay lumingon sa

akin. Dala niya pa rin ang libro na binabasa niya kanina.

 

"Tulong!

Tulungan mo ako! Sasapakin niya ako!" Bigla ko na lang sinabi sa lalaki. "Tulong,

please!"

 

"Uwian

na. Sa iba niyo na lang 'yan ituloy." Imbes na tulungan niya ako ay naglakad

siya palayo.

 "Ha, anong ituloy? Teka, president, tulong!

Tulong! Binoto pa naman kita bilang Student governor tapos ganyan ka." Halos

naiiyak na ako habang sumisigaw.

 

Napalingon

ako kay Dewji nang pitikin niya ang tainga ko.

Matalim

ko siyang tiningnan.

"Ano

bang problem mong Dewy donut ka?"

Nginisian

niya ako na lalong nagpainit ng ulo ko. Kung mabait lang sana siyang tao, baka

nagustuhan ko siya dahil kamukha siya ng isang korean drama actor. Makinis ang

mala-porselana niyang kutis, singkit ang mga mata, manipis ang labi at may

piercing sa tenga.

 

"Nakalimutan

mo ang ginawa mo sa akin? You just ruined my relationship with Daisee."

 

I hissed.

"Kung sino man ang nanira sa atin, ikaw 'yon. Quits na tayo, 'di ba matagal mo

nang gusto na iwasan ako ni Daisee? Your wish is my command, sir."

 

"I

didn't cheat and you know that," he angrily said while pointing his finger on

me. "Mali ka ng inakala."

"Mali

ako ng inakala? Kaya pala hinalikan mo 'yong PINSAN mo. Neknek mo. May pinsan

bang naghahalikan. Yuck!"

"Don't

believe me, go! But that doesn't mean you have the right to badmouth me. I

don't care if you believe it or not."

 

Sa

simula pa lang, hindi ko na gusto si Dewji para kay Daisee. Imagine, nasa

lowest section si Dewji. Walang ibang ginawa kundi makipagbardagulan at

makipagsuntukan. Hindi talaga sila bagay ni Daisee. At saka, hindi ako

pumapayag na hindi ako kasama kapag nagdi-date sila. O kaya naman, sinusundan

ko sila sa abot ng makakaya ko. Ganoon ako ka-protective sa kaibigan ko.

Thirdwheel na kung third wheel.

"I am

just protecting my friend!"

"Protecting?

Kanino, sa akin na boyfriend niya? Kung wala kang love life at walang

nagkakagusto sa 'yo, 'wag mo kaming idamay."

 

Ouch naman.

Mas masakit pa ang sinabi niya kaysa sa pagpilipit niya ng braso ko. Tagos

hanggang buto ah.

 

"You're

not protecting her. Kinukulong mo siya. Kinukulong mo siya sa sitwasyon na

akala mo magpoprotekta sa kanya. What will do? We're in a relationship and

legal kami sa parents niya. Ikaw, anong karapatan mong magdesisyon sa kanya?"

 

"Palibhasa

hindi mo ako maiintindihan dahil wala kang kaibigan!" Pakiramdam ko, any minute

sasabog na ako sa inis. Gusto nang tumulo ng mga luha ko pero pinipigilan ko

ito. Hindi ko ipapakitang mahina ako. Never again. "Paano kung masira ang buhay

niya dahil sa 'yo? Ikaw na walang ginawa kundi sirain ang buhay mo."

 

"Sa 'yo

ba, matino? Kaya ka lang naman nandyan sa posisyon mo ay dahil kay Daisee.

Tinutulungan ka niya sa kahit anong bagay. Pero anong ginawa mo? Tinuturing mo

pala siyang kakumpetensya. Wow, no wonder, kaya mong ipagpalit ang friendship niyo just to win like you did last

year. You left her in the middle of the forest just to win the competition,

right?"

 

Hindi

ako nakaimik sa sinabi niya. Unti-unti kong na-realize na baka tama nga sila, baka nga hindi ko tinuring na kaibigan si

Daisee. Ngayon, nagda-doubt na rin ako sa sarili.

 

"Tapos

ka na? Parehas na tayong nawalan. Ano pa bang kailangan mo sa akin?"

 

Lumapit

siya dahilan para lalo akong ma-corner sa pader. Nakikipagsukatan ako ng tingin

sa kanya.

 

"Everyone

thinks we're in a relationship. That you, betrayed your friend. What if,

panindigan natin? Let's ruin each other. Taste your own medicine, Saz."

 

I

gritted my teeth as I watch him walked out of the room. Napadausdos ako pababa at

naupo sa sahig.

Hanep,

first day of school, stress na ako. Ano pa kaya ang mga pasabog niya.

 

Sinubukan

kong i-chat si Daisee. Na walang katotohanan ang sinabi ni Dewji. Na-seen niya

iyon pero ilang minuto lang, naka-blocked na ako sa kanya. Inumpog ko ang ulo

nang ilang beses.

 

 

 

Courage

is fire, and bullying is smoke.–Benjamin Disraeli

 

Posted.

 

 

 

Hinintay

ko na may mag-retweet ng tweet ko or mag-like man lang pero umabot na ang ilang

oras ay wala akong natanggap ni isa.

 

Kapag

may kinaiinisan ako, nagsi-search ako ng quotes about it and pino-post ko.

Syempre, hoping din ako na may makapansin.

 

Attention

seeker na ba ako noon? Hmmm, hindi ko alam basta ang alam ko nakakakuha ako ng

ginhawa sa pagpopost though medyo masakit kapag walang pumapansin.

 

Hindi

kasi ako sikat. Hindi ba ganoon naman? Kung minsan naghahanap tayo ng simpatya

sa social media.

Naghihintay

ako sa tita ko. Sabi niya, susunduin niya raw ako pero anong petsa na, wala pa

rin siya. Nandito ako sa gate at naghihintay.

 

Napabalik

ang tingin ko sa school gate namin. Naroon pa rin pala sa gilid ang malaking

tarpaulin ng mga student government na nanalo at ngayon ang umpisa ng termino.

 

Nakita

ko na naman ang lalaki sa section 1. Lumapit ako at pinagsusuntok ang mukha

niya, hindi pa ako nakuntento at sinipa ko. Nag-double spin pa ako.

 

Natimbuwal

ako nang makita ang totoong McKenvi Concepcion. Mabuti na lang at naiapak ko

nang mariin ang mga paa ko sa lupa.

 

Kumurap-kurap

lang siya bago ibinaling ang tingin sa tarpaulin niya na medyo nalukot dahil sa

suntok ko.

 

Nakailang

lunok ako ng laway habang hinahawi ang buhok ko papunta sa likod ng tainga.

 

Naalala

ko tuloy ang araw na kailangan nila magbigay ng plataporma. Nang siya na ang

magsasalita, napatawa niya ang buong campus.

 

"I don't

want to be the president. Please don't vote for me."

 

Dahil

tipikal kaming estudyante, binoto namin siya. Siya lang naman ang anak ng

may-ari ng pinakasikat na mall sa Pilipinas. Naisip ko na baka kapag binoto ko

siya, maraming matatakot sa kanya at sumunod sa rules niya.

 

Pero

nagkamali yata ako. Wala siyang kwenta.

Naramdaman

ko na lang na lumagpas siya sa akin. Nagtuluy-tuloy siya sa kotseng nakaparada

sa gilid ng kalsada.

 

Sinundan

ko siya ng tingin habang sumasara ang bubong ng convertible niyang kotse kasama

ang isang driver. Nagkatinginan na naman kami pero siya na ang nagbawi ng

tingin kasabay ng pag-alis ng kotse.

 

'Ang

weird naman niya.'

 

SUNUD-SUNOD

na tunog ng notifications ang narinig ko mula sa phone. Pumupungas na kinuha ko

ang phone ang tiningnan ito. Kahit nanlalabo pa ang mata, nakita ko na napakaraming

notifications sa social media ko.

 

Karaniwan

ng nagko-comment ay sa old photos ko. Iisa lang ang pahiwatig ng comments and messages

nila.

 

Hate.

Hate towards

me.

Hate? Bakit

anong ginawa ko?

Bumalikwas

ako ng bangon at mariing binasa ang mga ito. Hindi ko na kailangan pang isa-isahin

dahil ang puno't dulo lang ay ang chika na kami na ni Dewjian at ako ang dahilan

kung bakit sila nag-break.

 

Halos sumabog

na ang messages ko dahil sa mga chat ng schoolmates ko. May isang anonymous na nag-post

tungkol sa aming tatlo.

 

I saw some

of my teacher's comment about the issue and in a blink of an eye, the post got deleted.

But that can't change anything.

 

Natulala

na lang ako na naibaba ang phone ko.

Paano papasok

nito? Kasisimula lang ng school year, na-issue na agad ako. Ginulu-gulo ko ang buhok

sa sobrang inis. How I wish lang na sana hindi na ito makarating kina mama at tita.

Kung hindi, patay talaga ako.

Natuon ang

tingin ko sa phone nang may tumawag. Agad kong sinagot nang makita ang pamilyar

na pangalan.

"Hoy, ano

wala kang gagawin?" bungad ko sa kanya.

 

"Goood mooorniingg!"

panunudyo niya habang tumatawa.

"Buwisit!

Makita lang kita sa school, patay ka sa akin."

"Hihintayin

kita."

"Game on,

you jerk!"

Nagmamadaling

nag-ayos ako para pumasok. Anong akala nila sa akin, bibigay na lang bigla? Napakatagal

kong itinaas ang sarili kong confidence. Hindi ang katulad ng ganitong pangyayari

ang sisira sa lahat. Lalaban ako. Hindi ako magpapatalo lalo na kay Dewjian. Neknek

niya.

 

Nagmartsa

ako pababa at walang sabi-sabing kumain nang mabilis. Alam kong nagtataka ang tita

ko sa kinikilos ko pero wala akong panahon magpaliwanag.

 

"May world

war 3 ba? Mukhang naghahanda ka sa gyera," wika niya at inabot ang platong may itlog.

 

Nilunok ko

ang kinakain. "Tita, sorry. Kung may magawa man ako, bahala ka na sa akin."

 

"Papatay

ka ba ng tao? Siguraduhin mong wala kang iiwan na ebidensya, ha?"

Natigilan

ako sa pagnguya. Pambihira talaga ang mindset niya. Ang lawak ng imagination.

"Lahat po

ba ng author katulad niyo po mag-isip? Super advance."

Hindi ko

ipinapaalam sa iba pero frustrated writer ang tita ko. Hindi nga lang pumapasa ang

manuscript niya. Puro kasi patayan ang nasa isip niyan.

 

"Susubukan

ko pa lang magsulat ng teen fiction. Ipapasa ko sa sikat na publishing. Kuwentuhan

mo ako ng mga ganap ninyo sa school ha. Baka magamit ko."

Muntik na

akong mabulunan sa sinabi niya. "Tita, 'di ba malawak naman ang imagination niyo.

Kaya mo na 'yan. Saka nag-high school ka rin."

"Boring high

school ko e. Puro ako pag-aaral. Kung marunong lang akong lumandi non naku baka

may tito ka na ngayon."

Tumayo na

ako nang makit sa wall clock na mali-late na ako. "Alis na ako, Tita. Magko-commute

po ako ngayon."

"Ihahatid

kita!"

"H'wag na

po. Bukas na lang."

Matulin akong

tumakbo para hindi niya mahabol. Patay talaga ako kapag nalaman niya mga nangyayari

sa school.

 

PAGKAPASOK

ko sa building ng grade 10 ay bigla akong natalisod. Tumama ang siko ko sahig. Mahinang

napasabi ako ng 'ahh' habang hawak ang siko ko.

 

Nagtawanan

ang mga schoolmate ko. Akala ko sa wattpad lang ito nangyayari. Hindi ko akalaing

pati sa akin mangyayari.

Agad akong

tumayo at pinagpagan ang sarili. Nang-iinsulto ang mga tingin nila sa akin.

"Hey, Saz.

I'm Jake," pakilala ng lalaki sa harapan ko. Hindi ko nagustuhan ang pagngisi niya

at pagtaas ng isang kilay. Nakakaasiwa.

 

"Tinanong

ko ba," mataray kong sabi. Nilagpasan ko

siya pero pinaligiran ako ng mga lalaki.

"Pakipot

pa 'to, malandi naman," sabi ng isa sa lalaking nakapaligid sa akin.

"Tara, Saz.

Movie date tayo. Libre ko pero syempre alam mo na ang kapalit."

Nagpanting

ang tenga ko at walang anu-ano'y hinampas siya ng hawak kong folder.

Hindi ako

papayag na babastusin lang ako ng mga lalaking walang kwenta. Hindi ko mapapalagpas.

Hinablot

ko siya sa kwelyo na ikinagulat niya. "'Wag mo akong gayahin sa mga tangang pumapatol

sa kupal na katulad mo. 'Wag mo akong binabastos, baka gusto mong basagin ko 'yang

muk—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may humila sa buhok ko.

 

May kung

ano sa utak ko na nagsasabing hindi nila pwedeng gawin sa akin iyon. Bumibilis ang

pintig ng puso ko at gusto kong magwala.

"Malandi

kang babae ka! Akala mo maganda ka? Mukha namang laspag ka na."

Binitiwan

ko ang lalaking hawak ko kanina. Umikot ako paharap sa lalaking sumabunot sa akin

at tatlong beses siyang sinuntok sa tiyan.

Hindi ko

namalayan na nabugbog ko na pala silang lima. Para akong nasa cloud 9 matapos gawin

iyon. Parang may saya akong naramdaman. Ibang pakiramdam.

 

Bumangon

ang isa kaya lumapit ako at sasalubungin sana siya ng suntok pero may pumigil sa

kamay ko. Nang makita ko ay tila nawala ang pakiramdam kong nasa alapaap ako. Tsaka

ko namalayan na maraming tao na palang nakapaligid sa akin. Maging sina Daisee at

Dewji ay nakita ko.

 

"Stop it,"

mahina ngunit may awtoridad na wika ni McKenvi. "You're bleeding."

 

Saka ko lang

napansin na nagdudugo na ang kamao ko. Napatingin ako sa paghawak niya sa kamay

ko. Malakas ko iyong binawi at masamang tiningnan siya.

"Nandito

ang student council. Magsumbong na kayo," hamon ko sa kanila.

 

Tumingin

ako sa mga nakapaligid. "Makinig kayong lahat. Wala akong pakialam sa iisipin ninyo

at kung maniniwala kayo. Hindi ko inagaw si Dewjian kay Daisee. Yuck lang. Subukan

ninyong bullyhin ako. Hindi ako aatras. Wala akong pakialam kung mayaman kayo, may

kaya o may kabangan lang. Papatulan ko ang kulit niyo."

 

"Hindi kami

naniniwala na wala kang gusto kay Dewjian. Balita ko nga e, sinusundan mo sila kapag

nagdi-date," wika ni Angela na kaklase ko.

 

"Oo nga.

Tsaka pambansang third wheel ka. Inggit na inggit ka sa best friend mo," sabi ni

Iya.

Naikuyom

ko ang aking kamao. "Wala akong gusto sa kanya."

"Edi kung

hindi siya, sino pala ang gusto mo? Bakit bumubuntot ka sa kanila. Tuloy, nasira

ang relationship nila," wika pa ni Jana.

 

Hanep puro

mga kaklase ko ito ah. Itong tatlong itlog na ito talaga basta sa maritesan ang

bibilis.

"May iba

akong gusto," sabi ko na lang.

"Sino, ituro

mo nga."

"Oo nga,

ituro mo."

"Ituro, ituro!"

 

Napalingon

ako sa kanya. Bahala na. Ito na rin ang way ko para malaman niyang crush ko siya.

Live your life to the fullest. Hindi ba?

 

Kailan pa

siya nandito. Sandali, nakita niya kaya ang ginawa ko? Hala, nakakahiya.

"Siya." Nakapikit

ako na tumuro sa kung saan siya nakapwesto.

Imbes na

umulan ng pambubuyo ay natigilan ang lahat.

Marahil hindi

nila akalain na magiging crush ko siya. Sino ba ang hindi kikiligin kay…

Naibaba ko

ang kamay nang makita ko ang naituro ko.

Anong ginagawa

niya riyan?