Ravana's POV
"Hindi mo na ata nakakasama kasintahan mo, Ravana." kumunot ang noo ko nang dumating si Ragnar na may dalang hugasin.
"Ikaw maghugas niyan, patapos na ako rito." sinamaan ko siya nang tingin, pero ningitian niya lang ako kaya mas lalo akong nainis. "At hindi ko siya kasintahan."
Hindi ko alam bakit gusto nila magkaroon ng kakambal habang ako iritang-irita na sa pagmumukha niya kahit magkamukha lang naman kami.
"Talaga? Ngunit palagi ko kayong nakikita magkasama." ngumuso siya sakin bago ako inakbayan at nilapitan ang mukha ko kaya tinulak ko siya papalayo.
"Ano ba, naghuhugas ako oh." iritado kong saad at mas sinamaan siya ng tingin.
Kalmado lng siyang napahagikhik na parang dalaga lang na nakikipagbiruan sa mga kaibigan niya.
AHHHHHHH NAKAKAINIS KASI GINAGAWA NIYA YUN! EH NAKIKITA KO DIN ANG PAGMUMUKHA KO SA KANYA, HINDI BA SIYA NAHIHIYA NA UMAASTA SIYANG MALAMBOT NA PARANG DALAGA?!
"Tigilan mo yan." huminga ako ng malalim bago binalik ang atensyon sa paghuhugas. Hindi ko nga namalayan na palihim niyang nilagay ang platong dala-dala niya kanina.
"Ang alin, Kuya?" inosenteng at mahinhin na tanong niya kaya marahas akong napatingin sa kanya at gustong gusto na siyang sakalin.
GINAGAYA NIYA PATI BOSES NG BABAE!?
"Alam mo ba kung anong maaaring mabasag ngayong araw?" seryoso kong tanong sa kanya. Inosente niyang ikiniling ang ulo niya at kunwari walang alam.
"Plato?"
"BUNGO MO! UMALIS KA NA NGA RITO!" tumakbo lang siya nang inakma kong hahampasin ko siya ng plato.
"MAMA OHH SI KUYA HAHAHAHAHAHAHA."
Huminga lang ako nang malalim habang tinitignan ang pintuan kung saan lumabas si Ragnar. Hindi naman siya umaastang ganun sa iba, sa akin lang kasi alam niyang naiinis ako kapag ginagawa niya yun lalo na magkamukha kami.
Ginulo ko ang ulo ko dahil sa inis, kahapon pa ako iritado dahil hindi ko na nakikita ng madalas si Eli tapus may isa pang sumisira ng araw ko.
"Pinaghihirapan talaga ni Kuya Ragnar na inisin ka, Kuya Ravana." nagulat ako nang may nagsalita sa labas ng bintana ng kusina namin.
"Regina...ginulat mo naman ako." napahawak ako sa dibdib ko at napahinga ng malalim nang makitang si Regina lang pala ang tumatanaw sa labas.
"Nanghihiram pa yun ng mga palamuti sa mukha galing sakin para magmukha raw siyang babae." napairap nalang ako sa sinabi niya. Kaya pala ang puti ng mukha niya kanina at medyo mapula ang labi, "Nasanay na siyang ganun, pati nga lumabas papuntang palengke."
"Baka pagkamalan siyang bakla." saad ko at binalik ang atensyon sa paghuhugas, natatagalan tuloy ako rito.
"Alam mo naman yun, wala yung pake kung anong sabihin ng iba tungkol sa kanya." tugon niya at itinukod ang mga braso niya sa bintana, "Kahit sobrang magkahawig kayo, ang daling sabihin na ikaw si Ravana at siya si Ragnar kasi ang puti niya palagi tapus ikaw..." kumunot ang noo ko nang pinutol niya ang sasabihin niya kaya napatingin ako sa balat ko.
"Hindi naman ako maitim."
"Wala naman akong sinasabi ah." sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Nagulat siya nang lumingon ako sa kanya kaya umiwas siya ng tingin.
Pati ba naman siya iniinis ako sa araw na ito?
"Kaya hindi ka gusto ni Vinaya eh." natigilan ako sa sinabi niya, dahil na rin sa pagbanggit niya sa pangalan na yun.
Oo nga pala, hindi na namin siya maaaring tawagin sa pangalan na kinagisnan niya.
"Hindi naman siya ang gusto ko." mahinang sambit ko habang tinatapos ang paghuhugas. Nakakainis talaga, tapus na sana ako kung hindi dinagdagan ni Ragnar.
"Hindi ka ba masaya para sa kanya?" tanong ni Regina. Hindi nga ba ako masaya?
Hindi ko din alam...mula noong araw na yun, hindi ko malilimutan ang mga ngiti na pinapakita niya sa lahat pero hindi nila nakikita ang lungkot sa mga mata niya. Hindi nagsisinungaling ang mga mata, at sa araw na yun ay sobrang tamlay at parang nawalan ng kulay ang mga iyon.
Isa sa mga rason ko kung bakit ko siya nagustuhan ay kung gaano kaganda ang mga mata niya. Kung paano lumiwanag at kasaya ang mga ito kapag nakakalabas siya at maramdam ang kalayaan na inaasam niya noon pa.
Kahit alam ko na sakal na sakal na siya sa pamilya niya ay wala parin akong ginawa upang tulungan siya, habang siya ang dami na niyang naitulong sa pamilya ko.
Kaibigan niya ako at dapat ako ang nakakaalam sa kanya ng lubusan.
Napalingon ako sa paligid—kaliwa't kanan kung may tao ba. Tutulungan ko siya ngayon, hindi pwedeng dito matapos ang kalayaan na inaasam niya.
Buti at alam ko kung saan ang sikretong lagusan na ginawa ni Eli at ng kapatid niya na si Olivia. Ginawa lang nila ito upang palihim na makatakas sa mansyon nila nang hindi namamalayan ng mga magulang nila.
Nakapasok na rin ako rito noon ng palihim, upang ibigay sa kanya ang ginawang sopas ni Mama noong may sakit si Eli. Tinulungan din ako noon ni Olivia, baka sakali raw na wala siya ay alam ko na kung saan ang kwarto ni Eli.
May malapit na punong kahoy din sa balkonahe niya at madali lang akyatin.
Nang makaakyat ako sa balkonahe ni Eli ay kumatok ako at nagdarasal na siya lang mag-isa ang nasa loob ng kwarto niya o kaya kasama si Olivia.
"Rav?!" gulat na tanong niya at tinignan ang paligid bago ako hinila papasok sa kwarto niya. "Bakit ka nandito?! Nababaliw ka na ba?!" bulong na sigaw niya sakin.
Nakasuot siya nang puting bestida at may mga kulay puting palamuti sa buhok. Mas nagmumukha na siyang Dyosa dahil sa mga ito kaya hindi ko maiwasan mapatulala sa kagandahan niya.
"Rav!" natauhan ako nang tinawag ako ulit ni Eli at tila galit na galit siya, "B-Bakit ka nandito—ayy hindi, dapat umalis ka na." aniya niya at tinulak ako upang papalabasin sa balkonahe niya, eh kakapasok ko palang ah!
"Eli—"
"Vinaya, tandaan mo." pagtatama niya bago tinigil ang pagtulak sakin papalabas at yumuko.
"V-Vinaya..." hindi ako sanay na tawagin siyang ganun. "A-Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Tumango lang siya sakin at alam kong nagsisinungaling siya kaya hinawakan ko ang pisngi niya at dahan-dahan na inangat ang tingin niya sakin. "Ayos ka lang ba, Elizabeth?" nakasimangot lang siyang tumingin sakin at tila iiyak na. Umiling-iling siya sakin at niyakap ako bigla.
"H-Hindi! H-Hindi ako maayos, Rav. Hindi ko ito gusto! Hindi ko gusto ang responsibilidad na ito. Nasasakal na nga ako dito sa bahay, ngayon pa kaya na halos lahat ng mamamayan dito umaasa na rin sa akin. B-Bakit ako pa? Madami namang iba ryan. Rav, hindi ko kayang manatili ng ganito habang buhay." yinakap ko siya pabalik at hinahaplos ang likuran niya.
Ngayon ko lang siya na nakita na umiiyak ng ganito. Tumatawa lang kasi siya habang sinasabi niya kung gaano siya sinisermonan ng mga magulang niya kapag nagkakamali siya o hindi nasunod ang mga gusto nila.
"Tumakas tayo, Eli. Tutulungan kita." natigilan siya sa sinabi ko at kinalas ang pagkakayakap sakin. Seryoso ko siyang tinignan habang siya ay naguguluhan at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"P-Paano? B-Bata palang tayo."
"Bente anyos na tayo."
"K-Kahit na. Sa tingin mo ba mabilis tayo makakaalis sa bansang ito na hindi tayo nahuhuli? Paano ang pamilya mo? H-Hindi ko rin pwedeng iwan si Olivia mag-isa." sagot niya sakin kaya napabuntong hininga ako. Alam ko na mahihirapan akong kumbinsihin siyang umalis, pero tama naman siya.
Hindi ko rin pwedeng pabayaan sila Mama at Papa.
"P-Pero iniisip ko lang ang kapakanan mo, Eli." mahinang kong saad at yumuko. Yun lang ang paraan para maging maayos siya at maitago na sa iba na isa na siya ngayong Divine.
"Vinaya nga, Rav."
Tama...b-bakit pa siya? Masyado na ba talaga siyang mabait at maalalahanin?
"Isipin mo kahit kunti ang sarili mo. Hindi puro sila dyan at sila dito ang inaatupag mo." tugon ko at hinawakan ang braso niya, "Sa ngayon, naiintindihan mo ba kung bakit ikaw?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya umimik at ilang segundo rin kaming na tahimik, habang nakatayo at nakatingin lang sa mga paa namin. Kung kaya ko lang sana siyang dalhin kahit saang lugar na makakaramdam siya ng kalayaan ay matagal ko ng ginawa.
"Inuuna mo sila—kami, kahit walang wala ka na ay nagagawa mo parin tumulong. Kahit isa ka ng Divine ay hindi mo ito ginagamit upang sundin ka nila at sambahin ng mga tao, imbis iniisip mo na dumami ang responsibilidad mo at hindi mo sila kayang biguin. Ang hinahangad mo lang ay kabutihan at kapakanan ng iba, kaya sa ngayon nararamdaman mo at naiisip mo na baka hindi mo kaya, na nabibigatan ka na." saad ko kahit hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko sa kanya. "Kaya sa ngayon, tumayo ka ng matatag habang iniisip ang sarili mo, na kahit na sino man ay walang makakautos sayo at kayang kaya mong mamuhay ng malaya habang tinutulungan sila sa makakaya mo ng hindi mo pinipilit ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman kayang gawin."