Kevin's Pov.
Masayang umaga ang bumungat sa aking pag gising dahil isang magandang nilalang ang aking nasilayan pinagmasdan ko ang maamong mukha ni Yuhan habang ito ay mahimbing na natutulog, kaya't hinayaan ko siya munang matulog, at bumaba na muna upang maghanda ng umagahan ngunit pag baba ko ay marami ng nakahanda sa mesa. Dahil naka pag luto na pala sila Mommy at mama.
"Goodmorning anak Kevin!" - saad ni mama ni yuhan.
"Goodmorning din Anak ko! -" - masayang bati ni mommy habang bitbit ang isang pitchel ng juice.
"Anak gisingin muna si Yuhan at kakain na tayo" - saad ni daddy at binuksan ang Tv. Dahil dun bumungad samin ang balita tungkol sa sunog sa bilibid kung saan naka kulong si Zaila.
"Diba jan nakakulang si Zaila? Anak?" - tanong ni papa ang papa ni Yuhan at napatango ako. Ngunit nagulat ang lahat ng ma sabi sa balita na maaring kasama sa nasunog si Zaila. Kung totousin para akong nabunotan ng tinik ngunit may kauning malasakit o awa akong naramdaman kahit papano naging parte padin siya ng buhay ko.
"Nakakaawa siya hindi ko hiniling ang ganitong bagay ngunit nanyari siguro tadhana na ang nagparusa sa kanya." - saad ni daddy.
"tama po kayo sana maging panatag na siya" - saad ni Yuhan na pababa na ng hagdanan.
"Tara na kumain na tayo saad ko at nag sipag upo na kaming lahat masayang umagahan parang naramdaman ko ang isang buong pamilya. Matapos naming mag umagahan ay naiisipan namin ni Yuhan bumalik sa Isla. Kung saan nag simula ang lahat samin dahil malapit na ang kanyang kaarawan wala siyang ka alam alam na my surprisang nag aabang sa kanya. Ngunit dahil sa isang importanteng meeting ay pinauna kona si Yuhan sa isla. Sumang ayon naman siya at nag hiwalay kami ako papuntang importanteng meeting siya ay papunta sa surpresa ko sa isla.
Someone's pov.
Habang binabagtas ni Yuhan ang dagat papuntang kabilang isla nakakaramdam siya ng kaba ngunit excited na makasama si Kevin sa isla kung saan nag simula ang lahat sa kanila. Ng makarating siya my sumundo sa kanya isang sasakyan. Natuwa siya dahil sa kabaitan ng kasintahan nito at ginawa ang lahat para maging ligtas ang pagkakarating niya sa bahay nila sa isla. Ngunit ng makarating siya sa bahay nila madaming tao hindi kapitbahay kundi mga armadong tao.
"Parang may mali?" - saad ni Yuhan sa kanyang isipan.
"Saglit! bakit maraming bantay?" - saad ni Yuhan sa katabi niyang lalaki.
"Ito ang utos ni boss Kevin para maging ligtas ka!" - saad ng lalaki.
"Ligtas kanino? Hindi may mali dito!" - akmang tatakas niya bigla siyang sinikmuraan ng lalaki kaya na milipit siya at biglang pinalo sa batok dahilan para mawalan siya ng malay.
Kevin's pov.
Kanina pako nag aantay sa ka meeting ko ngunit antagal na di padin dumarating, tinawagan ko ang secretary ko sabi on the way na, kaya paman nagbalak nako umalis baka naiinip na si Yuhan. Akmang aalis nako ng bigla akong nakarinig ng pamilyar na boses.
"Aalis kana? Sayang naman kung di mo ako ma memeet?" - saad ng pamilyar na boses, ng ibaling ko ang tingin ko tama ako siya nga si,
"ZAILA!" - sambit ko.
"Ohh na gulat kaba? Dimo inexpect? O di kaya naniwala kayo na patay na talaga ako?" - saad niya sabay tawa ng malakas na para bang kabag sinabayan ng kulog at kidlat maging witch na sa snow white and 7 dwarft.
"pwede ba Zaila wala akong oras sayo!" - saad ko sa kanya at tumalikod ngunit nakuha niya ang attention ko ulit sa mga sinambit siyang mga salita.
"Wag kang mag alala Kevin na sa mabuting kalagayan si Yuhan! Yun nga lang tatakas daw siya kaya nasaktan siya!" - saad ni Zaila na siyang ikinaakyat ng dugo ko akmang susugurin ko siya ay my humarang sakin.
"Hayooop!! Ka!! Zaila!! Wag mong sasaktan si Yuhan!! dahil kung sasaktan mo siya ako ang papatay sayo!" - pag babanta ko sa kanya.
"Well di siya masasaktan kong magiging mabait siya!" - saad ni Zaila.
"Anu ba ang gusto mo?" - saad ko sa kanya.
"simple lang naman ang Kompanya pumunta ka ikatlong araw sa isla sa abandonadong gusali sa likod ng flowers farm sa mismong kaarawan niya dun mo pepermahan ang kontrata! Ikaw lang mag isa wag na wag kang mag susumbong sa mga pulis kung hindi di mo maliligtas ang taong mahal mo!" - saad ni Zaila at umalis kasama ang mga body guard niya.
" Hindi ko akalain ganun kasama ang ugali ng Zaila nayun naawa pa ako sa kanya pero may pagkademonyo pala yun!! "- saad ng mama ni yuhan na ngayon ay nag aalala sa anak.
" Anung gagawin natin anak?" - saad ni Daddy na ngayon nag aalala na din para kay Yuhan.
" Honey gamitin mo ang connection mo para tulongan ang mga anak natin.! "- saad ni mommy na ikinabahala ko.
"wag mom dad!! Mapapahamak si Yuhan! Susundin ko ang gusto niya!" - saad ko sa kanila at iniwan sila at lumabas ng bahay.
Yuhan's pov.
"Kamusta Yuhan masarap ba ang tulog mo?" - saad nang pamilyar na boses. Ngunit ng tignan ko ito ay nagulat ako.
"Zaila? Buhay ka?" - saad ko.
"Oo buhay na buhay at ngayon ikaw naman ang nasa bingit ng kamatayan!" - saad ni Zaila.
"Anung pinaplano mo?" - saad ko.
"Simple lang ang bumalik ang dati kong buhay pag nakuha kona ang yaman at pera ng mga Guerrero! At kapag mapapatay kona kayo! " - saad niya
"Nahihibang kana talaga! Baliw kana! Dapat sayo sa mental!" - saad ko ngunit sinampal niya lang ako ng napakalakas.
"Kung ako sa mental ikaw dapat ka sa kabaong at unti unting kinakain ng mga uod!!!" - sigaw niya at sinampal ako ng kaliwat kanan.
"demonyo!!!" - sigaw ko.
"Oo demonyo ako dahil sa inyo ni Kevin!! Akala mo ba talaga ibibigay kita matapos ng kasunduan hindi niya alam na sabay ko kayong papatayin!!" - saad niya sabay humahalakhak sa tawa.
"Kevin sana di ka mag papaloko kay Zaila, kasalanan ko to dahil sakin nayari ang lahat ng ito kailangan ko makatakas dito kailangan kung mapigilan si Kevin na pumunta. Ngunit papano?" - saad nito sa kanyang sarili.
Someone's pov.
Lumalapit na ang araw at mas lalong natatakot at na ngangamba ang pamilya nila Kevin at Yuhan sa pangyayari. Habang si Zaila ay nagpapakasaya dahil alam niya ngayon ay lamang na siya at mukhang mag wawagi siya sa pagkakataong ito. Ngunit ang mga isip ni Kevin ay hindi nahuhulaan kung anu ba ngaba ang plano niya ang tanging pangako lamang niya sa pamilya nila ay ililigtas niya si Yuhan at ibabalik itong buhay at magpakalayo layo na silang lahat. At magsimula ng panibagong buhay. Ngunit natatakot padin siya sa posibleng mangyari ngunit nakahanda siya para sa taong mahal niya.
"Anu na ang plano mo Kevin? Di pweding hahayaan nalang natin si Yuhan!" - saad ni Mico.
"Kaya ako nandito para humingi sayo ng tulong" - saad ni Kevin kay Mico.
"Tulong sige basta kay Yuhan alam mo naman na mahal na mahal ko siya handa ako para sa kanya!" - saad ni Mico.
"Kung ganun maasahan nga kita basta sundin mo lang ang mga plano ko siguradong maiiligtas natin si Yuhan," - saad ni Kevin at muli nagkatinginan ang dalawa na para bang magkapatid at magkasundo. Na kahit ang totoo ay pareho nilang hindi gusto ang isat isa sa ngayon muli silang mag tutulongan para sa isang taong mahal na mahal nila.
ISLA (BXB)
Written by :
LEMONPENSNOTE