Chereads / ISLA (BL Series) / Chapter 20 - SPECIAL CHAPTER : The Last Smile

Chapter 20 - SPECIAL CHAPTER : The Last Smile

Someone's pov.

"Mare!!! Ito na ang mga paburitong seafoods nila Yuhan at Kevin dali bilisan na natin sigurado akong gutom na gutom na sila!" - sigaw habang nagmamadaling naglalakad ang ina ni Kevin. Oo tama nag hahanda sila ng mga paboritong pagkain nila Yuhan at Kevin dahil dadalawin nila ang mga ito.

" dahan dahan lang kayo masyado pang maaga alam ko naman na maiintindihan kayo ng mga anak natin." - saad naman ng ama ni Kevin.

"Oo nga naman kumare mababait ang mga anak natin alam kong makakapaghintay sila" - masayang saad ng ama ni Yuhan.

Masaya ang mga ina at ama nila habang hinahanda ang mga paboritong pagkain ng kanilang mga anak hito ang masayang araw nila at hinding hindi nila itong palalampasin. Dahil maging payapa na muli ang kanilang mga buhay.

"Pare alam mobang magaling si Yuhan sa chess?" - pagmamalaking saad ng ama ni Yuhan.

"Aba ei magaling din sa chess si Kevin pare!" - proud din na saad ng ama ni Kevin.

"Aba ei cge nga maglaro tayo para pag dumalaw tayo sa kanila ei handa tayo!" natatawang saad ng ama ni Yuhan.

"Aba gusto ko yan father vs son" - saad ng ama ni Kevin tapos na pahalak halak sila ng tawa.

Sapagkakataon nato natoto nadin makisalamuha ang ama ni Kevin sa ibat ibang tao iniwan na nila ang buhay na marangya mas pinili nilang ang buhay na simple lang pero tahimik, buhay na pinangarap ni Kevin mula noon.

"Aba! Ang saya niyo ahh?" - saad ng ina ni Kevin sa harap ng dalwang mag kompare

"Oo nga malalate na tayo dali na baka maiinip na sila Kevin at Yuhan niyan!" - hirit naman ng ina ni Yuhan.

Sa lahat ng masamang nayari sa buhay nila, may maganda din itong naiidulot para sa pamilya ni Kevin, dahil natotonan nilang magpakumbaba at tumingin sa baba kahit na nasataas pa sila, bagay na gawain ng kanilang anak sa mga panahon na naliligaw sila ng landas.

"Alam niyo masaya ako at kayo ang nakilala ng anak ko mga kompare at komare dahil sa inyo ngayon di nako naliligaw ng landas dahil sa inyo natutunan kona din ang tunay na kahulogan ng pagmamahal at pamilya" - mahabang saad ng ama ni Kevin.

"Ano kaba pare tama nayang drama tara na baka galit na ang mga anak natin kakahintay sa atin dahil ang tagal natin" - natatawang saad ng ama ni Yuhan dahilan para matawa silang lahat, sumakay na sila ng Van tapos umalis na ito.

"Mahal! Masaya ako na magkasundo na ngayon ang pamilya natin, tanggap ang meron tayo ngayon!" - saad ni Yuhan kay Kevin habang nakaupo sila sa isang upuan kung saan tanaw ang kabuohan ng Isla.

"Ako rin Mahal masaya ako kasi Magkasama na tayo ngayon! At tahimik na ang mga buhay natin dahil wala ng mangugulo" - saad ni Kevin sabay halik sa noo ni Yuhan.

"Ito yung matagal konang pangarap ang makasama ka habang pinapanuod ang pag sikat ng araw at paglubog nito" - saad ni Yuhan.

"Alam mo ba mahal dati pangarap ko nung di pa tayo nagkita ay makasama ang girlfriend ko manuod ng sunrise at sunset kaya nung inaya moko manuod noon dun ko naramdaman na mahal na kita" - malalim na saad ni Kevin.

Matapos ang pag uusap unti unting sumisikat ang araw kasabay nun ang pag dampi ng mga labi nila sa isat isa parang ilaw na hinaharanagan ni lang araw para silang aninong nag hahalikan.

"Ilove you forever mahal!" - saad ni Kevin.

"Ilove you too forever mahal!" - sagot naman ni Yuhan.

"Tara na mahal nag aantay na sila mama at papa natin sa baba baka andun na sila" - hirit na saad ni Yuhan na dahilan para mapatawa ng kaunti ni Kevin.

"Oo nga pala sila mama pala" - natatawang saad ni Kevin.

Sahaba haba ng bayahe at layag ng bangka nakarating nadin sila ng isla masaya silang naglalakad sa isang mahangin na lugar at sa ilang sandali nakarating nadin sila.

"Mga anak! Pagpasensyahan niyo na ang mga mama at papa niyo ahh matanda na kasi kami kaya natagalan." - saad ng mama ni Yuhan habang unting unting dumadaloy mula sa kaniyang mga mata ang isang patak ng luha.

"Oo nga mga anak isang taon na din ang lumipas mula nung masakit na nayari" - saad ng ama ni Yuhan.

[FLASHBACK]

ONE YEAR AGO!..

"Sa tingin moba hindi ako malakas?" - sigaw na saad ni Zaila kay Mico.

"Dahil pakealamero kalang din naman mas ok na mauna kana sa kanila!" - hirit pang nakangiti saad ni Zaila sabay totok ng baril at pinutok natamaan si Mico sa dibdib.

"Mico!!!!" - sigaw ni Yuhan.

"Gusto moba makita siyang tuloyan mamatay?" - saad ni Zaila. Sabay totok sa ulo ni Mico ng baril.

"Wag Zaila!! Plss maawa ka sa kanya!!" - sigaw na saad ni Yuhan habang hinihila siya ni Kevin palayo.

Dahil inip na inip na si Zaila pinutok niya ang baril dahil para tuloyan na namatay si Mico sabay ng pagbagsak ng katawan niya ang isang nakakaawa niyang saad.

" Sorrrry!! Yue di nakita maliligtas!" - nauutal na saad ni Mico.

Dahil sa bilis ni Zaila pinutok niya ang baril ulit kay Yuhan pero inikot siya ni Kevin at si Kevin ang natamaan, dahil mas nagalit si Zaila pinutok niya ulit ang baril at sa pagkakataon nayun inikot naman ni Yuhan si Kevin dahilan na siya din ang matamaan, sa mga panahon nayun iniisip ni Kevin na maiiligtas niya si Yuhan pero nagkamali siya. Ngunit nagulat sila ng may biglang pumutok at biglang natumba si Zaila. Ang daddy ni Zaila mismo ang pumatay sa kanya dahil hindi na niya ito kayang makita pa ang kasamaan niya akala niya nung iniligtas niya ito sa sunog at magkunwaring patay na ay tatahimik na si Zaila pero nag kamali siya dahil ito pa pala ang dahilan na mas lalo siyang naging masama.

"Ba-aaki-t!! mo yun ginawa?" - nauutal na saad ni Yuhan.

"Ayaw kitang masaktan kasi mahal na mahal kita. Kaya plss wag kana magsalita maliligtas ka ok?" - nauutal na saad din ni Kevin.

"Hindi mahal sabay tayo diba maliligtas?" - naiiyak na nauutal na saad ni Yuhan.

"Shhhhhh!!!..tiisin mo lang mahal maliligtas tayo" - nahihirapang saad ni Kevin.

"Mahal na mahal kita Mahal!" - nahihirapang saad ni Yuhan.

"Mahal na mahal din kita mahal wag kang pumikit ahh?" - hirap na hirap na saad ni Kevin.

"Mahal sakit ei nahihirapan nako huminga inaantok nako." - hirap na hirap at nag aagaw hininga ni Yuhan.

"Hindi hindi maliligtas ka mahal wag kang matulog plss mahal!!" - naiiyak at hirap na hirap na saad ni Kevin.

"Mahal plsss!!"

"Sorry Mahal!!"

Ngunit kahit anung pigil at pilit nilang lumaban pareho silang hirap, bawat salitang pagpapagaan sa pakiramdam nila sinasabayan yun ng mga luha sa mga mata nilang dalawa. Dahil dun unting unting pumipikit ang mga mata ni Yuhan habang pinagmamasdan siya ni Kevin na unti unti ding pumipikit kasabay ng pag pikit ng kanilang mga mata ang isang huling matamis na ngiti na nag sasabing "malaya na tayo mahal!". At isang butil ng luha ang pumatak mula sa nakapikit nilang mga mata. Kasabay nun ay ang pagdating ng kanilang mga magulang dinala nila sa hospital ang dalawa ngunit diniklara din itong dead on arrival dahil sa tagos sa puso ang kanilang tama kaya wala ng magawa ang kanilang mga magulang.

[END OF FLASHBACK]

"Ito padin lumalaban kami kahit wala na kayo sana naman masaya na kayo jan Kevin at Yuhan." - saad ng ama ni Kevin.

"Oo nga mga anak Andito kami dahil death anniversary niyo kaya ito yung mga paburito niyong dalawa ang hinanda namin ng mama niyo" - saad ng mommy ni Kevin.

Nag sindi sila ng kandila sa magkatabing puntod nilang dalawa saka binuksan at nag alay ng pagkain. Habang ang dalawang ama ay naghanda ng alak at nag umpisa na uminom.

"Mga mama at papa hindi niyo man po kami naririnig ni Kevin masaya po kami dahil lumalaban kayo kahit wala na kami" - saad ni Yuhan.

"Pangako ko po sa inyo iingatan at aalagaan ko si Yuhan diko po siya sasaktan" - masayang saad ni Kevin. Sabay halik at yakap si Yuhan.

.....THE END........

Sa bawat pamilya iba iba man ang pananaw o pagmamahal na naiibigay pare pareho naman may matutunan ibinahagi ko ang bawat uri ng pamilya sakim, matulongin, o mapagmataas ngunit pareho padin naman sila mamayan ng lipunan bagamat magkaiba man ang kanilang pananaw at pamumuhay ngunit dahil sa pagmamahalan nila Yuhan at Kevin ay naipakita nila na ang pamilya ay mahalaga at kayamanan ng anak, nasusukat din ang kanilang pagmamahal sa pamilya, respeto, at pananaw. Dahil din sa kanila namulat ang ama ni Kevin sa tunay na kahulogan ng pamilya at pagmamahal. At tanggapin ang tunay na nararamdaman ng kanilang anak. Pinapakita din dito na dapat makuntento din tayo sa kung anung meron tayo, at wag manloko ng ibang tao para lang sa pansariling interest, at dapat matotong tumanggap na pagkatalo, at higit sa lahat wag ipilit ang mga bagay na hindi naman magiging atin dahil siguradong maliligaw tayo ng landas at lalamunin ng kadiliman at kasamaan.

Ps: Ako po pala si Lemonpensnote author this book nag iiwan ng katagang Life isn't about Finding yourself but life is about Creating yourself.

Sana po basahin niyo din ang INNOCENT LOVER. Salamat ulit sa supporta mga ka readers.

ISLA(BXB STORY)

Written by :

LEMONPENSNOTE