Chereads / Deceitful Encounter / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

"Fuck! What are these?"

Ira's toasted breads flew in the air while her heart thumped fast as she heard Matthew's scream. She hastily picked the bread and looked where she heard the scream.

"Damn it! Who put these fuckin' ribbons to my hair?" Matthew shouted once again. His voice echoed in the whole house.

Ribbons?

Her eyes almost fell out when she realized what was going on. She was panting when she reached Matthew's room. The door was slightly opened and there she saw all the ribbons and other ponytails on the floor.

Iza

She took one step inside but she stepped on one of the ponytails and her butt faced the floor. But she didn't mind it at all because of what she saw in front of her. It was the half naked Matthew sitting on his bed with ribbons all around his messy curly hair.

Napaawang na lang ang bibig niya sa nakita. Gusto na niyang maiyak dahil alam niyang ang anak ang may kagagawan noon at hindi niya alam kung napatol ba sa bata si Matthew. Kahit medyo masakit ang balakang ay pinilit niyang makatayo at lumapit sa lalaki. Kitang kita sa mukha nito ang galit at parang handang pumatay anumang oras na malaman nito kung sinong naglagay ng mga ribbon sa buhok nito.

"Did you do this?! What the hell, woman!" Iritadong bulyaw nito sa kaniya.

Napangiwi na lang siya sa lakas ng boses nito. "I'm sorry. Uhm, gusto mo tanggalin ko?" Alinlangan niyang tanong habang itinuturo ang mga ribbon.

Nang hindi ito sumagot ay dahan dahan niyang nilapitan ito. Bago pa niya magawang hawakan ang mga ribbon ay nakarinig siya ng munting hagikhik at mukhang narinig din iyon ni Matthew dahil sabay silang nagpalinga-linga sa loob ng kwarto nito.

Nanlaki na naman ang mga mata niya nang may mahulog na isang ribbon mula sa nakaawang na walk in closet ng lalaki at tsaka niya na-realized na doon nagtatago ang salarin. Mangiyak ngiyak na siya nang mabilis na umalis sa kama si Matthew at inilang hakbang lamang nito ang walk in closet.

Handa na ang kaniyang palusot nang buksan nito ang pintuan pero wala siyang narinig na sigaw mula sa lalaki.

Mariin siyang napakagat labi dahil sa nakita. Parang nagtatagisan ng galing ang dalawa sa hindi pagkurap ng mga mata. Si Matthew ay nakahalukipkip habang si Iza ay nakatakip naman ang dalawang maliliit na kamay sa bibig at nagpipigil ng tawa.

"Who the fuck is this child?"

Doon lang siya natauhan at nagmadali sa paglapit sa anak. Parang hinahabol ng ilang kabayo ang dibdib niya sa bilis ng pagtaas at baba nito. Hinawakan niya si Iza at inilabas sa walk in closet.

"Hello. You really look cute with those ribbons. Can I do that again later, Sir? By the way, I'm Iza Hidalgo." Dire-diretso ang mga salita ng anak at naglahad pa ito ng munting palad kay Matthew.

"Hidalgo?" Mariin at may pang-uuyam na tanong ni Matthew. Bumaling ito sa kaniya at nagtaas ng kilay na parang nagtatanong kung totoo ang hinala nito.

Nanginginig na siya. Gusto na niyang hilahin ang anak palabas at magpakalayo-layo sa lalaki. Hahakbang na sana siya palabas pero maagap siyang napigilan ni Matthew. Malalaki ang hakbang nito sa pinto at ini-lock iyon.

"Hello, child. I'm Matthew Hidalgo," sabi nito. Inabot nito ang maliit na palad ni Iza. "Your brother."

Tinakasan siya ng dugo sa mukha at halos mamilipit na sa sobrang takot at kaba.

"Brother?" Manghang ulit ni Iza sa sinabi nito. Tumingin ang anak sa kaniya. "Mommy, why is my brother looks like your age? Paano mo pa siya naanak, super big po niya oh."

Nawala ang kaniyang kaba at napalitan iyon ng tuwa dahil sa mga sinabi ni Iza. Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Matthew sabay lapit kay Iza. Ginulo nito ang buhok ng bata at pagkuwan ay lumuhod sa harapan nito.

"Can you put these ribbons away from my hair?" Malumanay na tanong nito. Iza nodded and picked all the ribbons.

Matthew looked at her and smirked. And she didn't like that at all.

What will you do now, Matt?

***

"Come back here, Dad. Matthew is back!"

She walked back and forth while she talked to Collin over the phone. After Matthew and Iza met, she immediately called Collin to break the news.

"Calm down, Ira. Nothing will happen, okay? I'll be back after one week and we should celebrate," sagot nito. Malumanay ang pagkakasabi nito at halata sa boses ang saya.

"How can I calm down, Dad? She took away my daughter!"

"What?! What do you mean?"

"After saying he's her brother, he just took away Iza. Wala na akong nagawa nang isakay niya sa kotse si Iza. Sabi niya igagala lang niya ang bata pero hanggang ngayon hindi pa sila nabalik. Hindi ko rin siya matawagan."

She cried for how many hours. Matthew took Iza at eight in the morning and it's already nine in the evening. No news from the two since then.

"I'll call Matthew, a'right? Don't worry, I know Matt wouldn't do anything to Iza. I'll call you right away after this, huh?"

Nanlalambot na ibinaba niya ang cellphone. Hindi niya alam ang magagawa kay Matthew kapag nalaman niyang napahamak ang anak dahil dito.

I won't forgive you if you ever do something bad to Iza. Wala akong pakialam kahit anak ka pa ni Daddy

Wala pang labing limang minuto nang tumawag ulit si Collin.

"No need to worry now, Ira. Iza's in good hands. Napasarap lang daw ang paggala ng dalawa kaya natagalan. Pauwi na raw sila."

She sighed in relief. Parang nawala lahat ng daga sa kaniyang dibdib nang malaman na walang ginawa si Matthew sa anak.

"But why did he never respond to my calls?" Mariin na tanong niya.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang tinawagan ito pero hindi naman nasagot. Pero noong si Collin na ang tumawag ay nakasagot ito. Talaga yatang sinadya iyon ni Matthew para galitin at pakabahin siya.

Humanda ka sa akin mamayang bobo ka

"Hindi raw siya nasagot kapag unknown number ang nakalagay. Sorry about that, Ira. Pinagsabihan ko na siya," sagot ni Collin.

Pagkatapos ng tawag ay mabilis siyang naghanda ng hapunan. Para pagdating ng anak ay makakain na agad sila. Pero hindi niya alam kung makakakain pa ito dahil lampas na sa oras ng tulog nito kaya alam niyang nakatulog na ito sa biyahe o kaya ay inaantok na.

Pagkatapos maghanda ng hapunan ay naligo muna siya. Pagkalabas niya ng banyo ay halos humiwalay yata ang kaniyang kaluluwa sa sarili dahil sa naabutan.

She didn't manage to bring her clothes inside the bathroom since there were no people in the house except her. Kaya nagtapis na lang siya ng maliit na tuwalya sa katawan. Hindi naman niya lubos akalain na madadatnan sa kwarto si Matthew na nakaupo sa kaniyang kama habang tinatapik tapik sa likod si Iza na natutulog na.

Kung hindi nakalapit nang mabilis at tinakpan ni Matthew ang kaniyang bibig ay baka nagpakawala na siya nang malakas na sigaw at magising si Iza.

"Shit! Don't you dare open your mouth, woman. Baka magising ang anak mo," sabi nito. Hindi pa rin inaalis ang kamay sa bibig niya.

Marahan siyang tumango. Dahan dahan nitong inalis ang kamay pero dumantay naman iyon sa kaniyang baywang. Muli na naman sana siyang sisigaw dahil naalala niyang nakatapis lang siya ng tuwalya. Narinig niya ang malulutong na mura ni Matthew bago siya nito hinapit sa katawan nito at isinubsob ang kaniyang mukha sa malapad at matigas nitong dibdib.

"Fuck, woman! I told you not to shout," he hissed.

She knew that her face was already red as an apple because of their situation right now. She wanted to push him away but her body wouldn't cooperate. There was something inside her that wanted to feel Matthew's body.

Amoy na amoy niya ang mabango nitong perfume. Para siyang pinapatulog nito sa hindi niya malaman na dahilan. Wala sa sariling hinayaan niya na damhin ang init na nanggagaling sa katawan nito.

"Done feeling my body, mommy?"

Ang kaninang kalmado niyang puso ay bigla na naman naghumirantado. Sunod sunod na pag-ubo ang ginawa niya at umalis sa pagkakayakap nito.

"Mommy?" Kunot noong tanong niya.

Ngumisi ito at pinasadahan nang matagal ang kaniyang katawan. Binalot siya ng kaba at hiya dahil nagtagal ang titig nito sa kaniyang dibdib na alam niyang halos hindi na matakpan ng tuwalya.

"What would you think if Daddy saw us like this?" He smirked again. He stepped forward to her and bent down his head just about ahead of her ear. "Fix yourself, Mommy."

He oggled on her body again and whistled before he walked out of the room.

Naisahan na naman siya ng bobo na 'yon