Ira was still shocked from what happened. Matthew was long gone but she could still feel his warm lips on hers. She smoothly rubbed her now puffy lips. Her face flushed red after the thought of what would happen next if they both didn't stop. What would happen if they did not resist the temptation.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago pinaglalagay sa refrigerator ang ulam at ilang deserts na hinanda niya kanina. May halong inis na kinuha niya ang mga kubyertos at pinggan. Hindi niya alam kung naiinis siya sa sarili dahil hinayaan niya si Matthew o dahil nabitin siya sa ginawa nito. Sobrang gulo ng utak niya. Parang sasabog na iyon dahil sa magkakasunod na nangyari mula sa pagbalik ni Matthew sa bahay.
Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ni Collin kapag nalaman nito kung anong nangyari sa bahay nito habang wala ito doon. At natatakot siya para sa sarili at sa anak.
Laglag ang balikat na tinungo niya ang anak. Mahimbing na natutulog ito at walang kamuwang-muwang sa mga naganap sa kusina. Doon lang niya napagtanto na malilintikan siya kay Collin kung nakita sila ng anak na may ginagawang milagro at magsumbong ito.
"Sorry, baby. I won't do that again. I won't let that happen again." Sinuklay niya gamit ang mga daliri ang mahaba at kulay brown na buhok ng anak.
"I won't let myself drag you into this mess," she whispered. Binigyan muna niya ito nang munting halik sa noo bago tumabi sa higaan.
She wanted to sleep but Matthew's warm breath and body wouldn't leave her thoughts. Akala niya ay magiging madali na makasama sa iisang bubong ang lalaki at magiging normal ang kanilang pagsasama na apat. Hindi niya inaasahan na aabot sila sa ganito. Gusto lang niya ay mabuo sila pero hindi niya naisip ang ilang mga posibilidad na mangyayari.
Pabaling baling siya sa higaan at kapag naaalimpungatan ang anak ay niyayakap niya ito nang mahigpit. Hindi na niya alam kung anong oras na siya nakatulog.
Nagising na lamang siya sa malakas na halakhakan na nanggagaling sa labas. Pagdilat niya ay bumungad agad sa kaniya ang tama ng may katamtamang init araw sa mukha. Ilang minuto muna niyang hinayaan ang sarili na mag adjust dahil sa sakit ng ulo bago bumangon. Wala na si Iza sa kaniyang tabi.
When she faced the mirror, all those memories from yesterday started coming back. Wala na ang pamamaga ng kaniyang labi pero hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang may kagagawan noon. She shook her head to stop everything she was thinking of before washing her face in the bathroom. Nakailang sampal pa siya sa sarili para magpakalma.
Hindi niya alam kung anong mukhang ihaharap kay Matthew pagkalabas niya sa kwarto. Alam niyang wala lamang ang nangyari dito dahil masiyadong makapal ang mukha nito pero siya ay hindi. Gigil na nagtoothbrush siya bago lumabas.
She found Matthew and Iza busy in their own world. Iza was sitting on the chair while beating eggs while Matthew was cooking something. Nakatalikod ito sa kaniya at kitang kita niya kung paano magyabang matitipuno nitong mga bisig sa tuwing maghahalo. Nakasuot ito ng isang tight white shirt at short.
"Mommy! Good morning! How's your sleep po?"
Sigaw ni Iza ang nagpabalik sa ulirat niya. Agad niyang isinantabi ang mga naiisip bago humarap at ngumiti sa anak. Nagtatakbo ito sa kaniya at agad nagpabuhat. "Masarap ang tulog ni Mommy. How about you, baby?" Napangiwi siya dahil hindi naman talaga siya nakatulog nang masarap.
"Same po. And look po oh, we're cooking breakfast. Kuya Matt is teaching me how to prepare them," Iza replied. She pointed to all the foods on the table that were not totally perfectly prepared. Her eyes were twinkling like the stars. She was proud of herself.
"Wow! Big girl na ang baby namin. Can't wait to taste them."
Nag-angat siya ng tingin kay Matthew na ngayon ay nakatingin na pala sa kaniya. Nakaarko ang labi nito pataas pati ang kaliwang kilay. "Umh, thank you. Gustong-gusto kasi talaga ni Iza tumulong kapag nagpre-prepare ng foods pero ayaw ni Dad."
Napaisip siya nang bigyan siya ni Matthew ng iritadong mukha.
"Well, since I am here now, I will teach Iza everything she wants," he replied. "Ako na ang bahala sa kapatid ko."
Hindi niya alam kung bakit pero kumirot ang puso niya sa sinabi nito. Ang mga mata nito ay parang may nais ipahiwatig sa kaniya na hindi lamang nito masabi.
"Thank you, kuya Matt! You're really the best! I love you!"
They both stiffened after hearing those words from Iza. She brought up her two arms towards Matthew, motioning him to carry her. Ilang segundo pa bago nakabawi ito at kinuha sa kaniya si Iza.
"Kuya Matt, I said I love you! Why aren't you answering me? You don't love me po, ba?" Nakasimangot na si Iza at ang mga mata ay nagbabadya ng pag-iyak.
Mukha naman na nataranta si Matthew dahil sa sinabi ni Iza at nagmamakaawa ang mukha na tiningnan siya. Tanging dahan-dahan na tango lang ang ibinigay niya rito.
"I love you, too, Iza. You made kuya happy." He stuttered. His voice shook and his eyes were telling her something. He was taken aback when Iza kissed both of his cheeks.
She was quiet while eating. Iza never ran out of her small talks with Matthew. She felt out of place all of the sudden when they began with their own chitchats. Matthew was attentive with Iza and there was no place for her to interrupt them.
She had teary eyes while looking at them. She never imagined that they would be that close even when they just met yesterday. She was worried sick how to introduce her daughter to Matthew and now all of her thoughts faded away. Collin would be happy if he saw this moment.
Agad din napawi ang saya niya nang maalala ang nangyari kagabi. Dahil iyon ang mukhang hindi magugustuhan ni Collin. Tiningnan niya muli si Matthew, hinuhuli ang mga mata nito dahil gusto niyang malaman kung sumagi rin kaya sa isip nito ang nangyari. Pero simula kanina hanggang ngayon ay wala naman siyang nakitang kakaiba rito. Hindi rin nito inungkat pa iyong kagabi. Hindi rin niya naramdam na nailang ito pagkakita sa kaniya.
Kasi nga makapal ang mukha niya
"What do you want to do next, Iza?" Maya maya ay tanong ni Matthew. Nilagyan nito ng isang slice ng pritong itlog na may dried vegetables ang plato ni Iza. Nasabi siguro ng anak na mahilig ito sa gulay at itlog kaya ganoon ang iniluto nito sa umagahan nila.
Ang niluto niyang mga ulam kagabi ang siyang kinain ni Matthew, at hindi niya gets ang lalaki kung anong dahilan nito. Nasa side lamang nito ang mga niluto niya at mukhang walang balak na magbigay sa kanila ni Iza.
"Swimming! Can you teach me how to swim po? Kasi Dada and mommy won't teach me po, eh. Nattatakot daw po sila. Tapos they don't want me to enter a swimming lesson, too."
Bahagya siyang natawa sa anak. Halata sa boses nito ang tampo sa kanila. Si Collin lamang talaga ang may ayaw dahil natatakot ito na baka malunod si Iza. Ayaw din naman nito ipagkatiwala ang bata sa iba kahit professional pa ang magtuturo.
"That's sad. Don't worry, kuya is already here. Ako ang bahala sayo," sabi ni Matthew. Kinindatan pa nito si Iza at ginulo ang buhok.
"Heard that, mommy?" Nagmamalaking sambit ng anak sa kaniya. Nanlaki naman pagkatapos ang mga bilugan nitong mata. "Mommy, please don't tell Dada, okay? I just really wanna learn to swim po kasi." Ngumiti ito na halos abot hanggang tainga at pinungayan pa siya ng mga mata.
"It'll be our little secret, baby. Just be good when Matt teach you, okay? Makikinig ka mabuti sa kaniya. Don't push yourself too hard to learn. Be a good girl, a'right?"
Mabilis na tumango ang anak at nag thumbs up pa sa kaniya.
"No worries. I won't leave my sight to her. She'll be safe with me, mommy," bulong nito malapit sa tainga niya. Dahil sila ang magkalapit ay halos ramdam niya ang mainit na hininga nito.
Magkakasunod na ubo ang pinakawalan niya dahil sa huling sinabi nito. Maagap naman siya nitong binigyan ng isang basong tubig sabay hagod sa kaniyang likod. Ayaw man niya bigyan malisya ang concern nito ay hindi niya maiwasan dahil kakaibang kiliti ang hatid noon sa kaniya. Bahagya pa nitong pinisil pisil ang kaniyang balikat bago umayos ulit sa pagkakaupo.
Mabuti na lamang ay walang kaalam alam si Iza sa nangyayari dahil may nakapaskil na inosenteng ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kanila.
"Salamat." May pagkairita na sabi niya. Binigyan niya ito nang nakakamatay na tingin bago nagpatuloy sa pagkain.
He seemed happy on his doing. He whistled and continued his talk with Iza.
She badly wanted Collin to come back as soon as possible. Her trust to herself was wearing thin. And she didn't have any trust with Matthew at all.
Lalo na at hindi niya alam kung nilalandi ba siya nito o sinusubukan lamang siya. Naghahanap ng kahinaan sa kaniya.