Chereads / Ang T- back ni Kumare (SSPG) / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Arsenio's POV

Nang lumapag ang eroplano sa airport ay agad akong lumabas. Mga ilang sandali pa ay lumabas na rin agad ako ng airport at pumara ng taxi. Nagpahatid ako sa condo ko doon sa Cavite. Medyo malayo ang biyahe ko. " Nandito na po tayo sir," saad ni Manong Driver sa akin kaya't inayos ko ang suot kong salamin at dumukot ng pera aking pitaka. Inabot ko ito kay Manong Driver. " Wala po akong maisukli nito, Sir." Dagdag niya nang matanggap nito ang perang inabot ko. Dalawang libo kasi ito. 

" Keep the change nalang po, Manong! Sayo nalang po iyong sukli." Mabilis kong sagot sa kaniya. Naluha ito sa aking sinabi. " Maraming salamat po, Sir. Malaking tulong po ito sa operasyon ng aking anak na nasa hospital." Ngumiti ako sa kaniya bilang tugon at agad akong lumabas ng taxi bitbit ang aking selpon ngunit bago paman makaalis si Manong Driver ay bumalik ako at inabutan ko ito ng limang libong piso para sa kaniyang anak, nang sa ganun ay makatulong ako.

" Maraming salamat po, Sir! Hulog ka po ng langit sa akin. Salamat po!" mangiyak-ngiyak na sabi nito sa akin. Tumalikod na ako at pumasok sa loob ng condiminium ko. Walang buhay kong binuksan ang pinto ng aking condo gamit ang key card. 

Tinanggal ko ang suot kong coat at ipinatong ko ito sa sopa at humiga ako sa aking kama. Nakatingala ako sa kisame sa mga sandaling ito at muli na namang sumagi sa aking isipan ang mga masasayang alaala ko kasama ang aking asawa na si Shantal. Hanggang ngayon ay di ko lubos maisip na wala na kami ng asawa ko. 

***** 

Hanggang sa nakatulog ako sa sobrang pagod at nagising ako nang may tumawag sa akin at iyon ay walang iba kundi si Pareng Samuel, ang matalik kong kaibigan. Inaanak ko ang kaniyang bunsong anak na si Britney at sampung taong gulang na ito ngayon.

" Pre, bakit hanggang ngayon ay wala ka parin dito sa bahay? Nakalimutan mo bang birthday ng inaanak mo ngayon?" Ay gagi! Anong petsa ba ngayon? 

" Anong petsa ba ngayon, Pre?" tanong ko sa kaniya.

" 24th of November, pre. Pumunta kana dito, hihintayin kita." Sagot nito sa akin. Muntik ko ng makalimutan ang birthday ng inaanak kong si Britney, kailangan kong umattend sa birthday nito kundi magtatampo sa akin si Pareng Samuel lalo na't ang inaanak ko.

" O sige pre, pasensya na talaga kung nakalimutan kong kaarawan pala ngayon ng inaanak kong si Britney, ang dami ko kasing problema." Saad ko sa kaniya bago nagpaalam. Dali-dali akong nagtungo sa loob ng banyo at naligo.

Inayos ko muna ang aking buhok nang sa ganun ay maging presintable ako sa harap ng aking anak. At pababa ako ng aking condo sa mga sandaling ito, alas tres na ng hapon. Sumakay ako sa aking kotse.

Kung di lang sana ako iniwan ni Shantal ay magkasama sana kami ngayong dalawa papunta sa birthday ng aming inaanak. Kaming dalawa ang Ninong at Ninang ni Britney ngunit dahil sa letseng t-back na iyon ay nasira ang aming pagmamahalan. Mag-isa na lamang ako sa buhay.

Bago ako dumiretso sa bahay ni Kumpare ay dumaan muna ako sa Mall upang bumili ng regalo para sa aking inaanak na si Britney. Umagaw ng aking atensyon ang isang barbie house, tiyak na magugustuhan ito ng aking inaanak kaya't binili ko ito at pinapabalutan ko ito ng isa sa mga sales lady ng mall. Nagbayad ako ng limang daan upang maibalot ito ng maayos.

Habang papunta ako sa bahay ni Kumpareng Samuel ay nahagip ng aking mga mata ang asawa niyang si Lucille, may kasama itong lalaki na di ko kilala. Sino kaya iyong kasama ni Kumare? Kahit may dalawang anak na ito ay hindi pa rin nagbabago ang katawan niya, nanatili itong maganda at kurbada. At mas lalo siyang gumanda sa edad niyang trenta anyos. 

Medyo may edad na rin ang lalaking kausap ko at tiyansa ko ay nasa korenta'y anyos na rin ito ngunit hindi maipagkaila na maganda itong lalaki kahit medyo may edad na. Saglit akong napatigil sa harap nila at binuksan ko ang bintana ng aking kotse. " Kumare! " tawag ko kay Lucille, ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makita ako, tila hindi niya inasahan na makita ko silang dalawa ng lalaking kasama niya. Pinagtataksilan kaya ni Lucille si Kumpareng Samuel? 

Pilit siyang ngumiti sa akin. " Arsenio! Long time no see! Papunta kaba sa bahay?" tanong nito sa akin.

Saglit silang nagkatinginan ng lalaking kasama niya.

" Oo eh, oo nga pala sino iyang kasama mo?"

" Ah, kaibigan ko siya, Arsenio. O siya, sasabay nalang ako saiyo, Arsenio kung okay lang sayo." Sambit nito sa akin at medyo balisa na rin siya sa mga sandaling ito. Ano kaya tinatago nito? 

" Sure, Kumare! " natatawang sagot ko sa kaniya at sabay na pumukol ng tingin sa lalaking kanina pa ang samang makatingin sa akin. Nagseselos kaya siya? 

Nagpaalam na rin siya sa lalaking kasama niya at mabilis na pumasok sa loob ng aking kotse. Ngunit nang ikabit niya ang seatbelt ay hindi niya ito maikabit ng maayos kaya't nagpresinta ako.

Napalagok ako nang makita ang lumuluwa niyang dibdib sa sobrang laki nito. Sinadya niyang ibangga ito sa akin. " Pinagpawisan ka ata," malanding turan nito sa akin kaya't agad akong umiwas sa kaniya nang maikabit ko ng maayos ang seatbelt. 

" Okay kalang ba, Arsenio?" nakita ko ang pagkagat niya sa kaniyang labi. Bawal kang matukso at magpatukso, Arsenio! Lalo kang kamumuhian ng asawa mo! 

Hindi na ako umimik pa sa kaniya hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Pagdating namin doon ay bumungad sa amin ang mga bisita nila. 

" See you around!" Mapang-akit na turan ni Lucille bago siya lumabas ng aking kotse kaya't muli akong napalagok ng laway nang muli kong masilayasan ang malaking dibdib niya. Tumango lamang ako sa kaniya bilang tugon. Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas na ito. Ilang minuto bago ako lumabas ng aking kotse. Maya-maya ay kumatok sa bintana ng kotse ko. " Pareng Arsenio!" dahan-dahan kong binuksan ang bintana ng kotse ko at bumangad sa akin si Pareng Samuel. 

" Bakit tila nagdadalawang isip kang lumabas ng kotse mo, Pareng Arsenio? May problema ba?" Seryosong tanong nito sa akin at di agad ako nakasagot sa tanong niya.

" Aaaaaah eeee wala, Pareng Samuel. Naalala ko lang ang asawa ko." Nauutal kong sagot sa kaniya kahit ang totoo ay nagdadalawang isip ako na umattend sa birthday pala ni Britney dahil naiilang ako kay Lucille. At kung paano ito tumitig sa akin. 

" Ay teka, Pareng Arsenio! Bakit mag-isa kalang? Nasaan si Kumareng Shantal? Bakit di mo siya kasama?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin nang hindi niya mahagilap ang asawa ko. 

" Long story, Pre. O siya, bababa na rin ako nang sa ganun ay maibigay ko sa aking inaanak ang dala kong regalo para sa kaniya."

" Oh sige. Hintayin kita sa loob." 

Hindi ko alam kung tutuloy paba ako sa loob o umuwi nalang ako upang di ako madagdagan ang atraso ko kay Shantal. Di ko pa nga nasosolusyunan ang dulot 'nung t-back na iyon ay dadagdagan ko pa? Ngunit nandito ako para sa aking inaanak hindi dahil kay Lucille. May nakaraan kami ni Lucille at di iyon alam ni Pareng Samuel. Ex-Girlfriend ko ang asawa niya kaya't siguro naapektuhan ako sa bawat pang-aakit niya sa akin. 

Iiwasan ko nalang siya. Lumabas ako, bitbit ang regalo ko para sa aking inaanak na si Britney. Ang mga mata ng mga tao ay nasa akin. Sabagay kahit sinuman ang nakakita sa mga mata ko ay nahuhumaling talaga sila. Noon, pinagkakaguguluhan ng mga schoolmates kong bakla ang mga mata ko lalo na't ang aking makapal kong kilay.

" Siya ba iyong kumpare ni Kuya Samuel? Ang gwapo naman!" Kumento ng isa sa mga dalagita. 

" Oo siya iyon. Swerte nga ni Britney eh dahil may ninong siyang kasing gwapo ni Piolo Pascual!" Sang-ayon naman ng isa, tiyansa ko ay katorse na ang mga ito. 

Mga kaibigan ata ito ng aking inaanak na si Britney. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Britney suot nito ang cocktail dress na regalo sa kaniya ni Shantal 'nung isang buwan nang mag-first honor siya sa klase niya. Medyo marami na rin ang mga bisita na nasa loob. 

" Ninong!" tawag sa akin ni Britney at agad siyang tumakbo papalapit sa akin. 

" Happy birthday!" bati ko sa kaniya nang makalapit sa akin sabay kong inabot sa kaniya ang regalong dala ko. Masigla at masaya niyang tinanggap ang inabot kong regalo sa kaniya. " Bakit ngayon kalang dumating? Kanina pa kasi nagstart 'yung party eh." Sabi niya at luminga-linga at alam kong hinahanap niya si Ninang Shantal niya.

" Bakit di niyo po kasama ni Ninang Shantal?" nagtatakang tanong nito sa akin.

" Nasa Spain siya." Maikling sagot ko sa kaniya.

" Ganun po ba, Ninong. Sayang naman!"

****

Hinatak niya ang kamay ko at kaniya akong ipinakilala sa mga kaibigan niya at sa mga kaklase nito. Ngunit nawala ang ngiti sa aking labi nang muli sumagi sa paningin si Lucille, ang lagkit makatitig nito sa akin at panay sa pagkagat ng labi niya.