Chapter 3
Arsenio's POV
Pagkatapos ng party ay nagpaalam na ako kay Pareng Samuel at sa inaanak kong si Britney. Medyo lasing na rin ako. Someone was following me, and I knew it was Kumare because of her perfume. Limping slightly, I walked out of their house.
I let her follow me. I was about to get into my car when she grabbed my arm. I was drunk and dizzy, but I could still manage to get myself home. Nagulat ako nang yakapin niya ako. " Fvck me! Fvck me!" bulong nito sa akin, kung lasing ako mas lasing siya. Amoy na amoy ko iyong scent ng alak na ininom niya kanina and that was tequilla. Kahit lasing ako, pinag-iisipan ko muna ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig lalo nat ang kilos ko. At alam kong mali itong ginagawa ni Kumare sa akin.
Bago paman niya ako mahalikan ay naitulak ko na siya kaya't napaupo siya sa sahig. Dali-dali akong pumasok loob ng aking kotse at napahilamos ako ng aking mukha. Nasisiraan naba ng ulo si Kumare? Hays, napatanong na lang ako sa aking sarili sarili. Himasmasan tuloy ako sa inasta ni Kumare.
Inistart ko na ang engine ng aking kotse at frustrated na umuwi sa condo kung saan ako namamalagi simula nung palayasin ako ni Lucille. Napahiga ako sa kama at di ko lubos maisip na pinagtangkaan akong halikan ni Kumare. Di ko alam kung paano niya nagawa iyon eh may asawa na siya at iyon ay si Pareng Samuel. Paano nalang kung nakita ni Pareng Samuel ang nangyari kanina? Paniguradong masisira ang pagkakaibigan naming dalawa ni Pareng Samuel nang dahil kay Kumare. Bumangon ako upang maglinis ng aking katawan bago matulog.
**
In a minutes, nakaboxer short lamang ako at in-on ko ang aircon. Until nakatulog ako, in the middle of the night nagising ako sa aking panaginip. At maya-maya ay nagring ang phone kaya agad ko itong kinapa malapit sa aking kama at tinignan ko kung sino ito.
" Lucille? Bakit napatawag ka? Anong sadya mo sa akin? Dis oras na ng gabi ah?" Sunod-sunod kong tanong nang masagot ko ito. Tumawa lamang ito nang mahina. Aba't siraulo 'to ah?
" Namiss lang kita, sweetheart," mapang-akit na sagot nito sa akin na ikinainis ko. " Nasa tapat ako ng bahay mo, sweetheart. Pagbuksan mo naman ako, nilalamig na ako dito eh." Manigas siya doon bahala siya, hindi ko siya pagbubuksan ng gate. Kababaeng tao, nagbibigay ng motibo, langya talaga. Para kay Shantal lamang itong puso ko at wala ng iba. Nagkahiwalay man kami ngayon, magkakabalikan rinl kami soon. " Umuwi kana, wag kang mangbuwesit ng tao at t'saka dis oras na ng gabi." Naiiritang usal ko sabay ibinaba ang tawag.
Napapailing na lamang ako sa mga oras na ito. Akala niya siguro ay maaakit o di kaya mauuto niya ako, nagkakamali siya dahil hindi niya ako madadala sa panlilinlang niya. Napatingala ako sa orasan na nakasabit sa dingding, malapit na pa lang mag- 1 o'clock am. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit gising ang diwa ko kaya't bumangon na lamang ako at agad na nagtungo sa kusina. Magtitimpla na lang ako ng Kona kape, na nagmula pa hawaii nang sa ganun ay makabalik ako sa pagtulog. Habang iniinom ko ito , muli kong tinignan ang mga litrato namin ni Shantal ng magkasama. Sobra akong nangungulila sa kaniya, kumusta na kayo siya? May plano pa kaya siyang umuwi dito sa Pilipinas? Mahahagkan ko pa kaya siyang muli? Di ko mapigilan ang sarili ko sa mga sandaling ito, hinahagkan ko ang mga litrato at muli na namang tumulo ang luha sa aking mga mata.
Di ko akalain na mabubuwag kaming dalawa, nang dahil lamang sa isang bagay na hindi ko alam kung paano napunta sa pants ko at sumira sa aming relasyon. Masaya at nagmamahalan kaming dalawa ng asawa ko, ngunit sa isang iglap ang lahat ng iyon ay nawala na parang bula. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa aming dalawa ni Shantal, ang hirap tanggapin na wala na kami. Ang hirap tanggapin na ang babaeng pinaghirapan ko ay nawala sa isang iglap. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at mariing napapikit yakap-yakap ang litrato ng babaeng pinakamamahal ko. Alas tres na ng umaga nang ako'y makatulog.
It's already 10 am nang ako ay magising. Agad akong bumangon at inayos ang aking higaan. Nagtungo ako sa banyo upang maghilamos aking mukha at nagsipilyo. Nagprepare na rin ako ng aking breakfast, bacon, hotdog at sinangag na kanin.
****
PAGKATAPOS kong kumain ay hinugasan ko muna ang platong pinagkainan ko at ang kawali na pinaglutuan ko. Wala akong pasok ngayon sa trabaho dahil weekends kaya't I can do whatever I want kahit isang araw akong matulog. Kung nandito lang si Shantal, gawain naming tuwing weekends ang magmarathon nanonood kami ng fantasy o adventure sa Netflix. At adik din sa C-drama ang aking asawa, paborito niyang artista ay si Dilraba Dilmurat, lahat ng movies o drama nito ay napapanood na niya. Minsan ay inuuulit niya pa ito lalo na iyong eternal love at saka iyong eternal love of dream. Pati ako ay nahahawa na rin sa aking asawa, ngunit ngayon ay hindi na ulit nanonood pa ng tv. Inun-subscribe ko na rin ang aking membership sa Netflix at Yuoku.
Ayoko ng manood pa, naalala ko lang si Shantal. Sasakit lamang ang puso ko. Pagkalipas ng isang oras ay naligo ako, may pupuntahan ako at iyon ay ang kaibigan kong imbestigador, paiimbestigahan ko sa kaniya ang t-back na nakita ng asawa ko sa aking pants. Nasa loob ito ng aking maleta nakasilid sa maliit na plastik. Malalaman ko lang kung sino ang may-ari 'nun mananagot talaga iyon sa akin.
At sa mga oras na ito ay nandito na ako sa tapat ng condo ni Aaron ang kaibigan kong imbestigador. Pinark ko ang aking kotse at pumasok sa loob ng building. " Good morning sir, anong maipaglilingkod namin sayo?" tanong ng isang staff sa kin.
" May bibisitahin lang po akong kaibigan, ma'am si Aaron Jimenez."
" Ah si Sir Aaron? Kakaalis lang niya sir." Napalunok ako sa sagot ng staff. Gagi talaga, paano na ito? Nadelete ko kasi ang cellphone number niya kaya't di ko magawang tawagan. " O sige, maam. Salamat aalis nalang po ako baka maabutan ko pa siya." Paalam ko sa staff at agad na kumaripas ng takbo palabas mg building at sumakay sa aking kotse.