Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

We Met

viaxiii
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
21
Views
Synopsis
Paano kung matagal mo nang ginugusto ang best friend mo? Aamin ka ba o itatago mo na lang? Isang simpleng babae lamang si Via Rielle Lopez, hindi niya alam na nahuhulog na pala siya sa kaibigan niyang si Jhiro Legaspi. Hindi niya alam ang gagawin niya nang malaman nitong ikakasal na pala si Jhiro, aamin ba siya o itatago na lang upang masalba ang kanilang pag kakaibigan. Habang si Jhiro naman ay nag hihintay lang ng tamang panahon upang umamin, kasal nga ba ang mag pipigil sa kanilang dalawa?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Nagising ako sa alarm clock ko, ayos! Ito na ang unang araw nang date namin ni Jhiro, inaya niya kasi ako. Kailangan ko nang mag ayos para hindi ako ma-late pa, kinakabahan din kasi ako.

Hindi ko nga alam bakit niyaya niya ako noong tapos na ako mag confess sa kanya, may sasabihin daw kasi siya eh, eto na ba 'yon? Irereject niya na ba ako kaya niyaya ako? Pero bakit niya ako niyaya kung irereject lang din niya ako?

"AHHHHH ang gulo!!" sigaw ko sabay bato sa unan na sumaktong katok ni kuya.

"Hoy Via, ayos ka lang ba r'yan? Bakit ka sumisigaw, aba rinig na ang boses mo sa kabilang kanto!" bulyaw sa akin ni kuya, akala mo talaga si mama eh, 'no?

Dahil sa inis ko sa kanya ay tumayo na lang ako para maligo, syempre date yon, dapat mabango ako—yung tipong hindi niya na ako makakalimutan kapag ka tapos ng date namin!

Ilang minuto lang din ang itinagal ko sa paliligo dahil mag aayos pa ako, marami pa akong aayusin 'no, bukod sa pag ma-makeup ay aayusin ko rin ang buhok ko.

Sa wakas ay natapos na rin ako, sus kahit hindi naman ako mag ayos ay maganda pa rin ako! JOKE!

"Saan ka naman pupunta? Hoy hindi porket umalis si mama ay gagala kana r'yan ha! Sinasabi ko sayo, ako ang bantay mo ngayon!"

Sermon sa akin ni kuya, ewan ko ba rito bakit ang init ng ulo sa akin, siguro ay may dalaw.

"Diba mag kikita kami ni Jhiro!" pag tataray ko kay kuya.

"Jhiro?" nag tatakang tanong niya.

Ewan ko ba rito, weirdo talaga! Inggit lang siya kasi may date ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at nag simula nang mag drive, sabi kasi ni Jhiro ay hindi niya ako masusundo—baka raw ma-late siya.

-FAST FORWARD-

Nandito na ako sa restaurant at hinihintay lang siya, hindi pa naman matagal kaya hindi pa ako naiinip. Hinanap ko na lang ang contact ko kay Jhiro para ma-message siya, nag tataka ako at kinakabahan dahil hindi ko makita ang contact ni Jhiro, wala na rin ang convo namin kahapon, hindi ko alam kung na-delete ko ba o nag loloko lang yung cellphone ko.

Iniwasan ko ang mag-isip ng kung ano-ano at hinatayin na lamang siya, alam kong dadating si Jhiro.

"Ang tagal naman niya." paiyak kong banggit dahil halos mag iisang oras na ay wala pa rin siya.

Kaya naman hindi na ako nag sayang ng oras at puntahan na lamang siya sa bahay nila.

****

"Hi tita!" bati ko sa mama ni Jhiro.

"Oh iha, what are you doing here? May kailangan ka ba?" salubong sa akin ni tita Antonette.

"Tita si Jhiro po?" tanong ko rito.

"Jhiro?" takang tanong ni tita.

"Sinong Jhiro, iha?" nag-aalalang tanong nito.

Bakit hindi niya kilala ang anak niya? Ano ba nangyayari ngayon?? Naguguluhan na ako, niloloko ba nila ako? Ano ba 'to?

Bigla na lamang umikot ang paningin ko hanggang sa nag dilim na ang lahat.

"Via? VIA!! Ma, si Via!" sigaw ng lalaki habang naka tingin sa akin.

Hindi ako maka galaw sa kinahihigaan ko, wala rin akong alam kung ano na ang nangyayari ngayon. Ang bigat bigat lang ng pakiramdam ko. Naiiyak na ako sa nangyayari, diba nasa bahay lang ako nila tita Antonette kanina? Nasaan na ba ako? Naguguluhan na ako, pumikit na lang ako at hindi na pinakelaman ang magulong tao sa paligid ko.

"Via? Hindi ka ba mala-late niyan?" tapik sa akin ng isang lalaki, nagising na lamang ako at tiningnan ang oras.

"Wala na ako sa hospital?" tanong ko kay kuya.

Niyugyog ako nito sandali at tinapik ang noo ko.

"Hoy gising kana ba? O nananaginip ka pa rin?" saad ni kuya at lumabas na.

Shocks! Panaginip lang yon? Bakit parang totoo, ano na ba ngayon at anong oras na?

"6:00 AM?!?!?" bulyaw ko dahil nagulat ako, mala-late ako!

First day ko pa naman as transfer, hindi ako pwedeng ma-late! Agad-agad naman akong nag madali at nag asikaso na.

"Good morning anak, are you ready?" bati sa akin ni mama.

"I'm always ready po, aalis na po ako ha?" pag papaalam ko sa kaniya.

"You sure? Pwede naman kita pasamahan sa kuya mo kung hindi ka pa familiar sa school mo." tanong ni mama.

"Okay lang po, atsaka kailangan ko rin matutong mag isa ma. Sige po, bye na po!" pag putol ko nang usapan namin at lumabas na ng bahay.

Hindi naman pumayag si kuya sa sinabi ko kaya siya na ang nag drive sa akin papuntang school.

****

Habang nag da-drive si kuya ay hindi ko talaga mapigilan mag pawis ang kamay ko, ganon kasi ako kapag kinakabahan. Hindi ko ma-relax ang aking isipan pati na rin kamay at agad naman akong napansin ni kuya.

"Oh bakit ka ganyan?" tanong niya.

Ang sungit-sungit talaga ni kuya, ewan ko ba kung galit siya sa buong mundo.

"Wala," sagot ko sabay iwas sa kanya nang tingin.

"Sana bago ka umalis, dumumi ka muna!" saad niya ata tumawa.

"Ha-ha ang galing mo talaga mag joke, hindi nakakatawa." saad ko.

Hoy nakakainis ha! Hindi naman ako nadudumi, kinakabahan lang ako, bwiset talaga itong si kuya—inyo na lang siya ha.

Makalipas ang ilang minuto ay nandito na kami sa parking ng school kaya agad akong bumaba. Nag ba-bye lang ako kay kuya bago siya umalis.