Grabe ate! Sobrang laki ng school compare sa school ko noon. Nakakainis wala man lang ako ma pag tanungan eh. Habang nag lalakad ako ay may naka bangga sa akin na nag patalsik ng book ko.
"ARAY!!" sigaw ko dahil napa upo ako sa daanan.
"Nako sorry miss, hindi ko sinasadya. Nag mamadali kasi ako, sorry talaga." pag hingi niya nang paumanhin habang tinutulungan akong tumayo.
"Okay lang, naka harang din naman a-" naputol ang sinasabi ko nang biglang may lumakad sa gitna namin ng lalaking kasama ko.
"Excuse me." saad ng lalaki.
Hindi ko makita nang ayos yung lalaki dahil sa sinag ng araw at naka tingala ako ha!
Bigla naman nag salita yung lalaki at itinayo niya ako.
"Couz grabe ka sa amin ha!" sigaw nito pero naka layo na yung lalaki.
"Sorry miss, okay ka lang ba?" tanong nito sa akin.
Agad ko naman siya hinarap na nag pa gulat sa akin, nagulat din siya nang makita ko kung sino siya.
"Kevin?!!!!!?????" oa na saad ko.
"Via? Ikaw ba yan?" tanong nito.
Oo! Ako lang naman 'to 'no, siguro si Jhiro na yung dumaan kanina. Ang bastos naman niya kung ganon, akala ko mabait na siya!
"Ikaw pala yan! Alam mo ba na si kuya Kenneth yung dumaan kanina?" tanong niya.
"Hindi eh, masyadong nasinag ako ng araw kanina kaya hindi ko nakita yung mukha." sagot ko.
Ay! Ayon lang, hindi pala si Jhiro yung dumaan, si kuya Kenneth pala. Si kuya Kenneth yung bastos na dumaan na pinsan din nila, sa bagay, hindi naman ganon ang ugali ni Jhiro.
"Mag kita tayo sa cafeteria mamaya! Yakagin ko si kuya Kenneth para mag kita kayo!!" sigaw niya habang tumakbo na palayo, aba mukhang ma-lalate pa nga siya!
RING!! RING!! RING!!
HALA lagot! Ano ba yan, nawala sa isip ko yung oras, nakakainis late na ata ako!
Paano na ba 'to, hindi ko pa naman alam yung room ko.
Nag mamaktol ako sa tabi nang may kumalabit sa akin. "Hi miss, bago ka rito?" tanong sa akin ng babae
YES, eto na, thanks G at may anghel na tutulong sa akin ngayon!
"Ah oo eh, hindi ko nga alam kung saan yung section na ito." saad ko sabay pakita sa hawak kong papel.
"Nako! Classmates pala tayo, sumabay kana sa akin." aya nito sa akin kaya ngumiti ako at sumabay sa kanya.
Habang nag lalakad kami ay nag pakilala na ang babae, buti naman ay mabilis ako nakahanap ng bagong classmate.
"I'm Hannah pala, sorry ngayon lang nag sabi." tawa nito sa akin.
"I'm Via Rielle, thank you sa pag guide sa akin ha." pag papasalamat ko kay Hannah.
Madali lang ang naging samahan namin ni Hannah, hindi siya mahirap pakisamahan at mabait pa. Sa lahat ng tanong ko rito tungkol sa school ay sinasagot niya, tinutulungan niya rin ako makipag interact sa mga classmates namin, at hindi niya pinaparamdam sa akin na bago lang ako.
"Alam mo familiar name mo." saad niya sa akin habang kami ay nag-aayos
"Talaga?" tanong ko.
"Oo eh, may nag banggit na sa akin nyan, pero wala siya rito." kwento niya.
Hindi ko na natanong kung sino yon dahil nag bell na at oras na para kumain, salamat naman at kakain na. Kahit marami na akong nalaman ay nakaka pagod pa rin. Hindi ako sumabay kay Hannah dahil sabi ni Kevin ay mag meet kami sa cafeteria.
Ako nga pala si Via Rielle Lopez, simple lang buhay namin pero may kaya rin. Complete at masaya ang family ko, kaya nga pala nag transfer ako sa Saint University ay hindi maayos ang pag-aaral ko noon. Ang daddy ko nga pala ay nasa states dahil doon siya nag tatrabaho as an business man, si mama naman ay rito sa amin ni kuya—si Leo Arvhyn Lopez, alam niyo ba na mas strict pa 'yan kaysa kay mama, parang ewan 'no?
"So bakit dito ka nga nag transfer?" tanong ni Kevin na nag pabalik sa akin sa realidad.
"Bakit hindi?" tanong ko rito pabalik sabay tawa.
Masamang tumingin sa akin si Kevin dahil sa pang-aasar ko sa kanya, habang si kuya Kenneth naman ay tahimik lang na kumakain.
"Meron kasing nag push sa akin dito, may taong nag bigay sa akin ng motivation para mag bago, ang sabi niya ay hindi raw ako pwedeng sumuko lang basta. Maganda raw rito eh, sundan ko raw siya rito, kaya 'yon—ginawa ko siyang inspiration araw-araw." pag kukuwento ko, hindi ko namalayan na naka tingin at nakikinig na sa akin si kuya Kenneth.
"Sino ba 'yan, tao ba?" pag bibiro ni Kevin.
Si Jhiro, si Jhiro ang tinutukoy ko. Bestfriends kami simula pa noong highschool, matagal ko na siyang gusto pero hindi ko lang maamin dahil takot ako—takot ako sa pwedeng mangyari. Naalala ko pa noon, ang huling usap namin ay umiiyak ako sa kanya kasi sukong-suko na ako sa buhay ko, binigyan niya ako ng advice noon at pwede pa mag bago, kaya ko siya sinundan dito.
"Bakit ko naman sasabihin sayo?" pag tataray ko rito.
"Kevs, nakita mo ba si Jhiro?" tanong ni kuya Kenneth pero sa akin ang tingin niya.
Mukhang alam nito ang ibig kong sabihin, halata na kasi niya dati pa na may gusto ako kay Jhiro, sadyang manhid lang ang pinsan niya.
"Nag message ako sa kanya, hindi raw siya makakasama." saad ni Kevin.
"Via, alam na ba niya na nandito kana?" tanong ni kuya Kenneth
Sa wakas kinausap na rin niya ako.
"Hindi eh, hindi na ulit kami nakakapag usap." saad ko, bakas dito ang pang hihinayang ko.
"Sabihin na lang namin." saad ni kuya Kenneth na sumaktong nag bell na.
****
Makalipas ang ilang oras ay dismissal na, uuwi na rin ako pero hindi ko pa rin nakikita si Jhiro. Ano kayang ginagawa niya, ganon ba talaga siya ka-busy? Paano naman ako, kaya nga pumunta ako rito kasi sabi niya, tapos hindi man lang niya ako iwe-welcome.
Nag lalakad ako pa labas ng hallway dahil dismissal na, grabe si Jhiro ha, hindi man lang sumipot si arte??
"VIA!" tawag sa akin, mukhang si Kevin na naman ito.
Haharap pa lang ako ay narinig ko ang hiyaw ng isang babae na agad naman lumagpas sa akin, nabangga pa talaga ako ha!
"JHIROOO!" hiyaw ng babae at kaagad naman akong napasunod tingin sa direksyon nila.
Jhiro? Ang best friend ko ba ang tumawag sa akin? ANG BEST FRIEND KO NGA! Pero sino yung babaeng 'yon? Naunahan na ba ako?
HINDI, HINDI, HINDI PWEDE VIA!
Nabalik ako sa ulirat nang may sumapo sa aking noo, mahina lang ito pero ramdam ko ang init ng palad niya.
"Via?" tawag nito.
"Jhiro?" lutang kong sagot.
HOY 'TE, ANDYAN NA SA HARAP MO OH! IPAPAHIYA MO BA SARILI MO?
"Halika, mag-usap tayo." aya nito sa akin at hinila ang kamay ko palabas ng hallway, habang ang babaeng tumakbo kanina ay naiwan.
"Jhiro? Ikaw na ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang saad ko.
Para na akong ewan, hindi ko na alam, baka sobrang miss ko lang talaga siya.
Si Jhiro Legaspi nga pala, ang best friend ko simula high school. Mabait, mayaman, gentleman, caring, at green flag pa! At plus pogi pa! Grabe saan ba ako naka hagilap nang ganitong bff, diba?!?
Sa sobrang dami kong iniisip tungkol sa kanya ay hindi ko na namalayan kung saan na kami napunta.
"Via, hindi ka man lang nag sabi kung kailan ka papasok dito? Kay Kenneth ko pa nalaman." reklamo nito pero mahinahon ang tono.
"HELLOO??? Nag tanong ka ba Jhiro Legaspi?" pag tataray ko rito.
Aba eh totoo naman, hindi nga ito nangangamusta tapos ang galing mag reklamo.
"Si Kevin pa unang nakakita sayo, hindi pa ako." dismayado nitong sagot.
"Kung gusto mo talaga ako makita, edi sana nag message ka muna at sinalubong mo ako rito diba? Saka aksidente lang yung pagkikita namin ni Kevs." saad ko rito.
"Sorry. I'm really busy these past few days kaya wala akong time sa mga ganyan. Let's go sa cafe, may alam ako."
Wow ha, ang bilis naman. 'Yan tayo eh, syempre makukuha ako n'yan sa sorry niya. Ang cute-cute kasi kapag ganyan eh, kainis!
"Saan ba?" tanong ko.
"Basta." sagot nito at hinila ang kamay ko papunta sa parking.
Hindi ko na namalayan ang oras simula nang mag kasama kami ni Jhiro.
Sa totoo lang, nakalimutan ko na rin yung panaginip ko kanina, naging kampante ako kasi nasa harapan ko na ngayon si Jhiro. I feel safe again, comfortable pa rin ako sa kanya kahit na matagal na kaming hindi nag kita.
"Crush mo ba ako?" biglang tanong nito sa akin.
"Baliw ka ba?" tanong ko rin dito, impossible naman na sabihin yon ni kuya Kenneth kay Jhiro.
"Grabe kasi titig mo eh, baka matunaw ako." mayabang na sagot nito kaya inirapan ko na lang siya.
"Sino nga pala yung babae kanina?" pag-iiba ko ng topic.
Gusto ko malaman kung sino ba talaga yung babae kanina, pero baka masaktan lang ako kung 'yon ang girlfriend niya.
PLEASE 'WAG MO SABIHIN NA GIRLFRIEND MO 'YON.
Ayoko pa, hindi pa ako handa, hindi pa ako nakaka move on, masasaktan na naman ako—talo na naman ako.
TEH WALA PA NGA! WAG OVER HA!
"Ahh, Emy. She's just a friend." simpleng sagot nito.
Bakit ganon? Kahit hindi niya girlfriend 'yon ay masama pa rin ang loob ko.
SELOSA KA LANG TALAGA TEH
"Ahh, may bago ka na palang friend." sagot ko, hindi ko na napigilan. Naiinis na ako sa kanya, hindi man lang makaramdam.
"Friend nga diba? Iba ka pa rin, ikaw ang best friend ko!" tawa nito dahil ramdam naman talaga na naiinis ako.
BEST FRIEND? SAKIT MO NAMAN SA HEART.
"Uuwi na ako, baka magalit si kuya." pag papaalam ko rito.
"Hatid na kita, hindi naman magagalit kuya mo kung ako ang kasama eh." sagot nito.
"Feeling ka??" taray ko.
Tumayo na kami at nag lakad-lakad papuntang parking, 6:30 pm na kasi, hindi rin ako nakapag message kay kuya kasi na lowbat ako.
"Thank you for today, Rie. Bukas ulit ha?" saad nito sa akin.
Ngumiti naman ako at hinawakan ang pisngi nito sabay pisil.
"Oo naman, ikaw pa ba." saad ko habang nang gigigil sa pisngi niya.
"Tama na, masyado mo akong na miss ah." asar nito.