Chapter 1
Amber Everly
"Jack! Wait for me!" Nagmamadali kong inayos ang aking mga gamit na nakalapag sa lamesa at ipinasok ito sa aking bag.
Sa pagmamadali bukol bukol na ang bag ko pero wala akong pakialam. Hinabol ko ang lalaki na kalalabas lang ng classroom.
Parang wala itong narinig dahil hindi man lang ito huminto or lumingon. "Where are you headed? Uuwi ka na ba agad?"
He just continued walking and didn't even bother to answer me. Habang naglalakad ay nakatingin ang mga estudyante sa amin.
But I wasn't bothered by that. Dahil alam kong sikat si Jack sa mga estudyante ng eskuwelahan. SSG President ang lalaki, bukod pa doon ay matalino at gwapo pa ito.
That's why a lot of girls admire him. Isa na ako doon. The difference between me and his other admirers is that my family owns the school at malakas ang loob ko na nililigawan ang lalaki, I don't see anything wrong with that.
Palapit na kami sa gate at nakita ko ang itim na kotse na susundo sa akin. I turned to the man beside me, "Gusto mo ihatid na kita? Sabay ka na sa kin pauwi! It's on the way din--."
"Can't you just stop!?" He hissed.
Napatigil ako sa aking sinasabi ng marinig ang inis ng lalaki. But I wasn't mad. Sanayan lang talaga sa ugali niya.
I pouted in disappointment when he walked faster. Parang may humahabol sa kaniya. Hindi na ako sumabay sa paglalakad niya.
Pumasok na lang ako sa kotse at sinabihan ang driver na sundan si Jack kung saan man ito pupunta. Baka mamaya kung anong mangyari.
As we follow him I saw him stop in front of a convenience store. Inilabas nito ang kaniyang telepono at tila may itinext bago ito muling binalik sa bulsa.
Huminto lamang kami ng medyo malayo sa kaniya. After a few minutes I saw a girl get out of the car and ran towards him and intimately grabbed his arms.
I was expecting him to shove her off just like he always did to me but he didn't. I recognize the girl, it's Christine from other department.
I knew that girl likes Jack. Does he also like her?
Umalis na ang dalawa sa convenience store at sumakay na sa sasakyan ng babae.
"Susundan pa ba natin ma'am?" Kuya Caloy asked.
Umiling na lamang ako, "Uwi na lang po tayo."
Seeing him be with another girl hurts. Bakit hindi ko alam na girlfriend niya pala si Christine? Hindi naman kasi sila nag uusap sa school o kaya nagsasabay pag kakain sa canteen.
Pagkarating ng bahay ay dumiretso na lang ako sa kwarto at pagod na ibinagsak ang aking katawan sa kama.
Kung girlfriend niya na talaga si Christine titigilan ko na panliligaw sa kaniya. Baka masira pa relasyon nila at ako pa ang masisisi.
An image of him hugging and kissing christine flashed and tears started to fall from my eyes.
I cried for god knows how long. Nang napagod na ako kakaiyak ay kinuha ko na ang cellphone ko at itinext si Jack. Don't ask me how I got his number.
To: Jack
I followed you earlier, nakita ko kayo ni Christine. Girlfriend mo ba siya?
I waited for his reply pero walang dumating. Baka na busy na kay Christine. Tinawagan ko na lang ang kaibigan kong si Sasha.
Hi love.
"Hello sasha, may tanong lang ako."
What is it?
"Diba same department kayo ni Christine?"
Christine? Christine Samson?
"Yeah."
Oo, pero ibang section siya. Why do you ask?
"Boyfriend niya ba si Jack?"
Huh? Yung nililigawan mo? I haven't seen the two of them together sa school. At kung sila man, ichinismis na ni christ8sa buong school 'yon.
Napaisip ako sa sinabi nito. Kung gayon bakit parang pamilyar sila sa isa't isa kanina?
--kit? Hello? You still there?
"Yeah sorry."
Naikuwento ko kay sasha ang nakita kanina. Sinabi ko rin dito na kung sila na nga talaga o kung kahit sino oa ang girlfriend ni Jack titigilan ko na ito.
Matagal bago kami natapos sa aming oag uusap kaya naman ay nakita ko na alas sais na pala ng gabi. I'm hungry.
I went down and saw that both father and brother just got home. Nagmamadali akong tumakbo papalapit sa kanila at niyakap silang dalawa.
"You're so heavy!" Reklamo ng aking kapatid ngunit hindi naman ako itinulak palayo.
Bumitaw ako sa kana at ngumiti, pasimple kong kinuha ang hawak na cake box ni daddy.
"I miss you po."
My dad just shook his head and patted my head, "Really? You miss me or you just want the cake?"
Ngumisi lamang ako dito at hindi sumagot.
I ran towards the kitchen and put the cake down. I was about to open the box when I heard my brother shout, "Everly! Kumain ka muna ng dinner bago 'yang cake!"
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya naman ay maaga rin akong nakaalis papunta ng school.
I got out off the car when I saw Jack getting out of a car. Kotse ni Christine 'yon kahapon hindi ba?
Sabay sila pumasok?
Nanatili lamang akong nakatayo sa aking pwesto at hinintay na bumaba ang babae ngunit wala akong nakita. Baka sila na nga, tinatago lang nila kaya hindi sila magkasama pag pasok.
The sadness I felt yesterday came back. Walang gana akong naglakad papunta ng classroom. Nakayuko ako na pumasok sa silid, instead of my usual routine of greeting Jack. Hindi ko ito ginawa.
Hindi rin ako umupo sa aking upuan na katabi din ni Jack. I was the one who requested that we seat next to each other.
Sa bandang likod ako ng classroom umupo kung saan may bakante. I sat down and lazily rested my head on ny desk.
I felt someone tap my shoulder. "What's wrong?"
Si Tyler pala. Tipid ko itong nginitian at umiling. Kumunot naman ang noo nito, "Nanawa ka na kay Lopez?" Tila natatawa at malakas nitong sambit.
Tahimik ang classroom kaya naman ay narinigng mga kaklase ang kaniyang sinabi. Pasimple kong tinignan si Jack kung narinig ba niya si Tyler ngunit nagbabasa lamang ito ng tahimik.
I bit my lip and cleared my throat, "You can say that..." Mahinang sagot ko.
Kita ko ang panlalaki ng mata ni tyler sa aking sagot, rinig ko rin ang sunod sunod na singhap ng aking mga kaklase na nakikinig sa aming usapan.
Is it too shocking? Of course, I've been in love with Jack for 3 years and within the 3 years I have been pursuing him.
Napalitan ang gulat ng saya ang ekspresyon ni Tyler. "It's good that you finally realized that! Ang dami daming lalaki sa paligid and you chose to like that arrogant person."
I was annoyed when I heard what he said. I pulled the hem of his shirt and glared at him.
Tinaasan lamang ako nito ng kilay at saka nang iinis na hinila ang naka ponytail kong buhok.
Hindi ko na lang ito pinatulan dahil lagi na lang niyang hinihila ang buhok ko kapag naiinis siya sakin.
Pagkatapos ng pang umaga namin na klase ay vacant na ako. Alam ko na wala na ring klase si Jack kaya naman ay lumapit ako dito.
"Jack, pwede tayo mag usap?" Tanong ko dito.
Tumigil ito sa pag aayos ng kaniyang gamit at hinarap ako. "What is it?"
Nagtama ang aming mata ngunit agad rin niyang iniwas ang kaniyang paningin. "A-ah tungkol lang naman sa text ko kahapon. Hindi ka kasi nag reply."
I heard him sigh after hearing my question. Parang naiinis pa nga siya. "That's all you want to talk about?"
Humigpit ang hawak ko sa aking bag at tumango ako dito. Kinakabahan akong naghintay sa kaniyang sagot.
"That's none of your business." He said in a cold voice before leaving tha classroom.
Susundan ko sana ito ngunit naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa akong braso.
"I thought you're done with him?" Inis na tanong ni Tyler.
Sasagot na sana ako dito ng marinig ang pagtunog ng aking cellphone.
From: Jack
No.
Nginitian ko si Tyler na ipinagtaka naman nito, "I also thought so." sabi ko dito bago binawi ang braso dito.