Chereads / Love at First Punch [Tagalog BL] / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

AIS SKYTLER SMITH's AKA CALIBER'S POV.

I'm Ais Skytler Smith, 20 years old. I am the big brother of Rain Maia. The leader of the Steel gang. Yep, I am a gang leader at ang codename ko ay 'Caliber'.

Sa ngayon, hinihintay ko si Rain kasi pupunta daw siya dito sa amin. Kanina ko pa siya hinihintay pero di pa rin siya dumating. Speaking of that girl, nagulat talaga ako nung makita ko siya. Kasi naman, unang kita ko sa kanya. Akala ko 15 pa lang siya. Eh yun pala, dakilang 18 na.

Wala eh, baby face kasi siya. Wala tayong magagawa. Hahaha. Pero sobrang ikinasaya ko talaga nang sa wakas ay nahanap na namin siya. Matagal-tagal na rin nang simulan natin siyang hanapin at pati na rin si mama. Magmula ng aminin sa amin ni lolo na nagdadalang-tao na pala si mama nung umalis siya sa aming tahanan noon. Magmula noong isiniwalat sa amin ni lolo ang kanyang ginawa at sa malaking kasinungalingan na ipina-niwala niya sa aming mag-ama na tungkol kay mama.

Na masakit mang aminin at paniwalaan, kahit labag sa loob ni mama noon na umalis, kinailangan niyang umalis kasi ayaw niyang madamay ako at ni papa sa galit ni lolo noon. That's because my grandfather used us to threatened her using our safety and heirloom. Kaya ng pilit siyang pinapalayas ni lolo noon dahil sa hindi matanggap ni lolo na siya ang pinakasalan ni papa imbis na yung babae na pinili niya magmula sa isa ding katulad namin ng estado sa buhay, kasi isa lang siyang florist noon na namumuhay ng simpleng buhay, kaya umalis na lang siya ng kusa. 

Nang walang paalam sa amin ni papa.

3 years old pa lang ako nun. Sobrang bata pa. At nangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang ina.

Naalala ko pa noon na kahit labag kay lolo, hinanap ni papa ni mama noon using all of his power that day, but unfortunately, hindi niya nahanap si mama. Kahit konting bakas, hindi niya nahanap na para bang nawala siya ng parang bula. Iyon pala ay inutusan ni lolo ang kanyang mga katiwala to mislead my father. They gave him false direction and information regarding her.

With so many days past of finding and searching without any positive news, he knew that there's something wrong. Hindi siya naniniwala na sa lahat ng ginawa niya para hanapin si mama ay wala man lang kahit konting resulta. Kaya naisip niya na kagagawan siguro ito ng kanyang ama, knowing how evil and cruel he is. Kaya kahit labag man sa kalooban niya, itinigil na niya ang kanyang paghahanap at ibinaling na lamang niya ang kanyang buhay sa pag-tratrabaho upang umangat pa ang kanilang company. Itinoon sa pagpapalaki pa sa anak niya na siyang bunga ng kanilang pagmamahalan ng babae na siyang nagmamay-ari ng kanyang puso. Dahil kung itutuloy pa niya ang paghahanap, baka maging resulta pa ito ng mas lalong ikapapahamak ng kanyang pinakamamahal sa kamay ng kanyang ama.

Ipinapanalangin na lamang niyang sana ligtas siya at malayo sa kamay ng kanyang ama.Pero kailan man di ako nagtanim ng sama ng loob kay mama. Kasi noon pa ipinaliwanag na sa akin ni papa kung bakit. Kaya naman ay nagpapasalamat akong nakita na namin sila. Pero, ang saya na naramdaman ko ay nahaluan ng lungkot. Dahil wala na raw si mama. 

Isa pang kinabigla ko ay noong nalaman kong isa pala siyang leader ng isang gang din. Na siya ay si Phoenix. Pero kahit alam kong malakas siya, gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para lang maprotektahan siya at maging masaya. 

Nabalik lang ang isipan ko sa kasalukuyan ng bumukas ang pintuan.

Pumasok doon ang kanina ko pa hinihintay.

May pawis pa siya sa noo at hinihingal. 

Ano kaya ang nangyari?

BULLET aka MAXIMUS LANCASTER's POV.

Hello there. I'm Maximus Lancaster, known as 'Bullet' in 'Steel'. I'm 21 years old. I like girls to play with. I hate commitments, 'coz it's only giving me a headache. So, yes!!I am the 'cassanova'. 

"ANONG NANGYARI SAYO?" Malakas na tanong ng aming leader na si Ais Skytler kay Rain Maia. Ang nawawalang kapatid ng aming leader na ngayon lang nahanap. 

"Cool ka lang kuya at pwede paupuin mo muna ako? Huh? Pwede? " Hinihingal na sabi ni Rain.

Nang makita kong may pawis pa siya, hinagisan ko siya ng panyo. Kaninong panyo? Bah!! Ewan ko. Hahaha. Basta nakalagay lang sa table eh. But I make sure that it's clean, kayo na man. Hahahahaha. At mukhang kay Katana yun aka Arvin. Sinalo na man niya and then he wipe his sweat away.

"Thanks. " Nakangiting sabi ni Rain.

"Welcome." I answered then I gave him my so alluring smile.

Naalala ko pa nga nung ipinakilala ni Ais Skytler or Sky si Rain. Natulala nga ako nang makita ko siya. Para kasi siyang Anghel even though I knew that his a boy. When the first time I laid my eyes on him, I had this urge and feeling that I need to protect him more than my life.

Ewan ko din kong bakit. Maybe, dahil iyon sa mga mata niya. His eyes that has so much innocent in it. Basta!!! Yun yung una kong naramdaman.

Siguro iyon din ang nararamdaman ng iba noong nakita nila si Rain kaya ganun na lang kalapit si Rain sa kanila. Hindi lang dahil kapatid siya ni leader.

"Oh ano? Ano nga ang nangyari sayo? Ba't ka hinihingal na para bang may humahabol sayo na mga kabayo? " Sky

"eeehhh. . . Kasi!!!!!!!! Nung pumunta ako dito. . .anoooooooo. . . . " Rain, na nag-aalangan.

"Ano? " Nakataas na kilay na tanong ni Sky.

"A-ano. . ."Rain

"Ano nga?" Impatient na sabat kong tanong?

"A-ano. . .kasiiiiiii. . . .n-nakasalubong k-kasi ako ng mga street g-gangsters. " Utal-utal na sabi ni Rain kasi mukhang kinakabahan siya. Napalapit tuloy kaming lahat na naririto kay Rain nang narinig namin ang salitang 'Street Gangsters'. Pagkagulat at paga-alala ang mababakas sa aming mukha.