Chereads / Love at First Punch [Tagalog BL] / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

RAIN's POV. 

Kriiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnggggggggg!!!!!!

'Noh ba yan. Ang aga-aga pa eh.' Reklamo ko sa isip ko. Pero kailangan gumising. First day of school kasi.

"RAIN GUMISING KA NAAAAAA KANINA PA TUMUTUNOG YANG ALARM CLOCK MOOOO!!!!! Para na din makakain ka pa ng agahan. And one more thing, SASABAY KA SA AKIN. " Pasigaw na sabi ni kuya sa akin habang pabalibag na binuksan ang pintuan ng kwarto ko. At pagka-alis niya pabalibag pa rin niyang sinarado ang pinto.

Hahahaha. Sorry na. Narindi na siguro tong kuya ko na to. Hindi talaga ako pala-gising ng maaga. Kong kelangan ko mang gumising ng maaga, every 5 minutes or 10 minutes , dapat naka set alarm clock ko before the time that I need to woke up so that I can have the time to freshen up. Take note, 5 times. Like for example, kelangan kong gumising ng 7am. Yung alarm ko sine-set-up ko ng 6: 30, 6: 35, 6: 50, 6:55 and 7:00. Tapos medyo malakas pa yung volume.

Anyways, balik tayo sa kasalukuyan, sinabi ko kasi kay kuya na wag ipag-sabi na kapatid niya ako sa papasukan ko----namin pala, kasi sa University na din pala na pinapasukan niya nila ako inilipat. Kasi, malay mo, may mga gangster pala sa papasukan ko at saktong isa pala sila sa nakalaban ko noon at makilala niya ako. Di ba. Aba'y patay na kapag nagka ganoon, ayaw kong magbigay ng problema kina kuya.

Also, I told him that I gonna disguised as a nerd. The reason? Wala lang. Gusto ko lang subukan at para na rin medyo mabawasan ang mga scenario napagkamalan akong babae for Christ sake. Actually, pati nga sina kuya Maximus aka Bullet, kuya Arvin aka Katana, kuya Dennis aka Sniper, at kuya Stone aka Amos, di nila alam na gangster ako eh.

Soooooo, ng medyo hindi na ako lutang, pumunta na ako sa CR para maligo. Pagkatapos kong maligo, nagpalit, nag-suklay, nagbrush ng ngipin at bumaba na. Pag-baba ko, dumeretsona ako sa dining area . Doon, nakita ko si papa na nakahanda nang kumain, hinihintay na lang ako. At si kuya na kumakain na!!! Ang daya *pout*.

Kaya dali-dali akong umupo at kumain agad pagkatapos kong sabihan si papa ng good morning at niyakap. As for my brother? Bala siya diyan. Hmp.

Pagkatapos naming kumain, sumakay na kami sa kotse ni kuya. Witwew!!! Mustang Gt. Hanep, ang gara. Nang makarating na kami sa school, naghiwalay na kami ni kuya. Pero bago yun, di mawawala ang pag-kiss ko sa pisngi ng kuya ko. 

Ganun daw eh!!! Para bang pag-lalambing ko daw sa kanya. Kaya kada aalis ako o makikita ko siya, di yun nawawala. Para na din daw, mapunan ang ilang taon ko siyang hindi napag-lambingan daw. Kong di ko yun gagawin, Suuuuuuuuuusssss!!!!!!!! Magta-tampo siya panigurado.

Naglalakad na ngayon ako sa corridor, hinahanap ko kasi kung nasaan ang guidance office nila dito. Kaya naman ay papaling-paling ang ulo ko na hindi tinitignan ang daanan, okay lang naman kasi konti lang ang tao dito. Maaga pa kasi, 8:30 halos ang first period ng mga klase dito ayon sa nakita ko schedule nila dito nong pinapili nila ako kong anong Timetable ang gusto kong kunin. At isa pa, ang lawak kaya kasi nung corridor nila dito. 

Maya-maya lang--------------

*blaaaaaggg*

"Aray ko po!!!" Anas ko. Habang hinihimas yung pwet ko kasi nga napaupo ako sa sahig dahil sa nabangga ko.

Anu bayan, ang lawak-lawak ng space, MABABANGGA pa ako sa PADER. Ang engot-engot ko talaga, di kasi tumitingin sa dinadaanan. ╥﹏╥

"OUT OF MY WAY!! STUPID!!!" Pasigaw na sabi nong pader na nabangga ko, in a rude way I might say.

Hallllllaaaaaaaahhhhhh!!!!!!! Nagsasalita na ngayon ang pader! Kinilabutan tuloy ako. Syet! Dahan-dahan kong ina-ngat ang mukha ko para tignan kong meron ngang multo sa harap ko. 

*Gulp*

LOOOOOOORD!!!!!! Why oh why??? Ang lupit ng mundo. Bakit ba kasi ako palaging nadadapuan ng kamalasan hin---------------- 

Natigil ang litanya ko sa utak ko at napa-balik sa kasalukuyan ng naramdaman kong may biglang pumitik sa noo ko. 

OUCH HUH!!!!

'Jusko!!! Bakit ang noo ko na naman.' Angal ko ng tahimik habang hinimas ko ang napitik na ulo ko habang nakanguso ng kaunti. Ang sakit kaya non, nananahimik ang noo ko dito pwede ba!! Tinignan ko yung pumitik ng noo ko with my fierce glare when----------

"Are you dumb? OH SADYANG BINGI KA LANG? I SAID OUT OF MY WAY!!! " Sigaw ng isang Demi God na binigay dito sa lupa. 

Wala akong imik na wala sa sariling napatabi sa gilid para bigyang daan ang Demi God na nasa harapan ko habang tinitignan ko pa rin siya. Kahit na linagpasan niya na ako, naka-sunod parin ang tingin ko sa kanya. 

'ANG GWAPOOO!!!' Tili ng malandi kung sarili sa utak ko.

Nasabi ko bang I'm gay? No? Now you know. *chuckles*. Nang medyo malayo na si Mr. Demi God. Napatingin ako sa harap ko kasi parang may mga kaharap pa ako eh. Syaksssss !!!!! Oo nga meron!! May kasama pala si Mr. Demigod. Apat sila and FUDGE!!!!!

KILL ME!!!!

Kasama pala KUYA sa kanila!!!!! Nata-himik na lang ako and stayed there, stil dumbfounded. Kasalanan ng Demigod na yun, naka-katulala kasi kagwapuhan nung isang yun. Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula ng pulutin ang mga libro ko na nahulog sa sahig. Para na rin maiwasan ang mga nag-sinisiyasat na mga tingin ng mga nasa harap ko. Especially that penetrating gaze of my brother.

Maya-maya lang may tumutulong na sa kin. Nagulat ako ng si Kuya pala yun.

"Kung bakit kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo yan tuloy may nakabangga ka. At ang nakabangga mo pa ay ang kinakatakutan dito. LAGOT KAAAAA!!!!!! " Natatawa ng bulong ni kuya sa akin.

Akala ko pa man din sesermonan niya ako yun pala tatakutin lang. *pout*

 Ai teka. . ."KINAKATAKUTAN??? " Tanong ko.

"Yes!!!! " Siya

"Why?" Ako

"Because he is the heir of his family's property which is a well-known business empire around the world with many different industries including food, car, entertainment and many more. Also, he is the leader of the number one gangster group nationally and even internationally." Kuya

Napa-aaaaaahhhh na lang ako. Habang tumango.

'Wow naman, ganda naman ng background. Very suitable for a Demi God like him.' Sambit ko na lang sa sarili ko.