Chereads / DIRTY SECRETS / Chapter 2 - 0.2

Chapter 2 - 0.2

Pagkatapos kumain at makipagkwentuhan si Natasha sa kaibigan nyang si Camille nagpaalam na sya para puntahan si Adrian sa Makati.

Bank Manager si Adrian sa trabaho nito. Ayaw nitong hawakan ang business ng magulang nya dahil mas gusto nitong maging empleyado kesa maging boss. Sumakay na ng bus si Natasha dahil malapit lapit narin ang makati sa Ortigas kaya hindi na sya nag MRT.

Pagdating nya sa Makati nakita nya si Adrian na may kausap pang kliyente kaya naman nagpasya syang mag coffee muna malapit sa opisina nito. Pagpasok nya sa Starbucks umupo muna sya bago umorder.

"Natasha...

Nagulat pa si Natasha ng tawagin sya ng lalaki. "Remember me? Ako yung naka table mo dati si Race." nakangiting sabe nito.

Wala naman maalala si Natasha na pangalang Race at lalong wala syang maalala na naka table nya na kasing gwapo nito. "Hindi mo na ako maalala. Kung sabagay sino ba naman ako para maalala mo. Sa bar kapa rin ba nagta-trabaho?" tanong nito.

"Hindi na. Pasensya kana pero hindi talaga kita maalala." nilagpasan na ni Natasha si Race saka umorder.

"Gusto sana kitang itable ulit. Alam mo mula ng makausap kita sa bar hindi kana nawala sa isip ko. May boyfriend kana ba Natasha baka pwedeng mag apply." seryosong sabe ni Race na hindi pa pala umalis sa likod nya.

Pagkakuha nya ng order hinarap nya si Race para kausapin. "May nangyare ba satin dalawa? Kung wala bakit hindi mo ko makalimutan? Isa pa may boyfriend na ako kaya kung didiskarte ka wag na." pagkasabe ni Natasha lumabas na ito para puntahan si Adrian.

Gusto pa sana nyang mag stay sa Starbucks kaya lang ayaw na nya makipag usap kay Race baka makita pa sila ng boyfriend nyang si Adrian.

"Babe." pagtawag ni Adrian na may dalang bulaklak para sa kanya.

Yun naman ang nagustuhan ni Natasha sa boyfriend nya dahil araw araw sya nitong pinakikilig kapag nagkikita sila. Gwapo, mayaman at gentleman na tao si Adrian kaya naman ng ligawan sya nito hindi na sya nagdalawang isip na sagutin. "Para sakin ba yan o para sa kliyente mo kanina na kung makatingin sayo para kang kakainin." birong sabe ni Natasha.

"Para sayo yan babe. Ah babe tutal ilang taon na rin naman tayo siguro oras na para ipakilala kita sa parents ko." pagkasabe ni Adrian nabitawan ni Natasha ang bulaklak na hawak nya.

Hindi pa handang mameet ni Natasha ang parents ni Adrian dahil natatakot sya na baka hindi sya matanggap ng pamilya nito. "Adrian gusto ko sana sa anniversary nalang natin. Hindi ba mas okay yun para double celebration." anya ni Natasha.

"Yan din ang sinabe mo nung nakaraang taon. Natasha ayaw mo bang makilala ang parents ko? Hindi ba mas maganda kung makikilala mo sila. Ano bang iniisip mo na hindi ka nila magugustuhan? Hindi ganun ang parents ko Natasha kung sino ang taong mahal ko matatanggap nila." seryosong sabe ni Adrian na hindi maiwasan magtampo kay Natasha.

"I'm sorry babe.....

"Okay lang so tara na nagluto si Mommy ng dinner darating din ang kuya ko sa bahay kaya mamemeet mo din sya." ngiting hinawakan ni Adrian ang kamay ni Natasha saka sumakay ng kotse.

Pagdating nila halos mamangha si Natasha sa laki at ganda ng bahay nila Adrian. Pagpasok palang nila sinalubong na agad sila ng katulong. "Good evening po sir nasa kusina po ang Mommy nyo." bati ng katulong saka kinuha ang bag ni Adrian.

"Nandyan na ba si kuya?" tanong ni Adrian.

"Opo sir." sagot nito.

Dumiretso sa kusina si Adrian kasama si Natasha para puntahan ang Mommy nya. "Malayo palang ako naaamoy ko na ang mabango at masarap mong adobo." napangiti naman ang Mommy nito ng makita ang anak na si Adrian.

Madalang lang din kasi umuwe si Adrian sa kanila dahil stay in ito sa Makati kung saan dun sya kumuha ng condo malapit sa trabaho nya. "Ikaw talaga binobola mo nanaman ako. Sino yang kasama mo?" tanong agad ng Mommy ni Adrian.

"Ah Mommy sya pala si Natasha ang girlfriend ko." ngiting pinakilala ni Adrian si Natasha sa Mommy nya.

Tinignan muna nito si Natasha bago magsalita. "Maganda sya anak. Anong business ng magulang mo iha if you don't mind." tanong nito at hinawakan nya si Adrian sa sobrang kaba nya.

"Labandera lang po ang mama ko at hindi na po nagta-trabaho ang papa ko mula ng magkasakit sya." sagot ni Natasha na hindi maiwasan kabahan.

"Anong tinapos mo? Wag mong sabihin hindi ka nakapag aral." mataray na tinignan sya nito habang nagluluto.

"Mommy tapos ng vocational si Natasha. Bread winner sya ng pamilya kaya maaga syang nagtrabaho. Isa pa hindi naman na importante yun ang mahalaga nakapag aral sya." sabat ni Adrian at hinawakan ang kamay ni Natasha.

Hindi nalang kumibo ang Mommy ni Adrian pero ramdam ni Natasha na ayaw sa kanya nito dahil sa katayuan nya sa buhay.

Nang matapos magluto sabay sabay ng kumain ang pamilya ni Adrian kasama si Natasha. "Teka bakit wala si kuya?" takang tanong ni Adrian sa Mommy nya.

"Manang pakitawag na nga si Race." utos nito at biglang nasamid si Natasha ng marinig ang pangalang Race.

"Okay ka lang babe?" tanong ni Adrian.

"Ah okay lang." sagot ni Natasha saka uminom ng tubig.

Pagdating ni Race halos manlaki ang mata nya ng makita si Natasha. "Kuya girlfriend ko nga pala si Natasha." pakilala ni Adrian.

Napangiti si Race habang nakatingin kay Natasha. "Hi Natasha nice meeting you." ngiting sabe nito.

Hindi magawang ngumiti ni Natasha dahil kilala sya ni Race kung anong uring babae sya. "Wag ka mag alala mabait yan si kuya yun nga lang hindi yan nagseseryoso ng babae." biro ni Adrian at natawa ng malakas si Race.

"Malay mo naman magawa ko ng magseryoso dahil sa isang babae. Pwede naman magbago di ba Natasha." sabe ni Race habang nakatitig sa dalaga

Natatakot si Natasha na baka sabihin ni Race kay Adrian kung sino sya. Alam ni Race na dati syang nagta-trabaho sa bar at ayaw nyang malaman pa yun ni Adrian.