Hindi makakain ng maayos si Natasha dahil alam nyang nakatitig sa kanya si Race. "Saan nga pala kayo nagkakilala nitong si Natasha?" tanong ni Race sa kapatid nyang si Adrian.
"Nabangga ko kasi si Natasha mabuti na nga lang at hindi sya nasaktan. Pagkatapos nun hindi na sya nawala sa isip ko kaya hinanap ko sya at niligawan." kwento ni Adrian habang nakatingin kay Natasha.
"Alam mo may nakilala rin akong babae pero sa BAR nga lang hindi rin sya mawala sa isip ko binalak ko rin syang hanapin kaya lang nung nakita ko sya may boyfriend na pala." sabe ni Race sabay ngiti kay Natasha.
"Ahm Adrian kailangan ko ng umuwe wala kasing kasama si Sigh sa apartment." singit sa usapan ni Natasha.
"Ganun ba. Sige wait lang mag CCR lang ako hintayin mo ko dito....
Pagkaalis ni Adrian umalis din ang Mommy nito kaya naiwan si Race at Natasha. "Boyfriend mo pala ang kapatid ko kaya pala hindi kana available. Alam ba ni Adrian kung anong klaseng babae ka?" seryosong tinignan ni Race si Natasha saka ngumiti.
"Siguro sa paningin mo maruming babae ako pero mahal ko ang kapatid mo. Kung sasabihin mo sa kanya ang nakaraan ko sabihin mo na dahil hindi naman ako natatakot." sagot ni Natasha na hindi makatingin kay Race.
"Wala akong balak sabihin sa kanya ang nakaraan mo pero hindi ako papayag na sya lang ang makinabang sayo. Gusto kita Natasha at wala akong pakialam kung ang kapatid ko pa ang maging karibal ko sayo." paliwanag ni Race saka hinawakan ang kamay ni Natasha.
"Nababaliw kana." inis na tinanggal nya ang kamay ni Race sa kamay nya.
Ngumiti lang si Race sabay kindat kay Natasha.
Pagdating naman ni Adrian napangiti sya ng makitang nag uusap si Race at si Natasha. "Mukhang close na kayo kuya hah." ngiting bungad ni Adrian.
"Hindi naman mahirap pakisamahan tong si Natasha. Masarap syang kakwentuhan." malokong sabe ni Race.
"Mabuti naman. Sige kuya aalis na kami....
Nagpaalam na si Adrian sa kuya nya kasama ang girlfriend nitong si Natasha.
Habang nagda-drive si Adrian naisip ni Natasha na mag tanong tungkol kay Race. "Babe si Race wala ba syang girlfriend?" tanong ni Natasha.
"Meron syang girlfriend noon kaya lang sinaktan sya kaya hindi na sya nagseryoso sa babae. Bakit mo natanong?" takang tanong ni Adrian.
"Wala naman." tipid na sagot ni Natasha.
Gusto sana nyang sabihin kay Adrian na kilala nya si Race kaya lang ayaw naman nyang sabihin na nagkakilala sila sa BAR.
Pagkauwe ni Natasha nagpaalam na agad si Adrian dahil uuwe pa ito ng makati. "Goodnight babe. I love you." wika ni Adrian saka hinalikan sa lips si Natasha.
"I love you babe. Ingat ka." sagot naman ni Natasha saka pumasok na sa loob.
Ginabe na ng uwe si Natasha kaya naabutan nyang tulog na ang kapatid nyang si Sigh at hindi parin mawala sa isip nya ang mga sinabe ni Race sa kanya.