Maki...
"Ano po yun Hon? wag kang umiyak baka itanan kita." birong sabe ni Maki sabay ngiti sakin.
"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Oo tama ka lage akong nagugulat sa mga desisyon mo dahil hindi ko alam na ikakasal na pala tayo ngayon masyado kang mabilis. Mahal na mahal kita Shinichi Maki sorry kung nilait ko ang pagkatao mo dati, sorry kung sinampal kita, sorry kung lage kitang inaaway pero ito ako eh. Ayokong magpanggap at magpakitang tao sayo dahil alam kong minahal mo ko kung sino at ano ako. Masaya ako ng dumating ka sa buhay ko dahil niyanig mo ang natutulog kong puso hehehe. Akala ko dati walang lalaki na seryoso maliban kay Sendoh sya lang kasi ang kaibigan ko at alam mo yun pero ng dumating ka sa buhay ko pinatunayan mong hindi lahat ng lalaki manloloko kasi sobrang loyal mo magmahal Maki. Nawala man ang papa ko pero dumating kana man sa buhay ko sapat na yun para maging masaya ako habang buhay. Ngayong iisa na tayo isusumpa ko na hinding hindi kita iiwan sa hirap at ginhawa ano man ang mangyari lage kitang susuportahan sa bawat laro at sa bawat pangarap mo. Mahal na mahal kita Maki I love you." naiiyak kong sabi...
Kahit ang pari at ang mga tao sa simbahan natouch sa sinabi ko pero lahat yun galing sa puso ko. Wala ng makakapag hiwalay sa amin dalawa ni Maki. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak bago punasan ni Maki ang luha ko. Nagtaka naman ako ng may ibigay sya sa akin pag bukas ko diploma nya pala. Natuwa ako dahil hindi nya ako binigo tinupad nya ang pangarap nya para sa akin.
"Satomi para sayo nakapag tapos na ako at ngayon mas better person na ako kasi hindi ba sabe ko sayo tutuparin ko ang pangarap mo na kasama ako. Ipinapangako ko sayo na magiging mabuti akong asawa sayo at sa magiging future baby natin pero hindi ko maipapangako na hindi ako magiging mabilis hahaha mahal na mahal kita Satomi ko ikaw lang ang kumumpleto sa buhay ko. Hindi ko magagawa ang lahat ng to kundi dahil sayo Ikaw lang sapat na." masayang sabi ni Maki.
"Salamat Hon I'm so proud of you. Ikaw lang din sapat na mis na mis na kita Maki I love you." sabe ko habang umiiyak...
"I love you misis Maki. Father pwede nyo na po ba kaming ikasal." sabi ni Maki.
"Hindi pwede." sigaw ni Sendoh..
"Bawal ng walang basbas namin." sabi naman ni Fujima.
"Tama." pag sang ayon ni Kiyota.
"Wala na kayong magagawa akin na sya." tumatawang sabi ni Maki.
Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang kasal ko. Napapakamot na lang si Father dahil hindi nya alam kung sisimulan ba ang kasal dahil napaka kulit ng team lahat sila nakatayo.
Nakaka proud si Maki dahil natupad na nya ang pangarap nya ngayon di na lang ako mag isa na tutupad ng pangarap ko dahil dalawa na kami..
"Nang gugulo kayo hayaan nyo muna sila." sabi ni Ayako sa team.
"Oo nga sige na father simulan na." seryosong sabi ni Akagi.
"Maki do you accept Satomi as your wife." tanong ng pari kay Maki.
"Yes Father." ngiting sabi ni Maki habang nakatitig sa akin.
"Satomi do you accept Maki as your husband?
"Yes father ." sagot ko na hindi maitago ang saya.
"You may now kiss the bride." wika ni Father..
"Baka hindi lang halik magawa ko sayo Hon I love you." ngiting sabi ni Maki.
"Tumigil ka Maki nasa simbahan tayo ikiss mo na ako dali." nakangusong sabe ko.
Tinanggal ni Maki ang belo ko saka ako hinalikan at hindi lang basta halik ang ginawa nya.
"Tama na." pasigaw na sabe ni Kiyota.
"May bukas pa." sigaw naman ni Mitsui.
Naghiwalay kami ni Maki at napangiti nalang ako dahil nakatingin sila samin.
"Maki saan ang reception?" tanong ni Rukawa.
"Sa kwarto." birong sabi ni Maki habang tumatawa.
Binuhat ako ni Maki at hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin pero wala na akong pakialam dahil kasal naman na kami.
"Hoy Maki mamaya mo na yan itakas." sabi ni Fujima.
"Pumunta kayo sa reception kung gusto nyo basta sakin muna asawa ko." saad ni Maki.
"Iniwan tayo dito? Saan ba yung reception gutom na ako." sabi ni Kiyota
"Ako din gutom na napagod ako kakaiyak wahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.
"Oo napagod din ako sa kakasinga mo sa suit ko pa talaga ikaw suminga." naiinis na sabi ni Ryota.
"Pasensya kana kulot hindi ko naman sinasadya eh." ngiting sabi ni Sakuragi at napakamot nalang si Miyagi.
Nagpalit ako ng damit ganun din si Maki bago kami nagpunta sa reception. Nagtataka naman ako dahil wala pa ang team pero nandun na ang tatlong coach maging ang parents ko at ang parents ni Maki.
"Tawagan mo coach si Kiyota baka naligaw na yun." sabi ni Maki kay coach Takato.
Nagulat kami ng dumating silang pawisan inis na inis ang team dahil mukhang nilakad nila mula simbahan hanggang sa reception
"Pasalamat ka Maki araw mo ngayon." sabi ni Kiyota na masama ang tingin kay Maki.
"Kainis." sambit ni Rukawa.
"Mas napagod ako dito kesa sa paglalaro ng basketball." naiinis ding sabi ni Sendoh.
"Ako nga mukhang pulubi na sa kaka takbo." hinihingal na sabe ni Sakuragi.
"Okay lang yan nakarating naman tayo." wika ni Fujima.
"Ang sakit ng paa ko naka takong pa mandin ako." maiyak iyak na sabi ni Daila.
"Buti na lang talaga nandyan si Fujima buhat buhat ako." kinikilig na sabe ni Sasaki.
"Ang sakit ng paa ko." mahinang sabe ni Haruko
"Saan ang masakit? tanong ni Rukawa kay Haruko.
"Wag mo nga hawakan si Haruko." sabe ni Sakuragi at inilayo si Haruko kay Rukawa.
"Tama na yan puro kayo reklamo." singit ni Hanagata.
"Kala mo talaga sya hindi nag reklamo halos murahin mo na nga lahat ng taong makita mo." sabi ni Mitsui na hindi rin maiwasan mainis kay Maki.
"Naiganti na kita Hon." bulong ni Maki.
"Loko ka talaga." sabi ko.
Napaka bongga ng reception namin ni Maki at halatang pinaghandaan nya yun.
"Sakuragi ang dami nyan hah." sabi ni Sendoh ng makitang punong puno ng laman ang plato ni Sakuragi.
"Gutom ako eh." sagot ni Sakuragi.
"Bibitayin kana ba bukas? Lahat ata ng pagkain tinikman mo." sabi ni Kiyota na nakatingin sa plato ni Sakuragi.
"Sana iuwi mo na rin yung kaldero." seryosong sabe ni Rukawa.
"Sige pag naubos to wahahaha." birong sabe ni Sakuragi at nilantakan lahat ng pagkain na kinuha nya.
"Ayako para sayo." nahihiyang sabi ni Ryota.
"Salamat Ryota." ngiting sabi ni Ayako.
"Babe para sayo." sabi ni Fujima at inabutan ng pagkain ang girlfriend nyang si Sasaki.
"Tama na nga yan." sabi ni Rukuwa sa dalawa.
"Meron ka ba? Bakit ang sungit mo nanaman." ngiting sabi ni Sendoh.
"Inggit kasi wala syang Haruko." pang aasar ni Sakuragi.
"Wala ka rin namang Haruko hah." sabat ni Mitsui.
"Sige sakin na lang si Haruko." nang aasar na sabi ni Sendoh sa dalawa.
"Hindi pwede." sabay na sagot ni Rukawa at Sakuragi
Tumawa nalang si Sendoh at Mitsui dahil sabay pang nagsalita si Rukawa at Sakuragi na halatang halatang may pagtingin kay Haruko.
Tumayo ang tatlong coach sa harap at nagsalita ito para icongratulate kami ni Maki.
"Congrats and best wishes Maki and Satomi. Ngayong kasal na kayo wag na kayong maging isip bata na parang aso't pusa dahil ang pag aasawa hindi yan parang kanin na kapag napaso pwede mong iluwa." seryosong sabe ni coach Takato.
"Bakit nauna si coach Takato bukas pa yan matatapos." sabe ni Kiyota at nagtawanan sila Fujima.
"Naku si coach Taoka nga tatlong araw kung mag speech eh." natatawang sabi ni Sendoh.
"Congrats to the both of you. Tama lahat ng sinabi ng coach mo Maki kaya dapat mag matured na kayo at wag pairalin ang init ng ulo lage nyo rin intindihin ang isat isa." sabe naman ni coach Taoka.
"Hohoho wala na akong ibang sasabihin kundi magmahalan kayo." bati ni coach Anzai habang tumatawa.
"Hanep yung coach nyo parang si Santa Claus hehehe." ngiting sabi ni Kiyota habang nakatingin kay coach Anzai.
"Grabe ka naman." anya ni Sasaki sabay tingin din kay coach Anzai.
"Si Buddha yan si tatang wahaha." nang aasar na sabi ni Sakuragi.
"Isusumbong ko kayo kay coach." pananakot ni Ayako.
Umakyat si Maki sa stage kasama ako.
"Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa kasal namin ng asawa ko. Salamat sa parents ko at sa parents ni Satomi hindi mangyayare to kundi dahil sa inyo at salamat din sa buong team ko na hanggang ngayon naiinis parin sakin hehehe. Maraming salamat guys dahil tinulungan nyo ko kayo ang naging saksi sa pag iibigan namin ni Satomi salamat sa friendship. Napaka sarap nyong maging kaibigan wag nyo ng tanungin kung gaano kasarap dahil walang katumbas yun. Salamat din sa tatlo kong coach na pinaunlakan ang invitation ko at nag bigay pa ng message samin ni Satomi.
"And before that thank you also to my wife dahil hindi ka nainip na hintayin ako. Mahal na mahal kita Satomi your my inspiration I love you so much Hon.
Hindi na ako nakapag salita sa mga sinabe ni Maki dahil punong puno ng pagmamahal ang puso ko para sa kanya.