Pag uwi ko sa bahay nagtaka ako ng makita ang Mama at Papa ni Maki. Hindi ko alam kung anong sadya nila sa akin pero wag naman sana bad news.
"Anak maupo ka." utos ni Mama.
"Satomi anak gusto kong isama ka sa america para makita mo si Maki kailangan ka nya ngayon." seryosong sabe ng mama ni Maki.
"Bakit po may problema po ba?" tanong ko.
"Malalaman mo kapag sumama ka samin kasama rin ang mama mo." sabe naman ng papa ni Maki na hindi makatingin sakin.
Hindi ko alam kung bakit kailangan namin pumunta ni Mama ng america. Hindi na ako nag tanong pero siguro naman walang masamang nangyari kay Maki dahil diko talaga kaya na may mangyaring di maganda sa kanya. Nag impake na ako at si Mama ng mga gamit namin dahil matatagalan daw kaming bumalik dito.
Sumakay kami sa sasakyan ng Papa ni Maki mukhang alam ni Mama kung bakit kami pupunta sa america pero wala naman syang sinasabi sakin. Gusto ko sana magpaalam kay Sendoh at sa team kaso malabo na. Pagdating namin sa airport sumakay na kami agad sa eroplano first time kong sasakay sa eroplano kaya medyo nahihilo ako.
"Ayos ka lang ba Satomi?" tanong ng Mama ni Maki.
"Ayos lang po ako Mama." sagot ko.
Pagbaba namin dumiretso na agad kami sa hotel nagtataka naman ako kung bakit sa hotel kami tumuloy at hindi kay Maki. Iniwan ako ng parents ni Maki at ni mama.
May pumasok sa kwarto ko ng dalawang babae at may dalang wedding gown ang ganda ng wedding gown na may ternong sapatos na puti kumpleto rin ng accessories.
"Teka lang nagkamali ata kayo." nagtataka kong sabi.
"Hindi sila nagkamali." bungad ni Sendoh..
"Nandito ka? teka lang Sendoh ano ba to?" tanong ko.
"Wedding gown." ngiting sabi ni Jin.
Nagulat ako ng makita ang buong team. Ano bang meron bakit parang ako lang ata ang walang alam. Gusto ko pa sana mag tanong kaso iniwan na nila ako napapaisip ako bakit si Maki di ko makita kaya nga ako nagpunta rito para sa kanya.
"Sino bang ikakasal?" tanong ko sa dalawang babae.
"Ms. Satomi nautusan lang kami na ayusan ka at bihisan. May lalaking ikakasal." paliwanag ng isang babae.
"Sinong lalaki?" tanong ko.
"Hindi namin pwede sabihin ang pangalan." sagot naman ng isang babae.
"Teka lang hindi lang kasi basta puti tong ipapasuot nyo sa akin. Alam nyo ba kung ano to? Wedding gown to parang ako ata yung ikakasal kaya magsalita kayo kasi may asawa na ako ayoko magpakasal sa iba." pagtataray ko dahil hindi ko na nagugustuhan ang nangyayare.
Hindi sila nakinig sa sinabi ko at basta na lang nila akong binihisan at inayusan. Ano ba naman tong nangyayari baka bukas may katabi na akong lalaki na hindi ko kilala pero bakit kaya nandito sila Sendoh at ang buong team. Hindi kaya pakana nanaman to ni Maki bwesit na lalaking yun wala manlang pasabi masasapak ko talaga sya pag nakita ko sya.
"Napaka ganda mo Ms. Satomi." pagpuri nila sakin.
Naamazed ako ng makita ko ang itsura ko sa salamin. Iba talaga nagagawa ng make up infairness sa kanila ang galing nila mag ayos parang hindi tuloy ako yung nakikita ko sa salamin. Iniwan ako ng dalawang babae at nagulat ako ng pumasok si Rukawa at Sendoh na naka tuxedo. Ang gwapo ng dalawa akalain mong pati si Rukawa sumama sa america kanina lang mag kausap kami nito. Ang bilis naman nya makarating dito.
"Ready ka na ba? tanong ni Sendoh.
"Ready saan?" nagtataka kong tanong.
"Malalaman mo." seryosong sabi ni Rukawa.
Pag labas namin ng hotel nakita ko ang tatlong coach ng RYONAN, SHOHOKU at KAINAN pati sila coach nandito. Ano ba talagang meron naiiyak na ako. Nakita ko rin si Ayako, Haruko, Sasaki, Daila, Aika at Haydee na naka gown. Bakit ganun sino ba ikakasal at pati sila naka gown tapos ako naka puti hindi lang basta puti wedding gown talaga ang suot ko.
"Satomi congrats." bati ni Sasaki.
"Congrats saan?" tanong ko na hindi maiwasan magtaka
"Satomi congrats." bati rin ni Haydee at Ayako.
"Congrats Satomi." ngiting sabi naman ni Haruko at Nissa.
Naiinis na ako bakit nila ako binabati ng congrats ano bang meron. Wala man lang nag sasalita sa akin kung ano bang meron bakit sila nandito, bakit ako naka wedding gown. Wag naman sana tama ang iniisip ko.
"Ang ganda mo Satomi." puri ni Koshino sakin ng makita ako.
"Congrats Satomi." pagbati din ni coach Takato saka ako niyakap.
"Congrats Satomi your so beautiful hohoho." ngiting sabi ni coach Anzai sabay yakap sa akin.
"Marunong palang mambola si coach." bulong ni Ryota.
"Salamat po sa inyo kahit di ko alam kung bakit nyo ako binabati." nasabe ko nalang sa kanila.
"Ikakasal kasi yung kaibigan namin at special guest ka gusto nya yan ang suotin mo choosy kasi yun" natatawang sabi ni Sendoh.
"Sinong kaibigan?" tanong ko.
"Secret." sagot ni Rukawa.
"Sasabihin nyo ba o babangasan ko yang mga mukha nyo?" mataray kong sabe sa dalawa.
Naiinis ako sa kanila mukha talagang wala silang balak magsalita. Nasaan kaya si Maki bakit wala sya wala na rin ang Mama ko at ang parents ni Maki. Nakakapag taka pati si Ayako nandito ganun din si Ikegami Uozumi Akagi at Sakuragi halos lahat sila nandito.
"Satomi handa kana ba?" tanong ni Kiyota.
"Saan ba?" naiinis kong tanong.
"Handa kana bang maging.....
"Sabihin mo na Sakuragi lintik naman binibitin nyo ko." sabe ko na hindi maiwasan mainis.
"Sorry Satomi mas loyal kami sa kanya kesa sayo wahahaha." natatawang sagot ni Sakuragi.
"Sasaki, Ayako, Haruko di ba magkakaibigan tayo?"..
"Oo Satomi magkakaibigan tayo pero sa ngayon di kami pwedeng mag salita." saad ni Ayako.
"Wag mo na kasi hulaan papangit ka lang." singit ni Hanagata
"Pag di nyo sinabi kayo ang papangit sa akin." nagbabantang sabe ko.
"Mapanakit." bulong ni Rukawa.
"Baka umiyak ka kasi sayang yung make up." sabi ni Sendoh sakin.
"Promise hindi ako iiyak ano ba yun?" tanong ko.
"Sorry bawal talaga." pagmamatigas ni Hanagata.
Lahat sila walang balak sabihin sakin kung anong meron tapos hindi pa nagpapakita si Maki.
Umalis na silang lahat at iniwan akong mag isa. Hindi ko na talaga alam ano bang gagawin ko dahil iniwan nila ako. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at laking gulat ko ng makita ang Papa ni Maki.
"Handa kana ba Anak?" tanong nito.
"Saan po tayo pupunta?" tanong ko naman.
"Sa simbahan may nag hihintay sayo dun." ngiting sabi ni Papa.
Bakit ako lang yung sinundo ng Papa ni Maki bakit di si Mama ang sumama sa akin. Gusto ko sana itanong kong nasaan si Mama kaso naisip ko na baka kasama nya ang Mama ni Maki.
Pag dating namin sa simbahan pumasok na si Papa pero naiwan ako sa labas ng simbahan. Ang sabi ni Papa maglakad daw ako pero bakit ganun special guest ako pero parang ako yung ikakasal. Ginawa ko naman ang sinabi ni Papa naglakad ako at laking gulat ko ng makita si Maki na umiiyak.
"Grabe ang gandang bride." ngiting sabi ni Haydee.
"Nakakaiyak naman to." maiyak iyak na sabi ni Ayako.
Hindi ko alam na ako pala ang ikakasal. Ang pagkaka alam ko kasi babalik si Maki sa japan at dun kami magpapakasal yun pala dito kami sa america mag papakasal kaya pala lahat ng team nandito. Nakita ko na umiiyak din ang parents ni Maki at si Mama sobrang saya ko na makita ko ulit si Maki. Malapit na ako sa kanya at hinawakan ni Mama ang kamay ko at ibinigay yun kay Maki.
"Ang ganda naman ng magiging asawa ko." bulong ni Maki habang umiiyak.
"Yari ka sakin mamaya." bulong kong sabi.
Tumawa lang si Maki sa sinabi ko. Actually hindi ako naiinis o nagagalit sa kanya pero grabe talaga sya. Napaka gwapo ni Maki sa suot nyang tuxedo ang layo layo na sa Maki na kilala ko dahil lalo syang pumogi.
"Father before we start, I just want to say something to the woman I love." seryosong sabi ni Maki kay Father.
"Go a head Maki.
Putcha ayokong umiyak pero mukhang maiiyak ako sa speech ni Maki. Hindi tuloy ako makatingin ng maayos sa kanya dahil ayoko makita nya akong umiiyak sayang yung ayos ko.
"Satomi Takara sorry hah kung lage kang nabibigla sa mga desisyon ko ng di mo alam. Alam mo mahal na mahal kita at gusto ko makasal sayo sobrang namimiss kita. Hindi ako makatulog dahil hindi kita katabi, hindi ako makakain ng maayos kasi di ko natitikman ang luto mong sunog pero kahit na sunog yung luto mo yun ang pinaka masarap na natikaman ko dahil kakaiba sya. Mula ng makilala kita hindi kana nawala sa isipan at puso ko sabi ko sa sarili ko ng makilala ko ang tunay mong ugali at pagkatao nasabi kong ito ang babaeng gusto ko makasama habang buhay. Alam mo ba kung bakit? Dahil ikaw lang ang taong umayaw, nanlait at sumampal sa akin. Lahat ng yun naranasan ko sayo madalas man tayo mag away na parang asot pusa pero iisa lang ang sisiguraduhin ko hindi tayo maghihiwalay Mahal kita Satomi. Mahal na mahal gusto kong ipagmalaki sa lahat na ikaw ang girlfriend ko at Asawa. Hindi ko kaya mabuhay ng wala ka hindi ko kaya maging masaya ng wala ka, hindi ako kumpleto kapag wala ka at higit sa lahat mamamatay ako kapag iniwan mo ko....
Nakita ko syang umiiyak pero alam kong saya ang dulot nun. Masaya ako masayang masaya dahil si Maki lang talaga ang kaligayahan ko wala ng iba at mahal na mahal ko sya.
"Maki sandali lang naiiyak ako bwesit ka talaga eh...
"I love you po." ngiting sabi ni Maki..
"Kiss na ang tagal." sigaw ni Sendoh.
Gusto ko syang yakapin bago ako mag salita dahil sobrang natutuwa ako sa mga sinabi nya. Paano ko ba sisimulan ang speech ko kung lahat ng team nandito.