Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 82 - CHAPTER 82

Chapter 82 - CHAPTER 82

"Anak...

Pupungas pungas akong tumayo at nakita ko si Mama.

"Mama wala naman akong pasok bakit ang aga mo kong ginising?" tanong ko habang naghihikab.

"May sulat ka galing kay Maki." ngiting sabi ni Mama

"Talaga Ma...

Kinuha ko kay Mama ang sulat at binasa ko yun sa kwarto. Sobrang tagal na bago sumulat si Maki kaya excited akong mabasa ang sulat nya. Kamusta na kaya sya? kumakain kaya sya ng maayos dun kailan kaya sya makakauwi sana makauwi na sya

Dear Satomi

Kamusta kana? Gusto kong sabihin sayo na malapit na akong makapag tapos konti na lang at uuwi na ako pasensya kana kung di ako nakakasulat sayo. May sasabihin ako sayo Mahal na mahal kita hehehe palage kang mag iingat sa school mo kumain ka sa tamang oras dahil pakakasalan pa kita pag uwi ko. I love you Hon malapit na matupad ang pangarap ko para sayo ikaw lang nag iisa sa puso ko tandaan mo yan Satomi Takara Maki. Paki kamusta ako sa buong team miss na miss ko na silang lahat lalo kana I love you wag ka mag alala sakin dito okay lang ako basta kahit anong mangyari ikaw lang walang iba I love you...

-Maki Love Satomi-

Hindi ko tuloy napigilan umiyak ng mabasa ko ang sulat ni Maki. Gusto ko na sya makita kung pwede lang pumunta sa ibang bansa ginawa ko na para makita sya. Pagkatapos kong basahin ang sulat ni Maki nakita kong may nakalagay pa sa sobre at nagtaka ako ng makita ang singsing na may pangalan namin dalawa ni Maki. Lalo tuloy akong naiyak dahil napaka sweet ni Maki sakin.

Ilang buwan na lang at uuwi na sya at hindi na ako makapag hintay na makasama sya at ng buong team. Pumunta ako sa labas at sumigaw ako hindi ko na talaga mapigilan maging masaya dahil konting buwan na lang ang hihintayin ko at uuwi na si Maki...

"May sayad na sa utak yung babae...

"Wag mo na pansinin kawawa naman...

Napagkamalan pa ako ng mga tao na may sayad sabagay wala naman akong pakialam basta masaya ako at walang makakapigil nun gusto kong tumalon sa sobrang saya dahil makikita ko na sya ulet.

"Anak pumasok ka nga dito." utos ni Mama.

"Opo ma....

"Anak bakit ka ba sumisigaw sa labas? Ano bang sinabi ni Maki sa sulat?" tanong ni Mama.

"Malapit na daw sya umuwi at mahal na mahal daw nya ako ma kinikilig ako sabunutan mo nga ako mama." sabe ko na hindi mapigilan kiligin.

"Gusto mong hatawin kita nito ng magising ka? Ang aga aga Satomi para kang nababaliw matagal ko naman ng alam na mahal ka ni Maki pero ngayon ka lang nabaliw ng ganyan....

Tumawa nalang ako kay mama at sabay kaming kumain pagkatapos kong kumain nagpaalam ako para pumunta sa school ng Shohoku. Nalaman ko kasi na nandun sila Haruko at Sasaki.

Pag dating ko sa school ng Shohoku nagulat ako ng makita si Rukawa na ginagamot ang tuhod ni Haruko akalain mong sweet din pala sya kahit patulog tulog hahaha..

"Ehem." bungad ko.

"Ikaw pala Satomi." sabi ni Haruko na hindi maiwasan mahiya ng makita ko sila ni Rukawa.

"Walang ibig sabihin to." seryosong sabi ni Rukawa sakin.

"Bakit wala naman akong sinasabi hah." sabe ko habang tumatawa.

"Ganyan talaga yang si kuya advance mag isip Satomi." ngiting sabi ni Sasaki.

Marami din freshman ang sumali sa Shohoku pero ang daming nagbago dahil ang gym na dating maingay ngayon parang hindi na dahil talbog na lang ng bola ang maririnig sa loob.

"Alam mo ba Satomi mula ng mawala si Sakuragi parang lalong naging pipi yang si kuya." sabi ni Sasaki habang nakatingin sa kuya nya.

"Kahit naman wala si Sakuragi pipi na yang kuya mo." sabe ko at natawa naman si Sasaki.

"Mas nag matured nga ngayon si Rukawa may pakialam na rin sya sa ibang tao di tulad dati." pansin ni Haruko.

"Bakit malungkot ka?" tanong ni Sasaki.

"May nalaman kasi ako." nakayukong sabe ni Haruko.

"Ano naman?" takang tanong ko.

"Sabi ni Mitsui at Ryota may crush daw si Rukawa pero hindi naman nila sinabi kung sino. Minsan naiisip kong tumigil na dahil nagmumukha na rin akong tanga." naiiyak na sabe ni Haruko.

"Malay mo naman ikaw ang gusto ni kuya. Isa pa hanggat wala syang sinasabing pangalan hindi ka dapat panghinaan ng loob. Sa dami ng may gustong babae sa kanya bakit hanggang ngayon single pa sya? Ikaw di ba single ka dahil kay kuya di ba? malay mo ganun din si kuya." paliwanag ni Sasaki.

"Tama sya at nakita ko kay Rukawa kung gaano sya nagmalasakit sayo ng gamutin nya ang sugat mo. Sa ibang babae parang di nya ginawa yun sayo lang." ngiting sabe ko naman na pinapalakas ang loob ni Haruko.

"Talaga salamat hah sana nga gusto rin nya ako." namumulang sabi ni Haruko

"Alam nyo ba masaya ako ngayon. Malapit na kasi umuwi si Maki at sinulatan pa nya ako." sabe ko na hindi maitago ang saya.

"Talaga magandang balita yan." natutuwang sabi ni Sasaki.

"Dahil dyan treat ko kayong dalawa." sabe ko kanila Haruko at Sasaki.

"Paano kami?" bungad ni Rukawa at Mitsui.

"Gutom pa naman ako." sabi ni Mitsui habang nakahawak sa tyan nya.

Naisip kong ilibre na lang din ang dalawa dahil mas masaya kung marame.

"Ano gusto mo?" tanong ni Rukawa kay Haruko.

"Ha?" nauutal na tanong naman Haruko.

"Sabi ko anong gusto mo?" pag uulit na tanong ni Rukawa.

"Ikaw daw ang gusto nya." pag sagot ni Mitsui habang tumatawa.

"Wala ata sa menu si Rukawa." sabe ko at sinakyan ang trip ni Mitsui.

"Pwede naman palagyan." nang aasar ding sabi ni Sasaki.

"Kakain ba talaga tayo?" naiinis na tanong ni Rukawa saming tatlo.

"Kahit ano na lang Rukawa." nahihiyang sabe nalang ni Haruko.

"Ano bang favorite mong kainin?" tanong ni Rukawa kay Haruko.

"Nagka tanungan na po panigurado sunod dyan number na." malokong sabi ni Mitsui habang tumatawa.

"Tumahimik ka nga." naiinis na sabi ni Rukawa kay Mitsui.

"Tumahimik ka daw Mitsui." sabe ko na hindi mapigilan tumawa.

"Anong favorite mo?" tanong ulit ni Rukawa.

"Kahit ano kinakain ko Rukawa." sagot ni Haruko.

"Kahit ano daw Rukawa." sabat ulit ni Mitsui.

"Narinig ko Mitsui." napipikon na si Rukawa kay Mitsui pero parang wala lang kay Mitsui.

"Oorder ba kayo? Kanina pa ako dito." naiinis ding sabi ni Manong sa amin.

Natatawa tuloy ako kasi napaka tagal mag usap ni Haruko at Rukawa tanong lang naman isang oras na ang inabot hindi tuloy kami maka order tatlo dahil nakikinig kami sa dalawa. Simpleng sweet din tong si Rukawa sarap batukan hahaha.

"Ito na lang kainin mo." sabi ni Rukawa habang nakatingin kay Haruko.

"Ang sweet naman nyan." kantiyaw ni Mitsui.

"Bakit di ka ganyan ka sweet sakin kuya." naka simangot na sabe ni Sasaki.

"Hindi ka daw kasi si Haruko." sabe ko habang tumatawa.

"Kumain na kayo bago ako mainis sa inyo." galit na sabi ni Rukawa samin.

"Haruko bakit namumula ka." tanong ni Mitsui.

"May sakit ka ba?" nag aalalang tanong naman ni Rukawa.

"Wala Rukawa." sagot ni Haruko.

"Bakit kaya ang tamis ng lugaw parang chocolate sa tamis." nagpaparinig ni Mitsui habang nakatingin kay Haruko at Rukawa.

Hindi ko tuloy maiwasan tumawa dahil inaasar ni Mitsui si Rukawa ganito pala dumiskarte si Rukawa. Akalain mong may kasweetan rin pala sya sa katawan hindi lang talaga halata sa kanya.

"Kuya tanungin mo din ako kung may sakit ako." naglalambing na sabi ni Sasaki sa kuya nya.

"May sakit ka? paalaga ka kay Fujima." sabi ni Rukawa at nagtawanan kami.

"Pag si Haruko ba nagkasakit kay Sakuragi mo papa alaga?" tanong ni Mitsui.

"Hindi." sagot ni Rukawa.

Kahit si Haruko nagulat sa sinabi ni Rukawa. Ang sweet din pala ni Rukawa kay Haruko at kitang kita namin yun nila Mitsui at Sasaki.

"Ako na ang magbabayad nito." pagpi-prisinta ni Rukawa.

"Hala hindi pwede treat ko yan sa inyo." sabe ko.

"Hindi ko pinag babayad ang babae." seryosong sabe ni Rukawa.

Ibang ibang talaga ugali ni Rukawa ngayon ko lang narinig na hindi nya pinagbabayad ang babae napapahanga nya tuloy ako sa ugali nya. Hindi katulad ni Mitsui Sendoh at Ryota na mahilig sa libre Itong si Rukawa hindi ganun. Ang bait naman pala nya kahit na minsan snob.

"Salamat Rukawa." nahihiyang sabi ni Haruko.

"Magaling na ba yung tuhod mo?" tanong ni Rukawa na hindi maalis ang pag aalala kay Haruko.

"Ayos na ang tuhod ko Rukawa salamat." sagot ni Haruko.

"Pwede ko bang tignan?" tanong ni Rukawa.

Namiss ko tuloy bigla si Maki ang sweet naman kasi ni Rukawa. Tinignan nga ni Rukawa ang sugat ni Haruko habang nakatingin naman si Haruko sa mukha ni Rukawa.

"Ang sweet ni kuya." bulong ni Sasaki.

"Rukawa pwede ba mag tanong?" nahihiyang sabi ni Haruko.

"Ano yun." sabi ni Rukawa.

"May crush ka ba?" tanong ni Haruko.

Nagulat kaming tatlo sa tanong ni Haruko nag angat naman ng mukha si Rukawa at tinignan nya si Haruko.

"Oo." sagot ni Rukawa.

"Sa ibang school ba?" tanong ulit ni Haruko.

"Hindi." tipid na sagot ni Rukawa.

"Okay....

"Gusto mo ba malaman kung sino?" tanong ni Rukawa.

"Hindi na." sagot ni Haruko.

Sayang sasabihin na sana ni Rukawa kung sino gusto nya kaso ayaw naman malaman ni Haruko sayang talaga. Pagkatapos namin kumain hindi na nagsalita si Haruko at Rukawa kaya gumitna si Mitsui para paglapitin ang dalawa.

"May tanong ako kailangan sagutin nyong dalawa yes at no lang ang sagot." ngiting sabi ni Mitsui.

"Sige." pagpayag ni Rukawa.

"Sige Mitsui." sagot naman ni Haruko.

"Rukawa yes or no may pag asa bang mahalin mo si Haruko?" tanong ni Mitsui.

"Ayokong sumagot." seryosong sabi ni Rukawa.

"Ang KJ naman nito YES or NO lang." naiinis kong sabe kay Rukawa.

"Ayokong sumagot ng yes at no ng hindi ako sigurado." anya ni Rukawa.

"Sige na nga ibahin ko na lang." sabi ni Mitsui at nag tanong ulet.

"Kung magkakasakit ba si Haruko aalagaan mo ba sya? Yes or No?" tanong ulet ni Mitsui kay Rukawa.

"Oo kahit wala syang sakit." sagot ni Rukawa.

Putcha kinikilig ako kay Rukawa ganito pala to magmahal mas sweet pa kesa kay Sendoh..

"Narinig mo yun Haruko." ngiting sabi ni Sasaki.

"Ikaw naman Haruko yes or no Nagseselos ka ba sa mga babaeng tumitili at nagkaka gusto kay Rukawa?" tanong ni Mitsui habang tumatawa.

"Yes." sagot ni Haruko.

"Bakit?" tanong ni Rukawa kay Haruko.

"Walang bakit bakit yes or no lang hahaha." tumatawang sabi ni Mitsui.

"Kuya nagseselos pala si Haruko." sabi ni Sasaki.

"Sorry." nakayukong sabi ni Rukawa at hindi matignan si Haruko.

"Ang sweet naman sorry na daw." ngiting sabi ni Mitsui habang nakatingin kay Haruko na namumula.

Hinawakan ni Mitsui ang kamay ni Haruko at kamay ni Rukawa at pinag dikit yun. Hindi ko tuloy maiwasan kiligin sa kanila lalo na ng kunin ni Rukawa ang kamay ni Haruko at hawakan yun ng mahigpit.