Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 81 - CHAPTER 81

Chapter 81 - CHAPTER 81

"Maraming salamat sa lahat ng umattend. Alam kong busy kayong lahat pero pinaunlakan nyo parin ang birthday ko pasensya na rin hindi bongga alam nyo naman na hindi talaga ako nagpa party gusto ko lang talaga kayo makasama at makita." seryosong sabe ni Sendoh na hindi maitago ang saya na makasama nya ulet ang team.

"Happy birthday Sendoh." bati naming lahat.

"Anong wish nyo para sa akin." tumatawang sabi ni Sendoh.

"Wish namin magka girlfriend kana." pasigaw ni Koshino.

"Oo nga." sang ayon ni Mitsui.

"Hindi pa ba sila ni Daila?" tanong ni Fukuda kay Koshino.

"Hindi ko alam basta ang alam ko lang pareho sila ng course ni Sendoh at iisang school ang pinapasukan nila." paliwanag ni Koshino.

"Wala pa sa utak ko ang mag girlfriend may hinihintay kasi ako siguro hindi pa talaga oras para magmahal ako." anya ni Sendoh at ngumiti lang sa kanya si Daila.

"Taas ng kamay ang single pa dito?" tanong ni Mitsui.

Halos lahat sila nagtaas ng kamay kaya napatingin ako kay Hanagata at Aika dahil ang buong akala ko sila na.

"Ang dami nyo." sabi ni Mitsui na hindi makapaniwala.

"Bakit taken kana ba?" tanong ni Rukawa.

"Single din." sagot ni Mitsui sabay tawa.

"Single but not available ako." saad naman ni Hanagata.

"Ikaw Ryota hindi parin ba kayo ni Ayako?" tanong ni Fujima.

"Hindi wala na akong balita sa kanya siguro meron na syang boyfriend sa america. Masaya naman ako basta masaya sya kaya ayoko muna magmahal focus na lang muna sa laro at sa study." malungkot na sabi ni Ryota.

"Bagay pa naman kayo ni Ayako pero alam ko wala yun boyfriend kasi nung linggo lang sumulat sya sa akin sabi nya namimiss na daw nya ang team at busy daw sya sa pag aaral wala nga daw syang time sa sarili nya at gusto na daw nya umuwi para makita tayong lahat syempre pati ikaw Ryota." ngiting sabi ni Sasaki.

"Talaga pero bakit di sya sumasagot sa sulat ko sana nga wala syang boyfriend dahil kung single parin sya pakakasalan ko na sya." birong sabe ni Ryota at tumawa naman sila Sasaki at Fujima.

Alam kong marami nagbago sa team halos lahat sa kanila nag matured na maging si Kiyota na dating iyakin ngayon hindi na pero bully pa din tulad ng dati. Si Ryota naman kitang kita parin na si Ayako parin ang mahal nya, si Mitsui nananatiling single dahil mula ng mawala si Erica hindi na rin sila nakapag usap dahil mas pinili ni Erica mag focus na lang sa pag aaral samantalang si Rukawa naman ayun single parin. Si Koshino naman nililigawan parin si Ashley hanggang ngayon kasi hindi pa handa si Ashley mag boyfriend pero willing naman daw mag hintay si Koshino sa kanya. Well kung si Fukuda naman ang tatanungin single din sya katulad ni Koshino dahil naka focus sya sa study.

Sobra akong humanga sa kanila dahil hindi nila pinabayaan ang pag aaral nila. Hindi man namin kasama ang iba sigurado akong namimiss din nila ang team.

"Alam nyo ba mula ng grumaduate ako sa Ryonan naisip ko kung gaano kahalaga ang friendship. Marami akong kaibigan na iniwan ako pero kayo lang yung nag stay kaya masaya ako dahil di nyo parin kinalimutan ang isang Akira Sendoh salamat hah." madramang sabi ni Sendoh.

"Salamat din Sendoh dahil pinuntahan mo pa talaga ako sa school para imbitahan ako sa birthday mo." wika ni Ryota.

"Marami man nag bago sa tatlong taon pero hindi yun dahilan para kalimutan ang isat isa." seryosong sabi ni Mitsui.

"Talaga? kinalimutan mo nga akong sabihan." inis na sabi ni Rukawa.

"Sorry naman di ko kasi naalala hehehe." ngiting sabi ni Mitsui.

"Nakakamiss sila Ikegami at Maki." saad ni Sendoh

"Balita ko nga nagkita si Ikegami at Maki sa america pero magkaiba sila ng team ni Maki." kwento ni Fujima.

"Talaga? Pag uwi ba ni Maki uuwi na rin si Ikegami?" tanong ni Fukuda.

"Hindi ko lang alam." sagot ni Fujima.

"Sana sabay silang umuwi para mas masaya." sabat ni Kiyota.

"Bakit nga pala di mo inimbita si Uozumi at Akagi?" tanong ni Hanagata kay Sendoh.

"Si Uozumi may thesis kaya wala si Akagi naman busy dahil ikakasal na." sagot ni Sendoh..

"Ano si Akagi ikakasal na?" sabay sabay namin tanong.

"Oo kahit ako nagulat pero hindi nagbibiro si Haruko ng sinabi nya yun." sagot ni Sendoh.

"Sino nakatuluyan nya? bakit parang ni minsan wala syang pinakilala na babae sa atin." takang tanong ni Sasaki.

"Modelo nakatuluyan nya sa ibang university nag aaral yung babae pero graduating na ata ngayon." paliwanag ni Sendoh.

"Buti pa sya." naiinggit na sabi naman ni Kiyota.

"Mas mabilis pala si Akagi kesa sakin." natatawang sabi ni Mitsui.

"Sino kaya susunod na ikakasal." napapaisip na sabi ni Ryota.

"Tinatanong pa ba yan edi si Satomi isang taon na lang uuwi na asawa nyan." tumatawang sabe Sendoh.

"Sana nga dahil pag di sya umuwi puputulan ko talaga sya." sabe ko at nagtawanan sila.

"Puputulan ng ano?" takang tanong ni Hanagata.

"Ito ohh." sabi ni Mitsui sabay turo sa baba.

"Ibang klase ka Satomi puputulan mo agad ng kaligayahan si Maki." napapangiting sabi ni Fujima.

"Biro lang naman yun syempre di ko gagawin yun...

"Rukawa saan nag aaral si Giezel?" tanong ni Jin.

"Sa paaralan." sagot ni Rukawa..

"Ayos ka talaga kausap Rukawa." natatawang sabi ni Sendoh.

"Ibig nya sabihin saang school nag aaral si Giezel." seryosong sabi naman ni Fujima.

"Tsuda University." tipid na sagot ni Rukawa.

"First year college na pala sya." mahinang sabe ni Jin.

"Laro naman tayo." pag aaya ni Sendoh sa team.

"Okay team ni Fujima vs team ni Sendoh ano game?" tanong ni Jin.

"Sino sa team ni Fujima?" tanong ni Koshino.

"Sa team ko si Hanagata, Rukawa, Mitsui, Fukuda at Takano." sabe ni Fujima at nakipag apir kay Hanagata.

"

Lugi ako." nakasimangot na sabi ni Sendoh.

"Sa team ni Sendoh Koshino, Ryota, Kiyota, Hasegawa at Jin." wika ni Fujima at ngumiti nalang si Koshino dahil teammate ulet sila ni Sendoh.

"Simulan na." sabi ni Rukawa.

Pumunta kami lahat malapit sa court para mapanood ang laro nila.

"Sino sino ang starting 5." tanong ni Jin.

"Sa team ko si Hanagata, Mitsui, Rukawa Fukuda at ako." sagot ni Fujima.

"Sa team ko naman si Ryota, Jin, Hasegawa, Kiyota at ako," sabe naman ni Sendoh.

Hindi maglalaro si Koshino at Takano dahil sila ang ginawang secret weapon nila Fujima at Sendoh. Si Hasegawa at Hanagata ang nag jump ball parehong mataas tumalon ang dalawa pero mas nanalo si Hanagata sa jump ball. Nakuha ni Fujima ang bola at ipinasa nito kay Rukawa binantayan ni Sendoh si Rukawa.

"Subukan mo ko Rukawa." ngiting sabi ni Sendoh.

"Hay naku." buntong hininga na sabi ni Rukawa.

Mabilis na pinasa ni Rukawa ang bola kay Mitsui at binantayan naman ito ni Jin. Naka pwesto na si Mitsui upang tumira ng palpalin sya ni Hasegawa inis na inis naman si Mitsui kay Hasegawa dahil napalpal sya nito. Ipinasa ni Hasegawa kay Miyagi ang bola at sinubukan nitong ishoot kaya lang dalawang matatangkad ang nag bantay sa kanya kaya naisip nyang ipasa nalang kay Sendoh. Hindi naman pumalya ang tira ni Sendoh kaya naka score ang team nila.

"Nice Sendoh." natutuwang sabi ni Ryota.

"Hoy nandito pa kami." naiinis na sabi naman ni Kiyota.

"Hanagata ikaw kay Sendoh, Rukawa ikaw kay Hasegawa at ikaw naman Mitsui kay Jin, Fukuda ikaw kay Kiyota at ako ang bahala kay Ryota." seryosong sabi ni Fujima.

"Okay makakaasa ka Fujima." sagot ni Mitsui.

"Sana manalo sila Fujima." bulong ni Sasaki.

"Magaling din ang team nila Sendoh." anya naman ni Aika.

"Basta ako walang magaling sa kanila wala si Maki eh." natatawang sabi ko.

Ang ganda ng laban nila dahil ni isa sa kanila walang balak magpatalo. Sayang lang dahil wala si Ikegami, Maki, Uozumi, Akagi at Sakuragi pero nakakatuwa dahil ngayon ko na lang sila ulit nakita na maglaro. Habang tumatagal nagiging lamang ang team nila Fujima sa team nila Sendoh.

"Nakakainis na." sabi ni Kiyota na hindi nagugustuhan ang nangyayare.

"Laro lang to Kiyota." ngiting sabi ni Sendoh.

"Bakit ba di ko malusutan yang si Rukawa nakakainis na." sabi ni Kiyota habang masama ang tingin kay Rukawa.

Malapit na matapos ang laro nila pero lamang padin ang team ni Fujima di ko akalain na magaling pala talaga maglaro si Rukawa dahil hindi nya pinagbigyan si Sendoh at Kiyota. Ginantihan naman ni Mitsui si Hasegawa at naka 12 points na sunod sunod si Mitsui kaya inis na inis si Hasegawa dahil di nya makayang talunin si Mitsui sa husay at galing nito.

"Congrats." bati ni Sendoh sa team ni Fujima.

"Hindi mo parin ako kaya." sabi ni Mitsui na masama ang tingin kay Hasegawa.

"Balang araw tatalunin din kita." sabe naman ni Hasegawa saka ngumiti kay Mitsui.

"Sayang natalo tayo." nakayukong sabe ni Kiyota.

"Hindi naman mahalaga kung natalo o nanalo ang importante nakapaglaro ulit tayo Kiyota kasama sila." ngiting sabi ni Jin.

"Tama sya Kiyota kaya wag kana malungkot mauulit pa to at sigurado hindi na tayo matatalo." sabe naman ni Ryota at inakbayan si Kiyota.

Kahit na natalo ang team nila Sendoh masaya parin naman ang lahat dahil tulad nga ng sabi ni Jin hindi importante kung matalo o manalo ang importante nakapag laro sila ng sama sama kahit di kumpleto ang team.